Chapter 20: Kiniss sa lips

Start from the beginning
                                    

Heto na naman ang luha ko, namumuo na naman. 

"Hayaan mo na lang iyon, may karma din yun." sa haba haba ng kinuwento ko sa kanya iyan lang ang sinagot niya sa akin. Hayss, pero ayos na din ito kahit papaano naman gumaan gaan ang dibdib ko. Tapos akala ko wala ng kasunod ang sasabihin niya pero...  

"-Wag mo nalang isipin si Bethina, nandito naman ako at kahit kailan hindi ko naisip na ganoon ka na isang Loser, Yuck, at kung ano ano pang negative words. Basta para sa akin ikaw si Serah na dapat pinapahalagahan at kailanman ay hindi naging Loser. Di ba nga I will cherish you?" 

Pagkauwi ko sa bahay,

"Ma, basahin niyo ito oh." inabot ko sa kanya yung papel para sa Field Trip namin.  Mga ilang sandali..

"Gusto mo sumama anak?" nakangiting sagot ni Mama sa akin. 

"Opo, kaso.."

"Saturday and Sunday?"  nag nod naman ako. Alam ko na alam ni Mama ang ibig sabihin ko. Ma, ikaw na bahala sa desisyon ko. Magpapaka depende muna ako sayo. Sana matanggap ko iyon.

"Sige anak sumama ka. Tutal hindi ka pa naman nakakapunta dito pati may parating naman na Bonus ang Papa kaya sige sumama ka na."

"Talaga? Ma? Sasama ako?!" huwaaah! Ang saya ko! Makakasama ako sa Field Trip! Makakarating na din ako sa Baguio! Pero naalala ko, hindi pala ako makakapag simba ng araw na iyan.

"Oo naman anak. Minsan ka lang humingi sa amin ng Papa mo kaya pagbibigyan talaga kita. At kahit wala tayong pera pipilitin ko pa din makasama ka dito, kasi ngayon ka pa lang makakapunta sa Baguio. Basta anak wag mo akong kalimutan na uwian ng Strawberry ha?" 

"Opo Ma! Thank you!!!" niyakap ko si Mama at kiniss sa cheeks.

***

Nandito na ako sa loob ng Bus nakaupo. Paalis na din kasi kami eh. Ang dami kong dalang damit malamig daw kasi doon lalo na ngayon magpapasko na. Dito pa nga lang sa Bus malamig na eh kahit na jacket na ako, ang lamig pa din. Nung nakapasok na ako sa Bus umalis na din si Mama, syempre good bye kiss sa kanya at nakatanggap pa ako ng pangaral na wag makalimot magdasal at wag lalayo sa mga kaklase.

Dito ako nakapwesto sa pinakadulong upuan ng Bus. Nakakatuwa nga kasi buong 4th Yr Turquoise at half ng Dandelion ang tao dito. Solo daw sabi nga mga classmates ko. 

Bigla kong nakita si Travis na nakatayo at naghahanap ng upuan. Wala pa akong katabi.. Nakakahiya naman na yayain ko siya na umupo dito sa tabi ko lalo na limang oras ang biyahe papuntang Baguio. 

"Serah!" napalingon ako kay Travis kasi tinawag niya ako. "--may katabi ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Wala p---" hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko kasi.. 

"Oo meron na, ako." biglang umupo sa tabi ko si Zac. Hala? Saang galing ito? Tumingin ako sa kanya at nginitian lang niya ako. Tumingin ako kay Travis at umupo siya sa may harapan namin kung saan nakaupo din si Bethina mag-isa.

"Naks! Magkatabi!" pang gagalit ni Zac kay Travis.

"He! Tigilan mo ako! Peste ka!" 

"Bethina, ihanda mo ang plastik mo dyan, susukahan ka niyan mamaya! HAHAHA." pang gagalit ni Zac sa dalawa. Parang nung isang araw lang galit si Zac kay Bethina biglang ganito? At naninibago pa din ako sa taong ito, hindi ko maisip na mang-aasar din pala ito.

Mga ilang minuto lang umandar na yung Bus pero syempre bago umalis nag pray muna kami. Si Ma'am Fuentes yung nag lead ng prayer. I wonder kung nagdasal itong katabi ko, hindi ko kasi nakita kasi nakapikit ako eh. Hehehe. 

Cherish YouWhere stories live. Discover now