Chapter 17: Confession

1.1K 14 1
                                    

"Caroline! Iija!" malakas na tawag ni Ate Myrna. 

"Po ate?" Caroline. 

"May gustong kumausap sayo sa telephone. "  

Dali daling bumangon sa kama si Caroline. Medyo masakit pa ang paa, ngunit kaya na niyang lumakad ng walang saklay. 

"Hello?" 

"Anak! Okay ka na ba?" Aling Tina. 

" Okay lang po ako mama! Pasensya na at hindi ako naka-uwi nitong linggo. Kumusta na kayo ni bunso?" 

"Hay na ko! Wag mo alalahanin yon! Mas maganda nga na nakapag-pahinga ka diyan sa eskuwelahan, sariwa ang hangin at malambot ang kama! Kung nandito ka ng linggo, baka hindi ka pa makapasok. Okay naman kami ng kapatid mo." 

"Teka, mama! Mabuti at nakatawag kayo!" 

"Ah, eh sumuweldo ako kanina. Kaya nag-paload agad ako ng 50 pesos para ma-kumusta naman kita. " 

"Mama, sana itinago niyo nalang yung 50 pesos. Isipin ninyo, dalawang sardinas o isang kilo ng bigas na rin yan. Sana hindi nalang kayo nag-paload." 

"Okay lang yon anak!" 

"Sige na po mama! Ibaba ko na itong telephone, bawal kasi makipag telebabad dito baka may tumawag. Tska sayang ang load ninyo." 

"Ah ganoon ba anak? O sige miss ka na namin! Pagaling ka pa lalo ha? Para next weekend, maka-uwi ka naman! Mag-aral kang mabuti." 

Nangingilid ang luha ni Caroline, kaya't agad nitong pinunasan bago pa makita ni Ate Myrna. 

"Thank you ate!" 

"Aba! bakit ang bilis mo naman makipag-usap?" Ate Myrna. 

Napakamot lang ng ulo ang dalaga at ngumiti. Ayaw naman niya na may masabing hindi maganda ang mga kasamahan sa dormitoryo. Isa pa, wala naman din siya nakitang tao doon na nakikipag-telebabad. 

Habang inihahanda ni Caroline ang mga gamit sa pag-pasok, na alala nito ang mga nangyari ng linggo sa garden kasama si Chronus. 

"Caroline, maging matigas ka! He doesn't exist." sambit nito sa kanyang sarili. 

__________________________________________________

Becky's POV 

Nag-aantay si Becky sa labas ng auditorium na malapit sa dormitoryo ng kaibigan. Palagi silang sabay pumasok. Umupo muna ito sa may hagdan papasok ng auditorium at nilabas ang ipod. 

Because I'd still say yes...

To you again

My darling for you 

I'd do it all again... 

Habang nag-aabang. May umupo sa tabi niya. 

"Hoven?" nagulat na tanong ni Becky. 

"Hi, Becks." nakangiting bati ng binata. Umakbay ito sa dalaga na siya naman kina-kilig nito. 

"Anong subject mo today?" 

"Social Studies." 

"Social Studies..." ulit ni Hoven. 

"Bakit ka nga pala nandito?" Becky. 

"Wala lang... masama na bang tumambay dito?" 

"Hindi... but you're not the type na tatambay ng wala lang." 

"Wala lang talaga..." 

"Okay." 

Natahimik ang paligid. 

Meeting Mr. GiftedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant