Chapter 23: Karamay mo ako

720 27 0
                                    

Trixie's Pov

-

Nang makarating ako ng sasakyan, saka ko naalala na naiwan ko ang bag ko. Payong ko lang ang dala ko at napaisip akong dalhin 'yun pero mukhang hindi naman siguro uulan at madali lang naman ako kasi akong babalik.

Saktong paglabas ko galing sa room para kunin ang bag ko, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Argh! Mali ata ang calculations ko sa panahon. It's so unexpected, like how I feel. Siguro magdadrama muna ako ngayon sa ulan. It's a perfect time for me para magisip isip sa mga bagay bagay.

Kaya imbes na bumalik ako sa classroom, tinakbo ko ang sasakyan ko. Hindi para umuwi pero para ibalik ang bag ko. Tinext ko narin si Ate na late akong makakauwi.

Lumabas ako at nagpakalaya sa sarili kong gusto. Kasi.. ako muna ngayon. Sarili ko muna ang iisipin ko. Walang iba kundi ako muna.

Tumakbo ako sa school ground at humiga sa damo tapos tumingala sa langit saka ngumiti.

"ANG TANGA KO!! BAKIT BA AKO NAGPALOKO SA SIMPLENG HALIK SA NOO!?!" Sigaw ko. Sa tingin ko, makakagaan ito sa pakiramdam ko. Ilalabas ko lahat ng sama ng loob ko at ang sakit na nararamdaman ko.

"Bakit kaya ang sakit?" At nagsimula na akong lumuha. Sabay sa pagagos ng mga luha ko ang pagpatak ng ulan.

"Kasi masyado kang umasa." Nagulat ako ng may biglang dumating at tinabihan ako. Anong ginagawa ni Dwayne dito? S-shit!

Diretso akong napaupo dahil sa gulat. Omg. As in, 'di ko inexpect!

"D-dwayne.. Anong ginagawa mo rito?" Gulat kong tanong. Ngayon ko palang siya nakausap ulit. Nakikita ko naman siya sa school pero 'di na kami nagpapansinan. Oo, nakalimot na ako pero hindi ko lang talaga inexpect ang existence niya dito sa tabi ko.

"Dadamayan ka. Kadamay mo 'ko, Trixie." At lalo pa akong nagulat dun.

"H-ha? Pano mo naman nalaman na broken hearted ako?" Gosh, kinakabahan ako. Shet!

"Kanina pa kaya kita sinusundan." Eh? Bakit naman?

"Ha? E gabi na ah. Paano mo nalaman na dito ako?" Tanong ko pa. I saw him chuckled. Oo, gwapo siya pero 'di na ako matitinag nyan. Ayoko ng magpagago ulit. Maybe, he just wants friendship. That's it. Off limits siya beyond that.

"Teacher si mama, remember?" Ah oo nga, matagal umuuwi ang teachers. Busy eh.

"Tsaka uuwi na talaga sana ako ng makita kita. Ang saya saya mong naglalaro sa ulan so sinundan kita. Akala ko, naglalaro ka lang pero narinig kita nung kinakausap mo ang langit. Tsk, same old crazy Trixie." Dugtong niya. Aba, may pangalan pa 'ko ah?

"'Wag ka nga, Dwayne. 'Di ako baliw 'no!" Inis kong sambit. Tawagin daw ba akong baliw? Hinampas hampas ko siya pero patuloy parin ang pagtulo ng luha ko.

"Akala mo 'di ko nakikitang umiiyak ka 'no?" Kaya nagulat ako. Sapat naman ang patak ng ulan para hindi niya mapansin ah.

"H-ha? Pano mo n-nalaman?" Utal kong tanong.

"Your voice. They're shaking and your tone feels broken." Sagot niya. Napakagat ako sa labi ko at tumango.

"D-dwayne, I just want to say thank you dahil andito ka and sorry rin sa nangyari noon." Saka ako nagbuntong hininga.

"Hey, don't feel sorry. Dapat nga, ako ang magsorry e. Let's just.. move on." Ako lang ba talaga na parang iba ang tono ng pananalita niya sa 'move on' part? Aist, Trixie, there you go with your attitude. Hays, bakit nga ba ang assuming ko?

"Yeah.. Anyway, kumusta ka na pala? Kwento naman diyan!" Pagiiba ko sa topic namin.

"I'm fine. Just the same old me, Trix." And then he winked at me. I rolled my eyes. Duh!

The Gangster's LoveWhere stories live. Discover now