Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto

882 14 9
                                    

Chapter 28

"Okay na, umalis na siya.." nagulat na lang ako ng sinabi niya iyon. Kaya dali dali kong tinanggal ang braso ko na nakayakap sa kanya. Ngayon ko lang narealize nakakahiya pala!

"Sorry Kenn.." sabay tungo ko ng ulo.. Kung iisipin ng ibang tao, parang ang kiri ko.. Awww!

"Ayos lang, tara hatid na kita?" suggest niya sa akin na kinagulat ko. Oo sobrang gulat talaga ako. Ihahatid niya ako?

"Ha?"

"Hatid na kita..."

"Eh kasi---"

"ATE SERAH!!" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Carla na nakangiting wagas. May hawak hawak na siyang Frappe, yung favorite ko Caramelia.. Nagugutom na tuloy ako. Paglingon ko kay Kenn naka poker face siya. Napansin niya atang nakatingin ako sa kaya bigla siyang tumalikod at lumakad palayo.

"Kenn!" tawag ko sa kanya na patuloy pa din naglalakad.

"Hindi na pala kita ihahatid. Dyan ka na sa kaibigan mong maingay."

Humarap ako kay Carla at siguro nakanganga ako ngayon. Anong ibig sabihin ni Kenn doon? Aish, bakit ko pa ba iniisip iyon? Ayos nga iyon di niya ako ihahatid at makakabili pa ako ng Frappe! Kaya ang ginawa ko hinatak ko na lang si Carla na nanlalaki pa din ang mata. For sure ang daming tanong nyan sa akin.

"Carla, wag muna kayong uuwi ha? Samahan nyo akong umipip ng Caramelia Frappe!" wala na siyang nagawa kung hindi magpahatak sa akin papasok sa Cafe.

- - - -

Nandito na ako sa Church nila Kenn, pumayag naman si Mama na hindi muna ako umattend sa amin. Ininvite kasi ako ni Kenn at ang nakakagulat pa doon gusto din daw niyang sumama. Sinabi na lang ni Papa na wag na. Wala daw siyang kasamang mag simba. Kunyare pa ang Papa ko, gusto lang niyang masolo si Mama eh. Kilala din pala nila si Kenn, gawa ni Kuya. Di man lang sinabi sa akin..

Maganda ang Church nila Kenn, madaming tao. Mukha talaga silang uhaw na uhaw sa presence ni Lord lalo na nung nag simula na ang gawain. Lahat sila umaawit, ang saya naman :) Nakisabay na din ako... Pagtingin ko kay Kenn ganoon din siya.. Hindi ko na lang siya pinansin.

Hanggang sa nag preach na yung Pastor nila. About sa Life ng Simplicity. Si Lord kayang maging mayaman noon nandidito pa siya sa lupa. Pero anong ginawa? Namuhay siya ng simple kaya tayo dapat maging ganoon din. Nagawa niyang mamuhay ng simple tayo pa kayang nilikha niya?

May part na natatamaan ako kasi aaminin ko hindi rin ako misan nakokontento sa kung anong meron ako. Katulad sa damit, may damit pa naman ako. Magpapabili pa ako ng isa pa. Tapos na realize ko itong buhok ko. May kulay na brown, isa din ito sa sign na hindi ako nakokontento sa kung anong meron ako.

"Kenn" tawag ko sa kanya lumingon naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Hayy kung babae lang siya, mataray ito.

"Samahan mo ako sa parlor mamaya.."

"Eh?"

"Papakulayan ko na ng itim itong buhok ko." na gets naman ata niya ang ibig sabihin ko kaya nag nod na lang siya.

Ibabalik ko na ang sarili ko, siya ang dahilan kung bakit nag palit ako ng itsura. Hindi ko man lang naisip si Lord sa mga panahon na nagpakulay ako ng buhok. Ang sama sama ko, kaya ngayon. Lord, sorry sa mga kasalanan ko.

Nung natapos na yung gawain, bigla na lang hinatak ni Kenn ang braso ko palabas ng simbahan nila. Nagmamadali ba ito? Halos tumatakbo na kasi kami, muntikan pa nga naming mabunggo yung mga ka sister niya. Nag sorry na lang ako sa kanya. Hinahatak niya pa din ako hanggang sa nakarating na kami sa paradahan ng jeep. Eh?

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon