Chapter 19: Love and Hate

Magsimula sa umpisa
                                    

"Can you walk?" 

"Oo, kaya ko to, bessy." 

Tumayo si Caroline at ini-hakbang ang kanang paa. Napa-upo parin sa nginig at napa-hagulgol ng iyak. 

"You might still be in shock. Buhatin na kita. Dun ka muna sa basecamp namin." alok ni Hoven. 

"Wag... (cough) dalhin niyo ako kahit saan huwag lang doon. Baka makita ko lang siya." naintindihan naman ni Hoven at Becky ang ibig sabihin. 

Gamit ang smartphone, tinawagan ni Hoven si Jaymes.

"Hello? Can I ask you a favor?" 

"Sure, ano yun?" Jaymes

"Need namin ng place now, emergency... May mga first aid-kit ka naman sa private gym mo diba?" 

"Oo, sino ba may kailangan?" 

"Si Caroline kasi eh... "

"Sige sige... I'll meet you there. Sasabihan ko si Zach baka may maitulong." 

Kahit hindi pa naiexplain ni Hoven ang lahat. Mukhang alam na ni Jaymes ang nangyari. 

May dinaanan sila sa gilid ng school, papunta sa gym. 

"Saan tayo pupunta? Di ba bawal dumaan dito?" Becky. 

"Kayo, bawal... kami... hindi." Hoven. 

"Napaka-unfair naman niyan." 

"Hindi unfair... baka nakakalimutan mo? Kung Isa ako sa kilabot ng mga kababaihan, isa naman si Jaymes sa kilabot ng mga kalalakihan," sabay kindat nito sa girlfriend. 

Nag-isip si Becky kung paano nanging hearthrob si Jaymes? Kung tutuusin, mas maganda pa siya dito. 

"Oh... wag mong icompare ang sarili mo sa kanya. Mas maganda ka. Ang lamang kasi Jaymes sa lahat ng babae sa campus... magaling siya sa sports... kahit lalake, kaya niyang talunin!" 

"Ganon? Pero, may boyfriend na ba siya?" 

"Wala pa." 

"Ano? Baka naman tibo yun ha?" 

"Of course not. Hindi pa lang ready yung guy na gusto niya?" 

"Sino???"

"Si Zach." 

"What???" 

"Dito! Pasok!" hindi pa na i-process ni Becky ang balita, biglang lumitaw si Jaymes. Nag-mabilis silang pumasok sa gym.

Sa loob ay isang half-court ng basketball. May isang shower room at isang air-conditioned room na may single bed, refrigirator at closet. Meron din itong stock-room kung saan nakalagay ang mga matts at iba pang sports equipment. 

"Woah!" na mamanghang sabi ni Becky. inilibot nito ang mata at hindi makapaniwala. 

"Sa iyo to?" Becky.

"Sa amin ni Zach." Jaymes. 

Maya maya lang ay pumasok si Zach sa gym at pinuntahan si Caroline sa kuwarto. 

"Okay na ba siya? May dala akong pag-kain at tea para sa ating lahat." Zach. 

"Medyo okay na, pero pag-pahingahin muna natin siya." Hoven. 

"Okay na ako... wala na yun." nakangiting sagot ni Caroline. Sinubukan nitong tumayo sa kama. 

"Sis, don't force yourself, you need to rest. " 

"Ano ba ang nangyari?" Jaymes. 

"Si Elena kasi..." Hoven. 

"Wag muna natin siya pag-usapan, hindi pa nakaka-recover si sis sa nangyari." Becky. 

Meeting Mr. GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon