Chapter 9

2.7K 42 2
                                    

SISTERS DATE - BREAK UP

15 months later (March na) (1 year pala)

Naging ganun padin ang relasyon naming dalawa ni ken, pero si kenzo padin ang laman ng puso ko. Hindi ko sinasabi na hindi ko minahal si ken, syempre minahal ko siya dahil sa kabila nang nangyari sa amin ni kenzo adyan padin siya sa tabi ko.

Hindi ko na gaano nakakasama si kenzo, nagkikita kami pero siya palagi yung pumapansin sakin. Nagtetext siya sakin every morning, afternoon, night... SCHEDULED! Pero emoji lang reply ko. Ayaw ko nang humaba yung conversation namin.

"Sissy gising na" pa sweet voice ni ate marga habang inaalog alog ako. "Ano ba ate?"

"Shopping??? Lets goooo!" Sabay hila sakin papuntang cr. Shopping na naman nasa isip ni ate, okay lang yan.. bawal tanggihan dahil siya naman ang magbabayad lahat.

Nagbihis na ako at bumaba na. Sumakay na kami sa kotse at si ate ang magddrive.

"Ano bang trip mo ngayon ate? Hindi ka ba mauubusan ng pera, palagi nalang tayo nagsho-shopping" natawa si ate sa sinabi ko. Halos araw araw nalang may binibiling bagong gamit si ate marga, umabot na sa punto na kailangan na niyang bumili ng bagong cabinet dahil sa dami ng mga damit niya.

"Eto naman, magpasalamat ka nga at palagi kitang nililibre.. napansin ko kasing hindi na kayo namamasyal o pansinan lang man ni kenzo. Hanggang ngayon ba hindi mo padin siya papansinin?"

"Ewan ko.. sa tuwing tumitingin ako sa mga mata niya nanghihina ako, baka mas lalo pa akong mahulog sa kanya na sa ngayon may jowa na ako"

Kenzo is my bestfriend, as well as my LOVER. And i dont know which side of him i enjoyed the most

"Sissy, when you love someone. Being their friend is not just enough-"

"Ayan na naman tayo ate, nag eemote ka na naman tama na nga yan--" agad siyang tumawa pero pinutol ako sa pagsasalita.

"Listen, loving your bestfriend is hard because one step further will either make you fall harder or ruin your friendship." Sabay ngiti, nagtaka naman ako sa pa english advice niya.

"Ate, tanong ko lang.. yang advice mo saan mo nakuha yan, alam kong hindi yan nanggagaling sayo eh"

"Sa google lang naman hahaha pero makaka relate kadin sissy kahit na hindi sakin yun advice pero ako yung nagsalita nun haha kaya just go gurl! Support kita dyan... pero kung mahal mo na talaga si kenzo dapat mo din sabihin kay ken ang lahat"

Napaisip ako sa sinabi ni ate, pano kung dadating yung araw na masasabi kong mahal ko na talaga yung bestfriend ko, pano na si ken?

Nang nakarating na kami sa mall pumasok na kami sa iba't ibang branded store, sa NIKE ADIDAS PUMA BNY PENSHOPPE BENCH at marami pang iba.

"Sissy, malapit na mag end ng pasukan niyo gusto mo bang magtapos ng Grade 12 dun sa probinsya?"

Kung ganun, pwede din.. at dun na ako gagraduate ng grade 12. Baka makakapag relax na yung puso ko dun. Pero pano si ken? Iiwan ko nalang ba siya dito?

"Sige, mas relaxing dun sa probinsya kesa dito" ngumiti si ate at nagpatuloy sa pagpili ng damit.

Nang matapos na yung Sissy Date namin sa mall ay dumeretso na kami sa bahay. Pagbaba ko ng kotse nakita kong nakaabang si ken sa may gate kaya agad akong lumapit sa kanya

"Ken ba't ka nandito? Kanina ka pa ba diyan? Sana tinawag mo nalang ako" napansin ko sa mga mata niya ang pamamaga, parang kakagaling lang niya sa pag-iyak.

"Zeah pwede ba tayong mag-usap?" Kinabahan ako nang naging seryoso siya. "T-tungkol saan?"

"Tungkol sating dalawa" tumango lang ako at pumunta sa may kanto. Ayaw ko kasing mag-usap kami sa loob ng bahay, advance ako baka anong masabi niya.

"Zeah, I'm sorry but I know you don't deserve me."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Hinawakan niya yung kamay ko sabay tingin sa mga mata ko. Eto naba yung sinasabi nilang break Up?

"Alam kong mahal mo si kenzo hindi lang bilang kaibigan but more than that, kinaya kong kalimutan yan dahil mahal kita kaya umabot tayo ng ilang buwan.... " nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala na alam niya pero bakit?

"Ken, I'm sorry.. but trust me minahal kita" biglang tumulo yung luha ko at pinunas niya sa kamay niya.

"You can keep your love for kenzo, and i'll keep my respect.. I'm going to let you go in style even if it kills me. Baby Z, i just want to see you happy kahit hindi sa piling ko..."

"Ken, please... ayaw kong mawala ka" pilit akong nagmamakaawa pero hindi padin magawa. "Pero mas ayaw mong mawala si kenzo sayo, Always remember that I Love you and hindi ako magagalit kahit hindi naman talaga ako ang nandyan sa puso mo... dahil nararamdaman ko padin yung binigay mong pagmamahal sakin kahit hindi buo"

"Ken..." binitawan na niya yung kamay ko. At niyakap, "masaya ako kung masaya ka, lets just be friends..." tiningnan niya ako mga mata. "No awkwardness, just put in mind na we're good friends.... magkikita naman tayo just text/call me if you need something" at muli akong niyakap tsaka siya umalis.

Naiwan nalang ako sa labas ng bahay, nakatayo at wala sa isip. Parang gumuho na yung mundo, parang ako nalang yung natitirang tao dito. Napaupo nalang ako sa mismong harap ng gate.

Oo mahal ko si kenzo pero mahal ko din si ken, Nasaktan ako dahil siya mismo ang nagsabi nun at dun ako natauhan. Pero bakit? At pano niya nalaman ang lahat?

All i want to do right now is to scream and let it all out! Nagagalit ako sa sarili ko dahil mas minahal ko yung taong kaibigan lang ang turing sakin at naging bulag ako sa taong andyan lang palagi sa tabi ko kahit umulan o bumagyo.

Napansin kong may nakatayo malayo sa harap ko, si kenzo. Na nakatingin lang sakin at klaro ang pag-aalala. Napatingin ako sa kanya habang umiiyak padin ako.

"Zeah..." hindi ko na siya pinansin at tumakbo papasok ng bahay.

"Sis? Anong nangyari? May sinabi ba sayong masama si ken?" Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ng kwarto.

Kinuha ko yung phone ko nang may nag text. Si K-kenzo..

Bespren, kamusta? Kung ano mang nangyari sa inyo ni ken sana ay okay ka lang.. wag kanang umiyak andito lang ako.

_ _ _ _ _ _ _ _ _

Yes I'm in love with my bestfriend but i keep it to myself because i couldn't stand to lose him.

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon