"Sige na kasi! Bff pinky swear na!" Naiinip nitong saad kaya natatawa man at sinunod ko nalang ang gusto ng baklang two!

"Walang iwanan bff." Seryoso kong sambit at napangiti lang ito.

"Halikana, ituturo ko ang kwarto mo dahil kailangan natin magpahinga ng maaga. Bukas ng gabi magpapaparty ako. Welcome party para sa isa sa pinakamayamang nilalang sa mundo!" Saad ko habang tinutungo na ang kwartong tutulugan nito.

"Pak na pak teh! Mas mayaman ka pa kay amor powers at romina mondragon! Ikaw na talaga ang power dragon!" Pagbibiro nito na kinairap ko nalang dito ng natatawa.

....

Kasalukuyan akong andito sa office ko sa isa sa mga kumpanya ni papa. Mejo naiistress na talaga ako sa dami ng bussiness na ihahandle.

Pano ba ito napagsabay sabay ni papa? Mula textiles to shopping malls at sa kung ano ano pang mga equipments and macro buildings.

Hindi ko namalayang magtatanghali na pala. Sakto naman ang pagpasok ni Color na may dalang lunch box.

"Your timing has never been right!" Nakangiti kong bungad dito.

"Syempre ako pa? May maternal instinct kaya ako! " Sagot nito.

"Buti naman, kahit ambisyon lang ang maternal anatomy mo ay napapanidigan mo naman sa instinct." Nakangiti kong turan habang excited sa dala nyang food.

"Leche ka talaga eh noh." Natatawa nitong saad habang isa isang inilalagay ang mga niluto nya sa desk ko habang inaayos ko naman ang mga papeles.

"Besh, ang hirap pala magdecorate sa mansion mo. Ang taas besh ng ceiling di ko kayang abutin para sana sa mga creep paper na ginupit gupit ko na may design pa." Pagiinarte nito na kala mo pagod na pagod sa ginawa nya.

"Adik ka ba? Hindi childrens party ang gaganapin dun. Iniisip mo talagang bakla ka. Cocktail party ang iheheld dun mamaya." Natatawa kong turan sabay iling narin sa kalokohan nito.

"Ay besh! Bet ko young COCK-tail!!!!!" Malanding sigaw nito na nagpatakip nalang sa akin sa aking tenga.

"Ewan ko sayo wala ka nang pag-asa." Natatawa kong saad habang inuumpisahan ng lamunin ang mga dala nito.

Tiningna naman ako nito ng masama, sabay baling ng kanyang tingin sa mga papeles sa may gilid ng desk.

"Micro ang macro finances. Ang dami mo palang pera besh noh?" Seryosong tanong nito na kinatango ko nalang habang lumalamon.

"Iilan lang yan. May halos limang libong business establishment pa akong ieevaluate." Sagot ko dito habang patuloy na kumakain. "And I want you to take over the other businesses. You will be acting as CEO sa ibang kumpanyang tinataguyod ko." Dagdag ko pa na kinalaki ng mata nito.

"Acting CEO? Ibig sabihin mas magiging mataas pa posisyon ko kesa kay Cora the explorer?" Gulat nitong tanong.

Tango lang ang naisagot ko dahil sobrang sarap na sarap ako sa pagkaing dala nya.

Kita kong sumeryoso ang mukha nito na kinatigil ko ng subo sa pagkain.

"It really seems that you are serious with your plans." Seryoso nyang saad. Kilala ko toh madalang lang ito mag english ehh either lasing or seryoso. Sa puntong ito alam kong seryoso sya.

"Yes, I do." Maikli kong sagot.

"But, you don't have to." Mahinang sagot nya.

"No! I have to! Malaki ang pagkakautang nila sa akin. Kaya marami-rami pakong sisingilin sa kanila." May diin sa bawat bigkas ko dito. Unti-unti na naman kasing napupuno ng galit ang dibdib ko.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Where stories live. Discover now