Chapter 8: Hatid Sundo Kita

1.1K 41 0
                                    

TRIXIE'S POV

-

GOOD MORNING EVERYONE! Hehe. 6:00 am na at tapos na akong maligo. Lalabas na sana ako dahil kakain na ako pero kumatok si Yaya Minda.

"Janelle, lumabas ka na diyan dahil nandito na ang sundo mo!" Sigaw ni Yaya Minda sa labas. Huh? Sinong sundo? Baka may hinire si daddy na taga sundo ko.

"Sige, yaya Minda! Pakisabi nalang po maga-almusal lang ako!" Sigaw ko.

Naramdaman ko naman na umalis na si Yaya. Tumingin muna ako sa salamin at lumabas na. Nagulat ako kung sino ang nasa labas. Totoo ba talaga 'to? Si Kyle?! Sinusundo ako?!

"HI, BABOY!" Sigaw niya. Gosh. 'Di ko alam pano magreact.

Hinawakan naman niya ako,

"Tara na?" Sabi niya.

"Huh? E 'di pa 'ko nag breakfast!" Pasigaw kong sabi.

Ugh! Ano bang trip nito? Pero imbes na sagutin ako, hinila lang nya ako palabas.

"Hoy! Ano bang trip mo?! Sinabi ko bang sunduin mo 'ko?! Atsaka may sundo ako no! Tumigil ka nga!" Sigaw ko. Nakakainis na! Sira na ang araw ko. Hays!

"Wag ka ngang sumigaw diyan! Ang aga aga pa, sumisigaw ka na!" Pasigaw na paaalala nya. Bahala na kung malaki ang bunganga ko. Nakakainis e.

"So? Ano pake ko? HUH?! EXPLAIN!" Sigaw ko.

''Wow? 'Di ka man lang magth-thank you?" Sarkastiko niyang sabi.

"Sige na nga! Thank you! Oh ano na? Ba't mo ko sinusundo?! At hoy, 'di talaga ako titigil dito sa pagsigaw kasi gutom ako!" Sigaw ko na naman. Ano na naman bang gusto ng gangster na 'to?

He sighed, "Pinapasundo ka ni ate Kylie sa'kin dahil dadalhin daw kita sa Wedding Shop na nirentan nila ng mga damit sa wedding nila ni Kuya Edward. Papasukatan ka daw. 'Diba kasali ka sa kasal niya?" Page-explain niya. Hmm, oo nga no.

''Hindi ba siya nagtext sa'yo? Sabi nya tinext ka na daw niya." Dagdag pa niya. Hala 'di ko pa na check yung phone ko.

Chineck ko naman kaagad ang phone ko at may 1 message.

From: Unknown Number

Hi Trixie! It's ate Kylie. Ipapasundo kita kay Kyle diyan dahil papasukatan ka. Antayin mo na lang! Bye! :)
(Sent: 5:47 am)

Tinignan ko naman siya saka inarapan.

"Sige na nga! Pero pakainin mo muna ako." Sabi ko sabay pout. Iniwas naman nya yung tingin sa'kin na parang nandidiri. Ay? Anyare? Nagtooth-brush naman ako ah.

"Huwag ka nang magpout! Para kang baboy na nakanguso. Ang bilis mo pa magutom." Reklamo nya. Ah? Ako pa pala baboy ha?

"Wow naman! Ako pa talaga yung mabilis magutom ah? Hoy Mr. Hernandez, for your information hindi pa ako nag-breakfast kasi paglabas na paglabas ko, isang unggoy na kaagad ang lumitaw sa bahay ko na naninira ng araw ko!" Sigaw ko sabay irap. Nababaliw na ba 'to?

"HAHAHA! Ang cute mo talaga!" Sabi pa niya. Inirapan ko siya, whatever.

"Huy, Kyle! Pakainin mo muna ako." Pout kong sabi

"Mag-please ka muna. Tsaka sabihin mo ganito oh, 'Kyle na pinakagwapo sa lahat, pakainin mo 'ko ng breakfast. Pleaaaaaaase." Sabi pa nya. Gosh! Nababaliw na ba 'tong lalaking 'to? Bipolar e!

"Ugh! SIRA KA TALAGA! BWISIT KA! SINISIRA MO ANG ARAW KO!! BWISIT! I HATE YOU SOO MUCH!" Galit kong sigaw. Shit! Nakakairita na siya ha! Ano bang trip niya sa buhay niya?!

The Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon