Chapter 20: Kiniss sa lips

Start from the beginning
                                    

"Paki mo ba?!" pagalit na sagot ni Zac. Bumalik siya sa ginagawa niya na sagutan yung Activity namin sa English.

"Ikaw Serah sasama ka? Taray kasi nitong si EX eh." bakit ganoon? Nung tinanong niya ako pakiramdam ko gumaan ang dibdib ko at nagustuhan ko yung tono ng pananalita niya. Para kasing matagal ko na siyang kaibigan nung tinanong niya ako eh.

"Hindi ko pa alam eh."

"Pero gusto mong sumama?"

"Oo, hindi pa naman kasi ako nakakarating sa Baguio eh."

"Eeew, LOSER! Siguro pati sa Maynila di ka pa din nakakarating noh? Pati sa Malls like SM o kaya naman sa mga lugar na pinagmamalaki ng Pilipinas. Yuck! Probin---" hindi na napagpatuloy ni Bethina ang sasabihin niya dahil sumigaw na itong katabi ko.

"Will you please shut up Bethina?! Napaka ingay mo! Kita mong nag-aaral ako dito eh! Pati sino ka ba para sabihan mo si Serah ng mga ganyang bagay ha?! Eh ano kung hindi pa siya nakakarating doon? Wala naman pagbabago na mas LOW grade ka at ill-mannered kaysa sa kanya!" 

Bigla na lang tumulo ang luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan habang nagsasalita si Bethina. Ang sakit pala, sobra! Hindi ko alam kung ano ba itong mararamdaman ko pero isang salita lang ang pumapasok sa isipan ko. Nakakaawa ako, siguro iyan ang tingin niya sa akin. NO, nila sa akin. Oo totoo, hindi pa nga ako nakakarating sa mga lugar na tinutukoy niya. Lumaki kasi ako na Bahay, School at Simbahan lang. Doon lang umikot ang mundo ko dahil iyon naman ang kagustuhan ko.

Pero ang sakit lang kasi eh. Loser daw ako, at hindi lang iyon Yuck daw. Kadiri na ba talaga ang taong hindi pa nakakarating sa mga lugar na iyon? Wala naman kasi kaming madaming pera para ipangluho, sapat lang iyon para sa pang-araw araw naming pangangailangan. Hindi tulad niya. 

Dumagdag pa si Zac, ewan ko ba. Pero doon sa mga sinabi niya, mas lalo akong nakaramdam ng self pity. 

Tumakbo ako palabas ng room. Alam ko nakatingin sa akin mga classmates namin, kanina pa kasi sila nakatingin simula ng mag sigawan yung dalawa. Pumunta ako sa paborito kong lugar sa may garden. Mabuti na lang at oras ng klase ngayon, kaya ngayon walang estudyanteng nagkalat dito.

Umupo ako sa upuan nilabas ang sama ng loob ko. 

Bethina, kahit wala akong maisip na bagay na ginawa ko na masama sa iyo. Humihingi ako ng tawad sa iyo, kung ito lang ang magpapabago ng pakikitungo mo sa akin. Mag s-sorry ako sa'yo. Please lang, wag mo na akong t-tratuhin ng ganito. Sa totoo lang, gustong-gusto kitang maging kaibigan simula pa lang. 

Kahit masama sa aming mga Christian ang makaramdam ng inggit. Aaminin ko nakakaramdam ako ng inggit sa mga classmates natin na kaibigan mo. Kasi sa kanila, mabait ka, nakikipag usap ka, nakikipag kwentuhan, nakikipag tawanan pero sa akin hindi. Sana maging ganoon ka din sa akin balang araw. Sana tratuhin mo din ako na isang classmate na kaibigan. 

Umiyak ako ng umiyak sa upuan. Mabuti na itong malabas ko ang sakit na nararamdaman ko. Para sa ganoon mawala kahit papaano. Feeling ko, isa lang akong BATO na bigla na lang sumulpot sa isang lugar na hindi naman napapansin at kapag nakaharang sa daan ay sisipain na lang. Ganoon ba ako? 

Pinunasan ko na yung mga luha sa mata ko gamit yung Hanky ko. Mabuti na lang meron akong dala nito. Pero habang pinupunasan ko yung mata ko bigla na lang may yumakap sa akin.

"Are you alright?" binaba ko yung panyo at tinignan ang taong nasa harapan ko. Hinihingal pa siya habang nakatingin sa akin.

"Ok na ako. Salamat pala." iniwas ko ang tingin ko sa kanya, ang awkward kasi eh. Humiwalay na din naman siya at umupo sa tabi ko. 

"Tell me, ano nararamdaman mo ngayon?" bigla naman akong napatingin sa kanya. Seryoso? Gusto niyang malaman? Ang unusual lang kasi eh. Si Zac, gustong malaman ang nararamdaman ko ngayon? Ngumiti lang siya sa akin. Kaya kinuwento ko lahat ng naiisip ko kung bakit ganoon si Bethina sa akin. 

Cherish YouWhere stories live. Discover now