Chapter 2: Couple Shirt

1.6K 68 3
                                    

TRIXIE'S POV

-

Pupunta na sana ako sa room ng mapansin ko na pinagtitignan na ako ng mga tao. Ugh! Oo nga pala, ang lagkit ko na!

Pumunta si Hailey sa'kin nung makita niya ako.

"Uy, Trix! Akala ko ba itatapon mo sa basura yung juice mo, eh bakit sa sarili mo tinapon?"

"GRRR! Kasalanan 'to ng Kyle mo ee!" Sigaw ko sabay irap sa kanya. Nakaka-sira talaga ng araw 'yun!

"HAHAHAHA! Teka lang ah! Ano namang kasalanan ng Kyle my loves ko? Tsaka chill lang muna, Trix! Nakaka-haggard ka ng beauty eh!" Sabi ni Hailey sabay flip ng hair niya. Kung sabunotan kita e!

"Hoy! Ms. Hailey Merelle Mendoza, 'yang Kyle na 'yan ang may kasalanan! Eh sa hindi siya tumitingin sa daan niya tapos nagkabangga kami at ayun, natapunan na ako ng juice, alam mo yon? Ha?!" Inis na sabi ko.

"Eh? Kasalanan mo rin naman." Ngisi na sabi niya

"Wow ha? Ako pa may kasalanan? Sige bigyan mo ako ng rason kung bakit mo nasabi yan? Aber!" Sabi ko.

Wow bestfriend ko ba talaga 'to? Ba't ba pinagpalit niya ako sa Kyle na yan?! Huhu!

"Oo! Kasi Trix, pag tumingin ka rin sa dinadaanan mo edi kaya mong umilag sa kaniya! Hays. Ano ka ba Trixie!" Sabi niya na halatang natatawa.

"Eeeeh? Kunsabagay may point ka rin pero pwede ba?! Mamaya na yan!" Tumingin ako sa uniform ko,"Eto muna. May extra t-shirt ka ba diyan? Pwede na sigurong mag Tshirt nalang ako kasi may valid reason naman ako." Sabi ko. Sana man lang meron siya.

Umiling siya, "Naku! Sorry talaga, Trix. Wala na akong extra t-shirt eh! Suot ko na." Sabi ni Hailey sabay tingin sa damit nya. Hmmm, oo nga no? Hindi ko napansin na nagpalit pala siya.

"HUH?! Anyare sa uniform mo bes?" Tanong ko.

Hala? Tumatawa siya—anyare?

"Huy, Hailey? Anyare? Ba't ka tumatawa na parang baliw d'yan?" Kabadong tanong ko.

"Eeeyy. Keshe nemen trexz eh." Sabi niya tsaka halatang kinikilig eh. Nako! Kilala ko 'tong si Hailey eh! Parang alam ko kung sinong rason.

"Si Kurt no?" Confident na sabi ko.

"Hehehehe. Hmm, yiee!" Tawang kinilig ni Hailey. Hays sabi ko na nga ba!

Si Kurt nga pala is 'yung vice president sa SSG dito sa school. Sikat rin siya kasi varsity player siya. Pero hindi siya gangster. Sana nga si Kurt nalang 'yong hinahangaan ng mga babae eh. Hindi yung kapatid niyang si Kyle! Oo. Magkapatid sila pero opposite yung ugali nila. Pinaglihi ata sa kay satanas yung si Kyle eh. Ang sama ng ugali!

"Huy! Ikaw ha! Binibingwit mo ba yung magkapatid? Diba sabi mo may Kyle my loves kana? Eh ano tong kay Kurt?" Naguguluhan kong tanong. Alam ko naman na si Kurt talaga yung crush nito eh pero gusto ko lang i-clarify. Tsk!

Umiling siya. "Uh, char lang yung kay Kyle. Well, na-a-attract lang talaga ako sa kanya. Sino ba namang hindi? Pero si Kurt talaga yung malakas sa'kin, hihi." Kinikilig na sabi niya.

Duh, anong tingin niya sa'kin? Hindi ako na-a-attract sa lalaking 'yon, more like nabu-bwiset. Daot sa buhay ang Kyle na yun, psh.

"Anyways, balik tayo sa problema ko. San tayo hahanap ng extra clothes e bawal akong umabsent?" Sabi ko. Yes, gusto ko maging Top 1 sa klase namin. So much for being such a dreamer, tss.

"Oo nga teh! Hmm, punta kaya tayo sa locker mo? Baka may mahanap ka dun." Sabi ni Hailey.

"Uhm, sige. Sana nga meron." Sabi ko at umalis na kami papuntang locker.

The Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon