Chapter 29: Where are you?

649 21 0
                                    

Trixie's Pov

-
Ang sakit sakit.. para akong pinapaslang ng paulit ulit.

"K-kyle... akala ko ako? Bakit siya?" Halos mamatay na ako kakaiyak. Sobrang sakit. Ayoko na, ang hirap hirap ng lumaban.

"Sorry Trixie, I love Andrea more than you. Thanks for everything, goodbye." Tapos tuluyan na nila akong iniwan.. alone, no one to hug with, no one to comfort me. And then everything went black...

Panaginip...

It was just a dream. A bad dream. I can't... 'di ko 'yon makakaya.

Naisipan kong bumangon nalang. I checked my clock and it's still 3 a.m. Hindi ko alam kung anong meron sa'kin pero kumuha ako ng jacket, cellphone tsaka wallet tapos lumabas. I know how to drive naman kaya 'di na ako gigising ng tao. Ang rason lang kung bakit may personal driver ako is minor pa lang ako. But since it's still dawn, wala naman sigurong dadakip sa'kin.

Paglabas ko, sobrang tahimik pa. Kumuha ako ng car keys tapos lumabas at pinaandar ang sasakyan na dala ko. Nang makarating ako sa pinakamalapit na 24/7 Jollibee, pumasok na ako at nagorder ng pancakes tsaka coffee.

Habang naghihintay sa order, naisip ko na naman si Kyle. Bakit ba ang sakit sakit?

At tungkol sa panaginip na 'yon, I'm starting to get threatened. Nakakatakot... parang 'di ko talaga makakaya kung totoong mangyayari 'yon. Bakit ba ako nanaginip ng ganun?

A warning? Hindi na uubra sa'kin 'yon, I fell to fast and fell too much. Nakakaiyak!

Iyon nga ang nangyari, may mga butil ng luha na tumulo sa mga mata ko.

"Alone?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni....

"BLAKE!?" Gulat 'yan ah, gulat na gulat.

"Yes?" Nakakagulat talaga. Pinahiran ko muna ang luha ko tsaka hinarap siya. Teka, paano 'to napunta rito?

"H-how? I mean, bakit ka nandito?" Tanong ko. Tinanggal niya ang cap niya tsaka tinignan ako ng seryosong tingin.

"Naatasan akong kidnappin ka, come with me." Nagulat ako dun. Ano daw? Kikidnappin ako? HA!? Sino namang magpapakidnap sa'kin?

"T-tulong! Tul-" tinakpan ni Blake ng kamay niya ang bibig ko tsaka tumawa.

"Haha! Uy, joke lang! 'To naman, 'di na mabiro." Sabi niya saka pinakawalan ang bibig ko.

"Wow ha! Biro 'yon? Eh kitang nadedepress na ako dito, binibiro mo pa 'ko ng ganun," inis kong sambit.

"Sorry na nga! 'Di ko lang inexpect na makikita kita dito sa ganitong oras," sabi pa niya.

"Ako rin, 'di ko rin inexpect na nandito ka." Sambit ko. Maya maya lang, dumating na ang order naming dalawa.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko ng kumakain na kami.

"Eh 'diba dapat ako ang magtanong niyan, bakit ka pala nandito?" Pabalik niyang tanong.

"Hmm, ako... sabihin nating binangungot ako tapos 'di na ako makatulog ulit kaya naisipan kong dito na muna magpalipas oras. Ikaw?" Ngumisi pa siya bago sumagot.

"Hmm, tell me. Kapag ba ang isang gangster makikita mo sa ganitong oras, magtataka ka pa?" Tanong niya. Ay! Ano ba 'yan, akala ko sasagot na talaga siya eh! 'Di ko gets.

"Huh? E-eh, hindi na. Malamang, gangster 'yan eh." Sinagot ko nalang ang tanong niya kahit walang connect sa dapat ay sagot niya.

Kumain lang siya, iniwan akong clueless.

The Gangster's LoveWhere stories live. Discover now