Chapter 5: Journalism Club

1.3K 25 9
                                    

Chapter 5

"Wag ka nang umiyak, na iinggit lang sila sa'yo."

Katatapos lang niyang punasan yung luha ko, nakakahiya, nadumihan pa yung panyo niya. Tapos nagkatinginan kami,

"Ah..salamat, sige alis na ako Travis..." ewan ko ba nung tinignan ko siya sa mata parang nag init ang mukha ko, kasi iba yung aura niya, kakaiba, siguro nga first impression ko sa kanya masama siya. Pero ang totoo hindi naman talaga, baka nga ganoon lang talaga.

Nasa paradahan na ako ng jeep, tapos narinig ko pa siyang sumigaw.

"Insecure lang sila sayo, kasi maganda ka!" then dumating na yung jeep.

***

Hindi ako makatulog, alas dose na ng gabi, bukas Friday na. Sa Journalism na lang ako sasali, tutal ayaw talaga naman ng tao sa akin. Habang nakahiga ako sa kama, naisip ko na naman si Travis. 'Maganda ka' siya palang ang unang lalaking nagsabi sa akin nyan. Hindi naman ako sinasabihan nila Papa at Kuya ng ganyan eh.

Haysss, di ko dapat intindihin ang mga bagay na yan...

Pero nagtataka ako kay Zac, bakit kanina okay naman siya? Tapos nung bumalik siya para ibigay sa akin yung Bible naging masungit na naman siya? Hayss, baka nga nature nila yun. Matutulog na nga lang ako, tapos na din naman akong mag pray.

"Good Morning! Gising na, malalate ka na!" naramdaman kong inaalog ako, pagdilat ko ng mata ko, Kuya ko ang tumambad sa harapan ko kaya napabangon ako ng di oras. Paano kasi may puti puti yung baba niya, mukha tuloy monster hehe. Siguro nag sh-shave siya.

"Ayy, sige kuya, iwan mo na ako." mag p-pray muna ako, dahil nagising ako, at may new oppurtunity ulit ang mangyayari sa akin. Sana may mangyari ngayong bago sa akin, sana maging okay na ang tingin sa akin ng mga tao sa school... Pero 'sana' lang yun, at hindi di ko alam kung magkakatotoo ba.

Ginawa ko na yung Morning Ritual ko, kumain, maligo, magbihis, kumiss kay Mama, sumakay sa jeep at mag pray. Ngayon nalate ako, kasi pagpasok ko sa school, wala nang masyadong student sa labas, for sure nasa loob na sila ng rooms.

Pumunta na ako sa Third Building... Bakit parang ang tahimik? Umakyat ako sa hagdan, kakaiba, dapat pag aakyat ako dito may maririnig akong ingay pero this time parang wala? Nakarating na ako sa 2nd Floor, may nadaanan akong room at nagulat ako... Walang tao?

Pagkadating ko sa room namin, dahan dahan kong binuksan yung pintuan. 'Lord, baka mapahiya ako or masigawan dahil late ako, wag naman po sana'. Pagkabukas ko ng pintuan, pagtingin ko, mga 4 boys lang ang tao sa room at lahat sila ay nakaubob. Nagtataka pa din ako, nasaan yung iba?

Lumakad ako sa chair ko, nandito pala si Zac at nakaubob din siya. Wala talaga akong nalalaman kung anong meron ngayon, gustong-gusto ko na tanungin siya kung ano ang meron ngayon. Pero natatakot ako, baka magalit siya.

'Lord, di po sana ako sigawan ni Zac, pagkinausap ko siya.'

Hinawakan ko yung shoulder ni Zac, at tinap. Bigla naman niyang inangat ang ulo niya at tinignan ako ng masama.

"Oh ano?"

"Ah, bakit konti lang ang tao dito? Nasaan yung iba?"

Kinamot nya yung ulo niya, at tumungo ulit. "Nasa mga clubs sila..." tapos noon, iniwan ko na siya, so ngayon pala talaga yung meeting at register sa mga clubs. Pumunta ako doon sa kabilang building, mabuti na lang at kakaunti ang tao sa corridor.

Hindi tuloy ako naiilang lumakad, inipit ko na pala ang buhok ko.

Nasa harap na ako ngayon ng room -- Journalism. Kumatok ako at binuksan ko yung pintuan. Nagulat ko ata sila dahil nagmemeeting sila, napahinto tuloy yung nagdidiscuss sa harapan.

Cherish YouWhere stories live. Discover now