Chapter 48: The Final Battle

782 23 0
                                    

Hi guys! I can't believe na malapit ng matapos ang storyang 'to, ang story ni Trixie at Kyle! Anyways, thank you so much sainyong lahat na nagbasa ng story ko. Saranghae! Enjoy reading! :*

Third Person's View

Habang abala si Kyle sa pakikipag-away sa mga bantay, maingat namang naglakad si Trixie papunta sa kinaroruonan ng kapatid niya.

"Ate Trixia," halos mangiyak ngiyak na si Trixie ng makita ang lagay ng kanyang kapatid. 'Di niya inaasahang ganito nila sinaktan ang kapatid niya at nanggilati naman siya sa inis at galit.

"T-trixie? Ikaw ba talaga 'yan? My goodness, salamat Lord!" Tumulo naman ang luha ni Trixia sa saya dahil sa wakas, may makakaligtas na sa kanya.

Isang linggo na nilang hawak ang kapatid ni Trixie, ginamit nila itong alas upang mapasuko ang Queen Spades pero mukhang nalaman ng QS ang plano ni Lucifer.

"Shh...tahan na, ate. I'm here," unti unti na niyang kinalag ang tali ngunit sa 'di inaasahang pangyayari, biglang dumating si Lucifer sa kinaruruonan nila at marahas na sinipa si Trixie.

"TRIXIE!" Sigaw ng mga kaibigan niya. Dahil sa lakas ng pagka-sipa, nasubsub ang mukha ni Trixie sa sahig at halos makasuka na ito ng dugo.

"Bwiset ka!" Sumugod si Kyle ngunit napigilan agad ito ni Lucifer sa pamamagitan ng malakas na suntok.

Sumunod namang sumugod si Zoe ngunit tumba rin ito at gaya ng iba, ganun rin si Zarina.

Wala na silang pag-asa ng bigla nilang nasilayan si Zeus, ang kanilang Master. Halos magpasalamat ang Queen Spades sa pagdating ng kanilang Master.

"Master Zeus!" Sabay na sigaw nila.

Humingi ng kamay si Zarina upang mapatayo ito pero laking gulat ng lahat ng tinabig ito ni Zeus at tinawanan lamang siya na parang demonyo.

Naguluhan ang lahat sa inasta ng kanilang Master.

"Haha! Ang hahangal ninyong lahat! Ang tanga niyo, Queen Spades!" Saka lang nila natanto ang totoong nangyayari.

Traydor siya. Traydor si Zeus, ang nagiisang taong pinagkatiwalaan ng Queen Spades.

"H-how could he?" Tanong ni Gabriella sa sarili ng makita ang pangyayari sa loob. Nasa sasakyan pa din sila at kani-kanina lamang ay humingi na sila ng tulong mula sa pulisya.

Hindi sila makapaniwala lahat na nagawa silang itraydor ng nagiisang taong binigay nila ang tiwala nila.

"Sino siya?" Tanong ni Koby.

"H-he's Zeus...our Master. How could he betray us?" Halos maiyak si Gabriella sa nalaman niya at silang lahat din.

Hindi iyak ng dahil sa nalulungkot sila sa daang pinili ng Master nila kundi naiiyak sila sa inis at galit.

"TRAYDOR KA! TRAYDOR!" Galit na sigaw ni Zoe pero tinawanan lang ito ni Zeus.

"Ang hahangal niyo lang talaga, Queen Spades. Akala niyo ba ay kakampi na agad ako sainyo pagkatapos ng ginawa ng mga magulang niyo sa aming magkakapatid?! Halos inalay namin ang buhay namin upang mabuo ang Underworld ngunit ano ang ginawa nila? NINAKAW NILA ANG DAPAT AY SA'MIN! KINUHA NILA ANG PINAGHIRAPAN NAMIN!" Galit na sigaw nito.

Sinamahan naman siya ng kanyang kapatid.

Mga demonyo, nagsama na talaga sila. Sabi ni Trixie sa loob loob niya.

Medyo nakabawi na si Trixie ng lakas pero 'di niya pa kakayanin mag-isa kaya naghintay siya ng tamang panahon.

"At ngayon, magdudusa kayo sa kagagawan ng mga magulang ninyo. Magdudusa kayo sa paghihiganti ng mga Monasterio!" Sigaw naman ni Lucifer.

The Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon