Chapter 27: Kenn

768 13 10
                                    

Chapter 27

"Serah!!!"

"Anong nangyari sayo?! Buksan mo itong pinto!"

Hindi ko pinansin si kuya na kumakatok sa pinto ko. Nandito ako sa kama ko nakahiga at pinipigilan ang sarili ko na humagulgol. Tulo ng tulo ang luha ko, para akong bata na inaway at inagawan ng Candy. Gusto kong umiyak ng malakas para mawala naman ng konti ang sakit pero ayaw ko lalo na ngayon kumakatok si Kuya sa pintuan. Nahalata pala niya akong umiiyak paakyat dito.

Naiiyak ako dahil sa nalaman ko, hindi ko alam kung bakit. Siguro sasabihin ng iba ang babaw ng dahilan ko pero bakit kasi magkasama silang dalawa? Ang sakit naman kasi eh! Iniisip ko pa lang na magkasama sila pakiramdam ko pinupunit ang puso ko. Isabay ko pa yung thought na iniwan niya ako sa may rooftop dahil mag c-cutting daw siya. Tapos ngayon nalaman ko si Mara pala ang kasama niya.. Zac naman eh! Hindi ko na talaga alam kung magtitiwala pa ako sa'yo.. Pakiramdam ko ang dami-dami mong secrets, and how dare you to say you like me and to court me. Kung hindi pa naman kita lubos na kilala.

At ang mas masakit pa doon, iniiwasan mo ang usapan lalong lalo na kay God. Bakit?

Lord naman eh, bakit sa dami ng lalaking dadating sa buhay ko bakit si Zac pa? Madami din naman dyan na faithful, bakit si Zac pa ang dumating sa buhay ko at hindi ko lubos na kahuhulugan ko ng loob.Oo, sikat siya, mayaman, matalino, gwapo pero wala sa kanya yung isa sa pinakahahanap ko. Pero nakakaasar naman itong puso ko!

"Serah!!!" nagulat ako ng biglang pumasok si Kuya sa kwarto ko at dali-daling sinarado ang pinto ng makita niya ako. Lumapit siya sa akin at agad akong niyakap. Bumagsak na naman ang mga luha ko.Hanggang sa napahagulgol na ako dahil hindi ko na kaya pang pigilan..

"Anong nangyari? Shhh, nandito na si Kuya.." niyakap ko ng mahigpit ang Kuya ko. Humagulgol ako habang binubrush niya ang kamay niya sa buhok ko.

"Kuya!!!"

"What happened ba?" still nakayakap pa din ako sa kanya. Inayos ko ang sarili ko at humarap sa kanya. Huminga ako ng malalim kahit ngayon lang.. Mag oopen up ako ng nararamdaman ko. Wala namang masama, Kuya ko naman siya.

"Si Zac," hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang tumayo si Kuya at humarap sa akin.

"ANONG GINAWA SAYO NUNG LALAKING IYON?! BABANGASAN KO SIYA!!! KAHIT NA MADAMI SIYANG FANS! DI KO SIYA SASANTUHIN!!! SAAN ANG BAHAY NO--"

Tumayo ako bigla ay niyakap ang Kuya, natawa ako sa expression ni Kuya. Ngayon lang kasi siya naging ganito sa akin. Feeling ko concern siya sa akin. Si kuya talaga..

"Kuya, hindi pa ako tapos mag salita. Pati wag mo naman siyang sasaktan.." naramdaman ko naman nag calm ang kuya ko kaya umupo na ulit ako sa kama ganun din siya.

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Kuya

"Kasi, nililigawan niya ako kaso nalaman ko may sinasamahan siyang ibang babae.." napatingin ako sa kamay ng Kuya ko at nakita kong nag clenched ito. Tinignan ko siya at nakakagat labi siya.. Hayss,..

"Serah, wag ka ng mag kwento alam ko na. Pigilan mo na lang ako bubugbugin ko yang Zac na iyan! Mabuti na lang hindi mo pa siya sinasagot kung hindi!! Aish! Wag mo ng sagutin yan! May papakilala ako sa'yo mas type mo yun!" bigla na lang akong hinila ng Kuya palabas ng kwarto.

Tapos nakita kami ni Mama..

"San kayo pupunta?" bigla nya kaming hinarang sa pintuan. Napatingin sa akin si Mama at nanlaki ang mata. Oo na po, sabog ang mata ko.

"Daniel, anong ginawa mo sa kapatid mo?"

"Aish, Ma! Padaanin mo kami, bibili ko lang siya ng Ice Cream. Inaway ko kasi.." nag lighten up naman ang mukha ni Mama at lugod na pinadaan kami. Bago kami makalabas ng gate sumigaw pa si Mama.

Cherish YouWhere stories live. Discover now