Chapter 46

1.5K 25 1
                                    

SUPPORTIVE

Andito ako ngayon sa bahay ni lisa, dahil gusto kong dalawin si baby lallix. Hindi ko kasama si kenzo dahil magkasama sila ni callix sa mall, magogrocery ata yung dalawa.

"Nasan na si lallix?" Tanong ko kay lisa, "natutulog pa, ang aga mo din kasing dumating haha" sabi niya. Sayang naman di ko makikita si lallix, "kamusta na yung relasyon niyong dalawa ni callix?"

"Stay strong padin sa pagpapalaki ng maayos kay lallix, baka kasi magalit ka kung di namin papalakihin ng maayos si lallix hahaha" natatawa niyang sabi.

"Grabe naman, ako talaga?.. pero seryoso, i'm so happy for the both of you..." sabi ko. "Mabuti ka pa happy,eh ako feeling ko may kulang padin sa happiness ko" sabi niya

"Ano naman? Bakit? Inaano ka ba ni callix?"

"Hindi naman kay callix, tungkol to sainyo ni kenzo... ba't di kasi maging kayo na?" Ba't naman kasi pipilitin na maging kami? Oo gusto niya ako at gusto ko rin siya pero... uh! Ewan!

"Aish! Ewan ko sayo lisaaa! Pero sabi niya kasi kahapon na gusto niya daw ako"

"Alam ko haha, sinabi niya samin ni callix noon pa.. ngayon nga lang niya sinabi, alam mo naman na may contact ang magpinsan na yan" sabi niya na ikinagugulat ko, so kahapon lang pala nagmalakas loob tong si kenzo na aminin sakin lahat? "Pero beshy, kung liligawan ka niya? Sasagutin mo na ba?" Tanong niya

"Oo naman, mahal ko siya eh... wala na tayong magagawa, dahil kung mahal mo wag mo nang bitawan pa" sabi ko na ikinangiti ni lisa. "Waaaaahhh! Nakakakilig naman beshhyyy! Sigee i'll support youu!! Finally!"

-------------------------

KENZO POV

Andito kami sa mall ni callix, well sinamahal ko lang siya dahil bukas na yong birthday ni baby lallix. "Ano pa bang bibilhin natin dito insan?" Tanong ko. "Insan, alam ko naman ilang taon mo nang gusto si zeah.. ba't di mo ligawan?" Tanong niya. Biglaan naman yung pag-iiba ng topic

"Ligawan?... eh.... baka ako lang yung mag gusto saming dalawa? Pano yun? What if ako na naman tong masasaktan"

"Wag ka ngang mag-isip ng ganyan.. sure akong may gusto din sayo si zeah, bro... alam mo ba kung bakit tayo nandito?"

"Oo kasi birthday bukas ni lallix... tama ba?" Tanong ko. "May isa pa.... bumili ka ng mga maigagamit mo sa panliligaw kay zeah" ANU DAW? "What!? Wag na muna ngayon insan! Di pa ako ready" alala kong sabi, hindi pa kasi ako handa sa panliligaw kay zeah..

"Hindi pa naman ngayon, bukas mismo pagkatapos sa  party ni lallix" hindi na ako sumagot pa at tumango na lang, baka ito na ang tamang panahon para magkasama kami ni zeah sa buong buhay ko.

Pumasok kami sa isang flower shop at bumili ako ng Bouquet of roses para kay zeah, pagkatapos ay isang card para dun ko ilalagay kung ano ang gusto kong sasabihin kay zeah.

***

Nakauwi na kami pareho ni zeah sa bahay, andun siya sa kwarto niya kaya nakakuha ako ng tsansa para makausap si ate marga at tita (mama ni zeah). Andito kami ngayon sa sala, "what you do want to talk about baby boy?" Tanong ni ate marga.

"Uh.. ate, tita... i know sounds weird,  balak ko sanang ligawan si zeah.. kung okay lang sa inyo?" Tanong ko. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni tita, "w-wow... Lord answered all my prayers! Okay! Kahit hindi ka pa hihingi ng permiso sakin, ay botong boto ako sayo para sa anak ko" sabi ni tita na ikinasasaya ko, lumapit ako kay tita at niyakap siya sabay pasalamat.

"Baby boy diba bukas na yung birthday ni lallix? Pupunta din ba kayo?" Tanong ni ate marga. "Uh.. Oo ate, pupunta kami doon kayo din ba?" Sabi ko, "yup! Gusto ko nadin makita yung baby nina lisa at callix" sabi niya sabay ngiti, pagkatapos ng naging usapan namin ay kanya kanya na kaming umakyat sa kwarto namin para magpahinga

Sabi nila balang araw, darating ang iyong tanging hinihiling.....

-------------------

HUGOT#13

Ang pag-ibig parang magic, kahit niloloko ka natutuwa ka parin.

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon