Chapter 16

2.3K 70 9
                                    


After three weeks...


"Jema, it's good that your blood pressure went back to normal. So far wala naman na tayong dapat ipag-worry. Basta continue mo lang yung mga supplement, check up pa rin in the next coming  weeks until delivery day mo." sabi ni Doc.


Maya-maya lang ay umuwi na rin kami.

Nitong mga nagdaang linggo pagkatapos nung pag-aaway namin, okay naman na kami ulit.

Naiayos na rin namin yung kwarto ni baby.

Parang ang nangyare, andun lang sa kuwarto yung mga gamit niya.

Sa kuwarto namin ni Deanna nakaset-up ang crib at yung mga kailangan lagi lalo pag madaling araw, mahirap namang tumakbo pa sa kabilang room.

Yung condo namin, kahit sumikip, ang sarap tingnan.

Di naman halatang excited na kaming lahat sa paglabas niya.

Bukas, last day ko na sa Athletika. Mamimiss ko silang lahat dun kaso iba na eh.

Magiging nanay na ko. Panibagong yugto na to ng buhay ko.







Minsan di ako makapaniwala...






Konting panahon na lang, buo na kami. Isang pamilya.

Sana tuloy-tuloy lang na masaya, kahit may dumating na problema, sana makayanang lampasan.

Andito ulit sa Manila sila Mommy at Daddy. May mga inaasikaso sila about dun sa building at bahay.

Sinisimulan na yun ayusin. Gusto ni Mommy na tumira na kami agad dun. At siyempre para magkakasama na kami anytime na bumibisita sila.

Andun na rin yung designer ng bahay. Si Deanna na lang bahala tumingin-tingin dun. Wala naman sa akin kung ano ang hitsura ng bahay. Ang importante lang naman sa akin ay yung basta magkasama kami ni Deanna at ni Baby.

Di pa rin namin napag-uusapan yung name ni baby. Ewan ko ba. Wala rin ako maisip eh. May mga naririnig akong names pero gusto ko si Deanna na lang ang magbigay.


Papunta kami ngayon sa hotel na tinutuluyan nila Mommy. Dito muna kami sa restaurant sa baba. Bibili muna daw ng pagkain si Deanna.


Nakaupo lang kami dito sa isang gilid at hinihintay yung order namin.

Maya-maya tumunog yung phone niya.

Sinagot niya yun, tapos agad nagsalubong yung kilay niya at tumingin sa paligid.

Parang may sinundan siya ng tingin.

"Jema, dito ka lang. Wait for the food. Pag wala pa ko pagdating ng food, umakyat ka na kila Mommy. Do you understand?" sabi ni Deanna.

"Bakit ba? Sino ba yung tumawag sa'yo?" sabi ko. Sino ba kasi yun?

"Wala. May tumawag lang na kakilala ko. Don't leave this building okay? Baka sumunod na lang ako sa hotel." sabi niya.

"Sige. Mag-iingat ka ha. At huwag mo tagalan." niyakap niya muna ako bago siya umalis.

Tiningnan ko yung resibo ng pagkain. Pansit Bihon, Beef Brocolli at Roasted Beef.

Sana naman maluto na agad. Gusto ko na umakyat kila Mommy. Hindi ko maitaas yung paa ko dito sa resto. Nakakahiya. Pero nangangalay na ko talaga.

Nagbabasa-basa lang ako ng mga blogs ng mga new moms nang may umupo sa tapat ko.


Pag-angat ko ng paningin ko...






Is It Mine?Where stories live. Discover now