Epilogue

1.1K 29 9
                                    

Dedicated to Jeljel_1226❤ Friend ko po siyaaaa, gustong magpadedicate eh HAHAHA😆Siya yung nagpu-push sa'kin na mag-update na kaya nawawala ang katamaran ko. Labyuuu!💓 anywaaays, enjoy reading the last chapter!😚

Kyle's Pov

It's been a year since nangyari ang incedent na 'yon.

Nandito ako sa sementeryo sa harap ng lapida ng babaeng isa sa pinakamamahal ko.

Tumulo na naman ang luha ko. Bakit ba napaka-emotional ko pagdating sa kanya?

Syempre, mahal ko 'to eh.

"I just want to thank you for everything. Thank you for the sacrifices and thank you for always being there for me. You were always my inspiration, nandito ako ngayon sa harap mo dahil gusto ko ng tanggapin na wala ka na talaga. I know you're in a happy place now," napangiti ako at saka lumuhod.

"I want to tell you that in this day, I choose to accept the fact already. Though, wala ka na sa tabi ko, you'll always be in my heart. God knows kung gaano ako ka-thankful to have you." Napangiti nalang ulit ako kasabay ng pagbagsak ng luha ko.

Nang mawala ang babaeng 'to, sobrang gumuho ang mundo ko. Kaya nga ngayon ko lang naisip na tanggapin nalang kasi wala namang mangyayari kung paulit ulit akong iiyak sa thought na wala na siya eh.

Nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko.

"Thank you so much, ate Kristine. Thank you for everything. Without you, hindi magiging ganito si Kyle ngayon. I know na masaya ka na diyan sa heaven. Gusto ko lang sabihin sa'yo, Ate na masaya na siya ngayon dito sa mundo lalo na't kasama niya ako palagi." Napatingin ako kay Trixie. Ningitian naman niya ako.

Dear God, thank you for all these blessings. Though maraming pagsubok ang nangyari sa buhay ko, maganda naman ang kalabasan nito. Sobrang ganda.

Naka-survive si Trixie sa insedenteng nangyari a year ago. Ewan ko kung narinig niya ba ang panalangin ko pero malakas ang kutob ko na lumaban siya dahil 'di niya pa kaya ang mawala sa mundo na ginagalawan namin. She's a true fighter, hindi lang sa panlabas kundi sa panloob din.

I thought tuluyan ng nawala ang Trixie ko sa akin ng panahong 'yun but gladly, the Doctor announced na okay na siya. Nagkaroon nga lang siya ng 1 week coma dahil maraming dugo ang nawala sa kanya pero nagising din naman siya.

"Let's go, love." Hinawakan niya ang kamay ko at ininterwine ito.

Ang sarap ding pakinggan mula sa bibig ng taong mahal mo na mahal ka niya, ano?

Sobrang sarap sa pakiramdam..

And finally, sa sobrang daming pangyayari sa'min..finally, naging kami na din. Officially, kami na. Last month lang niya ako sinagot.

Pagkalabas na paglabas niya sa hospital, kaagad na akong nanligaw sa kanya and after how many months, sinagot na niya ako at heto kami, happy and contented.

Siguro nga tama talaga ang sabi nila na pagkatapos ng isang pinsala at bagyo, may rainbow na dadating. In short, after how many struggles, masasabi mo din sa huli na worth it pala talaga ang mga sakit na nadaanan mo.

Nasa Korea pa din kami, tinatapos lang ni Trixie ang kung ano man ang dapat niyag tapusin dito.

"Love, sure ka na ba talagang iiwan mo na ang Queen Spades?" Tanong ko sa kanya sa byahe namin.

"Love, 'di ko naman iiwan ang QS eh. Of course, lagi lang akong naka-suporta sa kanila pero I decided to live a normal life again. Ayoko muna ng stress kaya uuwi na ako ng Pinas," napangiti nalang ako.

The Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon