Epilogue

4.8K 139 36
                                    

"Wooh! Ang init!!! Deanna, matagal pa ba? Gutom na ko!"

Reklamo ni Ponggay, we are now here at Sta. Monica Church for Winter's Christening Day.

Ang nakalagay kasi sa invitation ay 8:00 am. Pero 8:30 na ngayon. Sinadya ko talaga yun para kumpleto na sila bago magsimula ang binyag.  Mukha namang andito na lahat kaya pumunta na ako sa lectern sa left side ng altar. Kinuha ko ang microphone.

"May I have your attention please!"

Umayos sila ng upo at nakatingin na sa akin ngayon. Lahat ng mahal namin sa buhay ay nandito. The ALE Squad, the team Creamline, Galanza and Wong clan and some more.

"Before the Priest arrives I am saying just a few reminders.



No. 1 - I will be giving each of you an alcohol. My baby is always clean, courtesy of my wife and I don't want him to get sick so before you hold him, disinfect yourself first.

No. 2 - No kissing! Please please please guys! I know that my son is cute kasi mana sa akin, but our mouths is the dirtiest part of our body. It contains a lot of germs. Please don't kiss my baby especially in the face. Baka magkarashes po kasi.


No. 3 - Do not talk when your mouth is near him. Parang same lang rin yun sa kissing kasi baka tumalsik laway niyo sa anak ko. Pasensya na I really have to say it.


No. 4 - Those who wear jewelries, lalo na watches and bracelets, I have here a blanket, you should place it first in your arms before you carry my son. Baka po kasi maipit yung skin niya or maprick siya. Salamat po sa pang-unawa.


No. 5 -----"



"Uuwi na kami! Napaka-arteng parent naman nito! Kaya ba wala pa dito sila Jema? Para sabihin mo muna yung rules mo?"


Reklamo ni Ponggay.


"Yung safeguard nga, 99.9% lang ang natatanggal eh, ikaw gusto mo 100?!"


"It's easy Pongs, if you can't follow my rules, don't hold him."


Sabi ko. Bakit masama ba yun? Masama bang ingatan ang anak ko? Pag ba nagkasakit siya, sila mamomroblema?


Tsss....


"Kundi lang dahil sa gutom na ko, uuwi na lang ako eh. Ang mahal ng binili kong gift para sa inaanak ko, tapos halos ayaw mo pahawakan?"



Nagtawanan ang iba.


"Seriously Pongs? After all these years, patay gutom ka pa rin?"


Consistent ah..



"Wala kang paki! Sino ba sa atin ang may mantra na 'Food is Life'? Plastik neto..."



I called Jema to say that she can already go out of the car. One of the reasons lang naman yung pagbrief ko sa kanila. Mainit kasi dito sa simbahan. Si baby Ice kasi ay iyakin. Mana kay Jema😝. Baka di pa naguumpisa yung binyag ay nagcoconcert na siya.

We nicknamed him 'Ice' kasi his name was kind of mouthful daw. Connected pa rin naman sa name niya kahit malayo sa spelling.


The ceremony started. Nagpadresscode din ako. White dapat lahat ng top na suot nila. Nakalagay yun sa invitation. Pangit kasi tingnan sa pictures kung iba-iba yung kulay diba. Siyempre di na naman mauulit tong okasyon. Isang beses lang tayo binibinyagan. Pangit naman kung may magsusuot ng black or red diba?


I also indicated na wag na magregalo ng toys at clothes. Pwede na kasi kami magtayo ng boutique sa dami ng damit at laruan ni baby. Sila Mommy at Mama ayaw paawat. Kahit yata hanggang mag-10 years old siya, eh marami pa rin siyang damit.


Is It Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon