That's my girl.

Pagdating namin sa bahay nila, sinalubong kaagad kami ng parents ni Trixie.

"Hi po, Tita at Tito." Bati ko sa kanila. Yinakap naman nila ako. Alam na nila ang tungkol sa'min at masaya ako kasi tanggap nila kami.

Ang tanging advice lang nila, 'wag daw munang magmadali, take things slowly. Of course, sang-ayon kami ni Trixie diyan. Ano pang minamadali namin kung kampante naman kaming mahal namin ang isa't isa?

"Oh, iho. Kumusta ka na?" Tanong ni Tito sa'kin.

"Okay lang, tito."

Yinaya kami nina Tita na kumain daw muna ng lunch.

"So, sasabay ka na ba sa'min bukas pauwi?" -Tita Elizabeth.

"Yes, tita." Siniko naman ako ni Trixie. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Naks, ang galang natin ah." Bulong niya. Pilyo naman akong ngumiti.

"Malamang, para sumang-ayon na sina Tito at Tita na magpakasal na tayo. Or should I say, Mommy and Daddy." Nabulunan naman siya sa sinabi ko. Napatawa nalang ako.

"Trixie, okay ka lang?" -Tito.

"O-oo.." at patuloy na siya sa pagkain.

Trixie's Pov

Kinabukasan, dumiretso kaagad kami sa airport.

"Trixie! Sure ka na ba talagang iiwan mo na kami?" Tae naman 'tong si Z oh, naiiyak na din tuloy ako.

"Hmp! 'Wag ka ngang umiyak iyak diyan, Z. 'Di ko kayo iiwan 'noh. Babalik lang ako ng Pinas but I promise that I'll always be here for you." Yinakap naman nila ako.

Bwiset oh! Naiiyak na din ako!

T.T

"Guys, thank you so much for making my life worth it. I love you all so much. Salamat talaga ng marami sainyo, you were the best bestfriends I got." Sabi ko. Narinig ko ang paghikbi ni Gab.

"Aw! Baby Gab is crying.." pang-iinis ni Zoe sa kanya. Napatawa nalang kami.

Dear God, thank you so much for this gals. Sila ang nagpatunay sa'kin kung ano ba talaga ang true friendship. Nandito sila lagi sa tabi ko since day one. Though, hindi sila masyadong nakasaksi ng simula ng love life ko. Mahal na mahal ko pa din ang mga bruhang 'to. Hindi sila naging plastic sa'kin kaya thank you so much, God.

Kami nalang dalawa ni Kyle ngayon, una kasi ang flight nina Mommy. Ewan ko kung sinadya ba niyang isabay kami ng flight ni Kyle. Tss! Si Mommy naman kasi, ship na ship niya talaga kami kasi natanggap na niyang wala na talagang pag-asa sa manok niyang si Blake.

Ah, oo. Speaking of Blake, okay na siya. Medyo napuruhan talaga siya sa insedenteng 'yun pero after few months, naka-recover na siya.

Tanggap na din niya kami ni Kyle, actually...parang may something nga sila ni Zoe eh. Ewan ko ba, parang ang sweet nila kapag magkasama kami eh.

And isa pa, nililigawan na din ni Koby si Zarina!! Omg, kinikilig talaga ako ng mag-confess si Koby sa feelings niya. Kinukulit ko nga si Z tungkol sa feelings niya pero ewan ko ba sa babaeng 'yon, masyadong ma-secret.

"Love, kain muna tayo!" Kumain na kami at after that, dumiretso na kami sa plane para umuwi na sa Pinas.

**

"Trixie! Gosh, miss na miss na talaga kita!" Yinakap ako ni Hailey ng napaka-higpit. Yinakap ko din siya pabalik.

Sinundo kami ni Kurt at Hailey, naghahanda daw sila dun sa bahay eh.

The Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon