Chapter 30: End-of-the-world

687 15 5
                                    

Chapter 30

Isang linggo na din nakakalipas simula nung natulog ako sa bahay nila. Ang saya ng gabing iyon di lang sa nagkaayos na kami kung hindi dahil nakakatawa talaga si Dria. Lalo na nung gabi na tinabi niya sa amin si Mishka sa pagtulog mabuti na lang at pumayag yung Mommy nila. At ngayon ko lang nalaman sa super duper ingay talaga ni Dria bago matulog ang dami niyang kwento tungkol sa mga classmate niya at sa crushes niya.

Grabe nga si Zac noon, nakahiga kami ni Dria sa kama at nagkwekwentuhan bigla bigla na lang si Zac papasok sa kwarto ni Dria at sasabihin may naiwan daw siya. Hindi na lang namin pinapansin ni Dria kasi busy kami sa pagkwekwentuhan. Pero pagkatapos makuha ni Zac yung kailangan niya after 3 minutes babalik na naman siya at sasabihin may isa pa daw. Siguro mga 5 times niyang ginawa iyon. Hanggang sa na realize ni Dria na naubos na yung Teddy Bear niya doon sa collection box niya.

Kaya ang result? Nagbangayan yung dalawa. Hindi ko nakita yung scene pero rinig ko yung sigawan nila.

"KUYA!! AKIN NA SI PIGGY!"

"PAHIRAM MUNA!"

"BAKLA KA! MAHILIG KA SA TEDDY BEAR!"

"HOY!! MATULOG KA NA! KUNG HINDI PUPUGUTIN KO ISA ISA ANG ULO NG MGA ITO!"

"WAAAAAH! BAKLA KA NA MURDERER!"

"TOMBOY KA NAMAN!"

"HINDI HA! MAY CRUSH NGA AKO EH!"

Tawa lang ako ng tawa habang pinapakinggan silang dalawa. After noon bumalik na din si Dria na hindi maipinta ang mukha. Humiga na siya sa kama at sa palagay ko natulog na. Kaya ako ganoon din pero hindi muna.. Nag pray muna ako bago ako matulog.

- - -

"Sa wakas tapos na din!!!" sigaw ni Kenn tapos nag unat unat pa siya. Sa wakas nga talaga, Periodical kasi ngayon Last Day tapos bukas naman Christmas Party na namin. Hanggang ngayon wala pa din akong regalo doon sa nabunot ko.

Codename kasi yung mga pangalan na ginamit namin sa bunutan. Ang tanging alam mo lang ay Girl or Boy at sa minalas malas nga naman Boy ang nabunot ko. Tapos ang codename pa niya ay Nevermore.

Hindi pala napansin ni Kenn na siya lang ang tanging maingay nung sumigaw siya. Kaya ngayon ang buong klase ay nakatingin sa kanya.

"Sorry. Peace" tapos nag V sign siya natawa naman ako doon.

"Tawa ka dyan" sabay siko sa akin.

"Hehehe nakakatawa ka eh"

"Hindi ako CLOWN" inemphasis pa niya talaga yung word sabay pout. Ang cute talaga nitong lalaking ito kaya bigla kong pinisil ang ilong niya.

"ANO BA?!" sabay tabig sa kamay ko.

"Ang sungit mo talaga"

"Tch. May asgahfbakjfhag ka na eh" hindi ko narinig ang sinabi niya tapos bigla naman siyang tumayo na para lumabas sa room. Hahabulin ko sana siya ng tinawag ako ni Bethina..

"Serah!" nginitian ko siya sabay lapit sa upuan niya. Nakaupo pa din kasi siya.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kanya kasi uwian na din namin ngayon.

"Maya-maya aantayin ko pa si Travis-nerd. Alam mo naman iyon running for Valedictorian, kaya ang bagal talaga noong mag exam. HAHAHA"

"Ahh, eh bakit mo pala ako tinawag?"

"Gusto kong tanungin kung sino nabunot mo. Hihihi"

"Bawal dibang sabihin? Pero BOY ang nabunot ko. Nahihirapan nga ako eh kung anong ireregalo ko."

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon