Chapter 25: Selos

809 15 8
                                    

Chapter 25

"NARINIG MO BA YUN?!" biglang sumigaw si Bethina at tumingin sa bintana. Nakita ko si Zac na nakasilip doon at biglang nag thumbs up kay Bethina. Naku!!! Narinig nya? Waaaaaaaaaahh!!!

Napatakip na lang ako ng mukha sa sobrang kahihiyan. Totoo ba yung nasabi ko kanina? Totoo? Hindi nga, pero wala ng bawian nasabi ko na eh. At ang masama pa doon narinig nya, naku! Nahihiya ako! Hindi ko na kayang makipag-usap kay Zac nito.

Tapos biglang hinawakan ni Bethina ang kamay ko.

"Tanggalin mo nga yan." hinigpitan ko lang ang pagtakip ko sa mukha ko. Nahihiya ako!

"Eh nakakahiya!" sagot ko.

"Wala na sya, kaya tanggalin mo na yan" sabi nya, kaya tinanggal ko na. Tumingin ako sa bintana at wala na siya.

"Bethina, bakit ka naman ganoon?" tanong ko sa kanya, alam kong hindi maganda ang pakitungo nya sa akin noon, at ngayon lang kami naging mag kaibigan. Pero bakit naman kailangan nyang gawin sa akin ito. Haysss...

"Hmm, wala lang! Naaasar kasi ako sa mga kaibigan ko ginaganyan din nila ako kapag dumadating si Travis eh" tapos nag pout siya, ewan ko nung binanggit nya si Travis parang wala na sa akin. Noon kasi may nararamdaman akong iba na.. Basta! Guni-guni lang siguro iyon.

"Kayo na ba?" bigla na lang lumabas sa bibig ko kaya bigla kong tinakpan ang bibig ko. Naku, Serah! Ingatan mo nga ang sinasabi mo. Baka magalit sa akin nito si Bethina, wala akong karapatan mag tanong ng ganito lalo na kung sa kanya. Waaah, mukhang mawawala ata ang pagiging Friends namin ngayon pa lang. Kasi kumunot ang noo niya at tumingin sa akin ng masama. Lord, hindi na po sana mag sabi sa akin ng masasama si Bethina. Gustong-gusto ko siyang maging kaibigan. Pero ngayon mukhang hindi na mangyayari.

Tinignan lang ako ng masama ni Bethina.At nagulat ako dahil sumigaw siya.

"MUKHA BA KAMING MAG SYOTA?! HA?!" kaya napaatras ako sa upuan ko at di ko namalayan nahulog pala ako sa sofa. Lumapit sa akin si Bethina kaya ako naman napapaatras nakakatakot kasi ang itsura nya, parang sasaktan ako.

"Eh.." sagot ko at tinaas ko ang kamay ko na parang sinasabing suko na ako. Bigla na lang hinawakan ni Bethina ang kamay ko at hinigit ito.

"Tumayo ka nga dyan, pati wag na nating pag usapan si Travis kumukulo lang ang dugo ko!" kaya naman tumayo na ako at umupo sa tabi niya. Hayss, ilang oras pa kaya kaming uupo dito? Ilang subjects din ang namiss ko kahit Minor lang yun. Mahalaga pa din iyon lalo na kapag related ang course na kukunin mo doon sa college.

At dahil bored nga ako, "Bakit ba galit na galit ka kay Travis?" nakalimutan kong ayaw na nya palang pag-usapan si Travis tapos ngayon I bring it out. Naku, mukhang masisigawan na naman ako >_<

"Damn! Ang kulit mo! Sabi nga ayaw kong topic yun eh!! Pero sige na nga ikwe-kwento ko na, kaasar para ka ding si Travis eh! Well, nag simula lang naman akong magalit doon noong Tour, total disaster talaga ang Field Trip ko noon dahil sya na nga ang katabi ko sa Bus tapos yung mga Friends nya pinag tripan siya nung gabi na. Pinapasok nila si Travis sa kwarto ko na exclusive lang para sa akin. Nag rent kasi ako ng pangsarili lang. It turned out. Sinet up kami ng mga magulang namin sa iisang kwarto! Sabi niya doon din daw ang kwarto niya dinala lang siya ng mga kaibigan niya doon kasi mag-isa siya sa kwarto at kakatapos lang nilang mag kwento ng kakatakutan. Ah basta! I hate Travis to the moon and back! " 

Nag nod na lang ako sa kanya pero deep inside natatawa ako, ewan ko ang cute lang kasi ni Bethina na maasar kay Travis. Sayang at di ko nalaman yung buong storya siguro tatanungin ko na lang si Travis kapag nagkalakas ako ng loob. Hindi naman kasi nag kwe-kwento iyon tungkol sa mga ganito eh. Di ba sabi nila 'The more you hate, the more you Love' mukhang alam ko na ang susunod sa dalawang ito.

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon