Chapter 6

2.6K 81 10
                                    

A week after,

"Jema! What is happening there! Bubuksan mo ba tong bathroom door o bubuksan mo?!" galit na sigaw ko kay Jema.

Tatlong oras na siya sa banyo! Naknampu talaga! May mission ba tong asawa ko na tagalan ng tagalan ang pagtambay dun?

"Jema? Napapaos na ko dito kakatawag sa'yo di ka pa rin lumalabas diyan!"

Ngayon ang araw ng first check up niya. Kahit naglaan ako ng oras para sa 'prep routine' niya, malelate na talaga kami.

Babiyahe pa kami, di bale sana kung sa kabilang kanto lang ang Millbrae.

I checked the time. Malelate na talaga kami. I took my phone and dialled the doctor's number. I told her that we will be late. Mga two hours more pa.

Nakakahiya sa doctor. I informed them na lang para yung next in line ang unahin. Sayang yung oras.

Kagabi pa kasi di mapakali si Jema. Napaparanoid sa magiging resulta ng PT.

No matter how I try to convince her that it is in God's hand, wala.

"Jessica Margarett! Are you really testing my patience? Tayo lang ba ang may sched kay doc? Pag di ka luma---"

Finally! Wait lang, umiiyak ba siya?

"Ano ba nangyayari sayo?" nagaalalang tanong ko sa kanya.

She's still naked. She just opened the door. She's looking at her reflection in the mirror.

Kung di lang siya umiiyak iba iisipin ko eh. Baka gusto ng quickie?

I hugged her. Kissed her hair and shoulder. Natuyo na siguro to nang di nagta-towel.

"Let's get this on na Love, wag natin i-anticipate yung result."

"Paano kung negative? Kasalanan ko ba pag ganun nga nangyari? Kasi naistress ako nung nakaraan?"

Hinahaplos niya yung puson niya. Gusto ko sana gayahin kaso baka kung saan pa mapunta kamay ko eh.

"Parang wala lang kasi Love eh. Tingnan mo oh." napapraning talaga siya.

"Love, 3 weeks pa lang kasi. Zygote pa lang si baby kung sakali. Wala pa talagang bump yun." kumbinsi ko sa kanya.

"Magbihis ka na. Nagsabi na ko kay doc na malelate tayo ng konti. Alam ko na kung pano gaganda ang mood mo."

Naalala ko. Na kila Ate Bei pala ang barkada. Nabasa ko sa gc namin. After work nila sinimulan ang session kaya for sure may gising na dun kahit maaga pa.

I checked who's online na, Ate Bei and Ponggay. Puwede na. Mapakinabangan naman kakulitan ng mga ito to lighten up my wife's mood.

I clicked the video call button when I saw Jema was dressed already.

"Wong! What's up?" tanong ni Ate Bea. She's in their dining table. Ponggay joined our convo. Nakahiga pa siya at nakapikit.

"Jema. We are about to go the hospital for her first pregnancy test. Napapraning tong asawa ko eh di pa nga namin alam ang result." sabi ko sa kanila.

"Jema," it's Ponggay.

"Alam mo kasi, dapat di ka pumayag na genes ni Deanna yung panganay niyo eh. Ayan nahawahan ka na ng katok sa ulo. Tsk, wawa naman my inaanak." anudaw?

"Ganun ba yun? Di pa nga sure eh. Wala naman akong nararamdaman na sign na buntis na ko." said Jema.

"Positive na yan. Trust me yang kapraningan mong nararamdaman ngayon? Ayan na yun!"

Is It Mine?Where stories live. Discover now