Chapter 35

1.6K 22 0
                                    

SPG! ALERT!
----------------

PARTY

CALLIX POV

Andito ako ngayon sa bahay ni alvin ang kaklase ko, anniversary kasi nila ng girlfriend niya at inimbita niya ako sa celebration. Nagpaalam na ako kay zeah na pupunta ako ng party, di rin kasi siya makakasama nang biglang tumaas yung lagnat niya. Stress siguro siya sa clearance signing😂

Binilhan ko na siya ng gamot at makakain niya sa bahay, wala daw siyang kasama doon dahil may lakad sila tita at ate marga. Nakaupo lang ako sa sofa habang nagcecellphone, ayaw ko munang istorbohin si zeah dahil alam kong natutulog pa yon. Bigla nalang siyang nagkasakit, bukas pa naman yung graduation namin.

Mamaya na mag-uumpisa ang party, hinihintay lang namin yung girlfriend ni alvin. Habang nakaupo ako sa sofa may napansin akong pamilyar na babae na nakatayo sa may balkonahe parang may kausap siya sa phone, nabigla ako nang paglingon niya.

"Lisa?" Napatingin siya agad sakin at binaba ang cellphone niya. Nakasuot siya ng maikling palda at naka sleeveless. "C-callix? Andito kadin pala... si zeah? Hindi ba siya sumama?" Tanong niya. Hindi man lang niya nabalitaan ang nangyari sa bestfriend niya?

"Nilalagnat kasi siya, di mo ba alam? Nga pala, wala kang kasama? Nasaan na si henry?"

"Kausap ko lang siya kanina, hindi daw siya makakarating may importante daw siyang pupuntahan" sabi niya, tumango lang ako at nagpaalam na lumabas muna ng bahay para puntahan si alvin. Nag-alala tuloy ako kay lisa baka pinaasa na naman siya ni henry.

Kilalang kilala ko yang si henry, PLAYBOY.. nakailang babae na yan kahit isa hindi padin siya magiging loyal. Ayaw ko lang sabihin kay lisa, hindi padin yun makikinig sakin dahil mahal niya si henry.

"Alvin, congrats bro! Where's your girlfriend?" Tanong ko, habang naghihintay kami sa may gate. "Thanks bro! Padulong nadaw siya" (thanks bro! Papunta na daw siya) tumango lang ako. "O, here she is" napatingin kaming lahat sa babaeng pumasok sa gate. Ang girlfriend ni alvin.

Sa pagdating ni andrea ang girlfriend ni alvin ay nagsiinuman na ang lahat ng bisita. Yung iba naghubad na upang makaligo sa swimming pool, kumuha ako ng ilang boteng alak at mga chichirya.. umupo ako sa tabi ng pool at inenjoy ang party.

**

"Callix tol! Umuwi ka na, lasing ka na oh" sabi ng isang lalake na di ko masyadong namukhaan, kapag nalalasing ako di ako makakakilala ng mga mukha.. parang Alzheimers o talagang baliw ako. "Mamaya na, gusto ko dito" humiga ako sa tabi ng pool pero binangon ako ng lalake. "Bro, doon ka nalang sa kwarto matulog.. wag dito"

"Aba't pakealamero ka ah! Sino ka ba ha!? Umalis ka nga! Di kita kilala!" Sigaw ko sa lalake. Di ko namalayan na bigla nalang akong nagsusungitan. "S-sorry bro, sige.. hahayaan nalang muna kita dyan" sinundan ko siya ng tingin habang naglakad siya palayo.

Ramdam ko na ang antok, at bigat ng mata ko.. gusto ko nang magpahinga pero mas gusto ko pang uminom. Bumalik ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kusina, kumuha pa ako ng boteng alak binuksan ko ito at deretsong ininom. Pakiramdam ko sa bawat pag-inom ko ng alak parang may naglagay ng sleeping pills o kung ano man yan sa iniinom ko.

Hindi naman kaya to party drugs diba? Imposible! Walang ganun dito.

Lumipat ako sa sala at umupo doon, katabi ko ngayon ang isang babae habang binubuksan yung boteng vodka. Sanay na siguro lalamunan niya sa kakainom. "Ahh" sabi niya sabay hawak sa lalamunan. "Does it burn?" Tanong ko. Napalingon siya sakin kaso blurry yung paningin ko kaya di ko siya masyadong makikilala.

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon