Chapter 14: Lunch Time

907 36 0
                                    

TRIXIE'S POV

-

Nagsimula na kaming kumain ni Kyle. Pinagtitignan parin kami pero 'di na namin pinansin. Ang awkward talaga ng scenario namin ngayon. Nakakadagdag pa yung unfinished business namin kanina. Yung kissable lips na yun. Ugh! Ba't ko ba kasi nasabi yun?

"Psst! Baboy." Pagbabasag ni Kyle sa katahimikan. Ba't ba ako nahihiya? Naiilang din. Hindi naman ganito noon!

"H-hmmm?" Tanong ko. Pahiya na talaga ako.

"Galit ka?" Tanong niya. Huh? Bakit naman pumasok 'yon sa kukote niya? Baliw lang? Ba't naman ako magagalit sa kanya?

Umiling ako, "H-hindi a-ah!" Nauutal pa nga. Bwiset bakit naman ako nauutal?

"Teka? May sakit ba yang bibig mo? Bakit 'di ka makasalita ng tuwid? Ba't nauutal ka?" Alalang tanong niya.

"Uhm, okay lang ako 'no! Sige kain na tayo. Magkwentuhan na rin." Masiglang sagot ko.

Phew! Salamat naman at ginagamit pa rin ng bibig ko 'yong utak niya. Kung meron lang naman.

Tumango naman siya, "Hmm, sige."

Teka. May pumasok sa utak ko na pwede naming pag-usapan! Ang galing talaga ng utak ko.

"Kyle? Kailan pala kasal ng Ate Kylie mo?" Tanong ko. Thursday kasi ngayon, e.

"Ah. Buti naman at natanong mo. Pinapasabi pala 'yon ni Ate pero nakalimutan ko." Sabi niya at kinakati pa ang ulo niya. May kuto ba 'to?

"So kelan?" Tanong ko.

"Ah. Sa Saturday na." Sabi niya. Nagulat ako. Nabilaukan pa nga ako, e. Bakit ang aga? Pinasahan niya ako ng tubig. Ininom ko naman agad.

"Thank you." Sambit ko. Nahimasmasa ako at sana ang utak ko din.

"Eh? Ba't ang aga aga? E thursday na ngayon ah!" Sigaw ko na.

"Uy. Easy lang. Teka nga, bakit parang naga-alala ka? Kinakabahan ka ba?" Tanong niya.

Tumango nalang ako habang naka pout.

"Ang cute mo." Biglaang sabi niya.

*dug.dug* *dug.dug*

'Di naman ako ganito noon ah? Kung sasabihan niya ako ng ganito, 'di naman ako ganito. Mababaliw na ba ako? E kung magpa-rehab nalang kaya ako? Joke lang.

I faked laugh, "Ha.ha.ha."

Ewan ko ba, ganito talaga epekto niya sa 'kin, e. Parang wala na akong masabi.

"Yiee! Kinikilig na siya kasi walang masabi." Tukso niya. Gosh! Totoo naman, e. Teka? TOTOO BA TALAGA?! Hays, pupunta na ako sa Rehab Center mamaya.

"Hi-hindi 'no! Baliw ka talaga!" Depensa ko sa sarili ko.

"Sus! Defensive siya." Tukso niya ulit. Pinalo ko naman siya habang siya, nakangiti lang.

"Ayiee!"

"Sila na kaya?!"

"Oo nga, Cammy! Sila na nga!"

OMG!!

"Uy. J-joke lang 'yon 'no." Nauutal na sabi niya. Pati siya, napapansin na niya yung awkwardness sa atmosphere naming dalawa ngayon. Teka? Wala naman kami ah. HAHAHA TUMAWA KAYO MGA LECHE!

Magpapalagay na ako ng sign sa katawan ko mamaya. Ganito, 'Baliw to 'wag tularan' hehe.

"Wag mo na 'yang pansinin ang mga yan. Tatahimik rin yan." Sinubukan kong ibsan ang kailangan sa aming dalawa. Kung kayo nandito sa pwesto ko, 'di na kayo makakapagsalita. Kung nasa harap pa ninyo 'tong napakagwapong nilalang. Hays!

The Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon