Chapter 38

1.4K 19 1
                                    

GRADUATION DAY

ZEAH POV

"I'm so excited!!" Sigaw ni lisa sa tenga ko, "ang ingay mo!" Andito kami ngayon sa auditorium na kung saan nagaganap na ang ceremony ng graduation namin. Inumpisahan ito ng dasal at Flag ceremony, pagkatapos ay opening remarks at iba pang chu chu. Pinatayo na kami dahil oras na namin ng pagakyat sa stage upang kunin ang diploma. Magkalayo kami ng upuan ni callix dahil nasa bandang lalake siya nakaupo.

"Mondragon, Zeah Hilary"nang narinig ko na ang pangalan ko, umakyat na ako ng stage at kinuha yung diploma. Napatawa ako nang biglang sumigaw sina Lisa, callix, ate marga at james. "HILAAARYYYY!!!!!!! MUKHA KANG DRAGON!" Pagbaba ko ng stage tumingin ako kung saan nakaupo sila mama, nagulat ako nang nakita ko si... kenzo. "K-kenzo?" Sabi ko sa sarili ko habang lumakad pabalik sa pwesto ko.

Bakit siya nandito? Bakit kailangan niya pa akong puntahan sa graduation ko? Samantalang, nung graduation niya hindi ako nakapunta.

"Beshy okay ka lang ba?" Tanong ni lisa. "N-nakita ko si kenzo" sabi ko. Nanlaki ang mga mata ni lisa, "omg! Alam na ba niya na kayo na ni callix?"

"Siguro.." sagot ko. Hindi ko na yun inisip at nag concentrate nalang sa graduation. Nang matapos na ang ceremony ay kanya kanya na kaming lumabas sa hall, niyakap ako ni callix ng sobrang higpit. "Congrats to us babe! We finally made it!" Sabi niya sabay halik sa labi ko. "Yay! Congrats!" Sabi ko.

Habang nagkukuhanan kami ng litrato dumating na sila mama at ate marga kasama si james at.. kenzo. "Congrats baby girl!! Baby boy!!! Oy! Lisa congrats din!" Bati ni ate marga sabay yakap saming tatlo. "Thank you ate" sagot ko. Niyakap naman ako ni mama, "congrats anak, I'm so proud of you" sabi ni mama. "Thank you ma" sabay ngiti.

"Bro! Congrats sating dalawa! Sorry di ako nakapunta sa graduation mo" sabi ni callix sabay yakap kay kenzo. Ngumiti naman si kenzo, "its okay bro, andun naman si mama, congrats again bro" sabi ni kenzo. Lumapit sakin si callix at nagpaalam na ihahanda niya muna ang kotse niya,

Tumingin ako kay kenzo at lumapit siya sakin. "Hi bespren, congrats" sabi niya, at naglahad ng yakap. Ngumiti ako at niyakap siya, miss ko na ang bespren ko. "Uyy bati na sila!" Biro ni lisa. "Sorry kenzo ah, hindi ako nakapunta sa graduation mo" sabi ko. Gusto ko nang magkaayos kami, gusto kong ibalik lahat sa dati at kalimutan ang rason na kung bakit ko siya iniiwasan noon.

"Okay lang yun noh, at least nakuha ko na yung perfect graduation gift ko" sabi niya sabay ngiti na halos nakapikit na ang mata sa sobrang singkit. "Ang alin?" Tanong ko. "Edi ang makapunta sa graduation mo, niyo..." tumango lang ako at ngumisi.

Pagkatapos ng lahat, sumakay na kami sa kotse ni callix upang umuwi na sa bahay. May regalo daw kasi si callix saming lahat na grumaduate, konting salo-salo sa bahay namin. Hindi naman siya party na kung saan may nag-iinuman, kundi kain lang ang ganap at least kompleto kaming lahat at masaya na ako dun.

Pagdating namin sa bahay sumama sakin si lisa sa kwarto ko dahil dito na muna daw siya matutulog. Nagbihis na kaming dalawa, humiga na muna ako kama para makapahinga. Naghanda pa kasi sila sa baba hindi naman daw kasi magluluto ng pagkain kundi oorder sila ng pagkain. Para daw madali.

"Beshy nagugutom na ako" sabi ni lisa habang hinihimas yung tyan niya. "Maghintay ka lang muna, hindi pa dumating yung order mabuti pa't matulog na muna tayo" tumango lang siya at umupo sa kama, nang bigla siyang napapikit. "Lisa? Okay ka lang ba?" Tanong ko.

"Beshy, nahihilo ako--" dali dali siyang tumakbo papuntang CR at sumuka. Bumangon ako at sinundan siya sa CR, "uy! Ano bang nangyari? Okay ka lang ba talaga? Umupo ka muna dito" pinaupo ko muna siya sa may study table, at pinainom siya ng tubig.

"Ano? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko. "Di ko alam beshy, pero kanina pa talaga ako gustong sumuka kaso nasa gitna tayo ng ceremonya" sabi niya. "Nag-almusal ka ba kanina? Uminom ka lang muna ng gamot" pinainom ko sa kanya yung gamot at pinahiga na muna sa kama.

Ano bang nangyayari sa kanya? Palagi naman tong nag v-vitamins. Hindi naman siya ganito dati, ngayon lang to nangyayari sa kanya.

Dumaan ang ilang oras ay biglang may kumatok sa pinto kaya agad akong bumangon at binuksan ito. "Zeah, hali na kayo at kumain na tayo" sabi ni kenzo, nabaling ang tingin ko kay lisa na natutulog. "Are you okay?" Tanong ni kenzo. "Yup. I'm fine.. nag-alala lang talaga ako kay lisa, kanina kasi bigla siyang nahilo at sumuka" sabi ko.

"She'll be fine, gutom lang siguro yan.. gisingin mo na para makakain" tumawa lang kaming dalawa, nilapitan ko si lisa at ginising siya. "Lisa, bangon na at kakain na tayo" sabi ko, bumangon naman siya. "Sakto, gutom na ako.. lets go!"

Bumaba na kami ng kwarto at tumungo sa dining room, masyadong madami ang pagkain.. napakagat ako bigla ng labi nang makita ko ang pinakapaborito naming dessert ni lisa.. MANGOFLOAT❤️

Magkatabi kami ni callix ng upuan, "rice?" Tanong ni callix, nawala yung gana ko sa pagkain ng kanin pag makakakita ako ng dessert. "No thanks, Dessert lang ako" sabi ko, napahinto naman siya at tumingin sakin. "Dessert naman talaga kita 😉" agad ko siyang hinampas, bastos talaga ng isin neto. "Tumahimik ka nga dyan, ang ibig kong sabihin.. dessert ang gusto kong kainin" natawa naman siya at kumuha ng slice ng mango float at inilagay sa plato ko.

"Thank you" sabi ko sabay ngisi. "Nga pala, kenzo kailan ka pa babalik ng maynila?" Tanong ni mama kay kenzo, "ahmm.. di ko pa po alam, wala din kasi akong kasama doon sa bahay.. pwede po bang dumito na muna ako?" Napatingin ako kay callix na nakangiti lang sakin.

"Oo naman, ah.. zeah kailan ba magaganap ang Alumni day niyo?" Tanong ni mama. "Ahmm.. sa makalawang buwan pa po, doon sa maynila gaganapin" sabi ko. "Edi, sa makalawang buwan din tayo babalik ng maynila. Tutal doon ka naman mag kokolehiyo diba?" Oo nga, tama si mama pero pano na si callix?

"Callix, saan kaba mag kokolehiyo?" Tanong ko. Naalala ko kasi yung sinabi niya sakin na sa maynila daw siya mag kokolehiyo, pero baka nagbago isip niya. "Di pa ako sigurado babe, pero gagawin ko ang lahat para makasama ka dun sa maynila para sabay sabay tayo mag-aaral dun" ngumiti ako sa sinabi niya, sana nga doon siya sa maynila magkokolehiyo. Dahil ayaw kong magkakahiwalay kami.

Habang kumakain kami napatingin ako kay lisa na parang naayawan sa kinakain niyang mango float. "Lisa, may problema ba sa mango float?" Tanong ko, binaba niya ang tinidor. "Oo, di mo ba nalasahan? Matabang kaya yung mango float.. hindi siguro nila nakuha ng maayos yung timpla" sabi niya, tinikman namin sabay sabay yung mango float pero sakto naman yung lasa.

"Di naman, matamis kaya" sabi ni ate marga. "Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko. Bigla siyang napahinto at napapikit naman, nilapitan siya ni mama. "Anak okay ka lang?" Umiling si lisa at napatakbo sa may lababo, nagsusuka ulit siya.

Napatingin ako kay ate marga, naiisip kaya niya ang naiisip ko? Pero impossible na buntis si lisa dahil walang nangyari sa kanila ni henry don sa janitor's closet. Inalis ko na lang to sa isip ko at ibinaling ang pag-alala kay lisa.

"Lets go, magpahinga ka muna sa kwarto ko." Sabi ko habang inaalayan siya patungo sa kwarto ko. "Gusto mo bang buksan ko ang aircon?" Tanong ko. "Uh.. sige.. beshy salamat ha, siguro stress lang talaga ako" sabi niya. Ngumisi lang ako at pinatungan siya ng kumot.

-----------------

HUGOT#06

Waw! Tapang! Sa sobrang tapang, maling tao yung pinaglaban.

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon