Chapter 3

3.4K 51 3
                                    

BESTFRIEND KONG PROBINSYANA

Nakarating na kami dito sa probinsya, dito kami tumuloy sa bahay ni tita angela. "Kamusta na kaya bebelabs ko huhu Miss ko na siya" lungkot na sabi ni ate marga.

Hindi kasi sumama yung boyfriend niya dito, pinasama nalang namin siya dun kay kenzo para yung dalawa na ang magbabantay sa bahay oh diba ang saya.

"Magbihis na kayo marga, zeah! At mamamasyal tayo mamaya baka may mabili tayong pasalubong para kela james at kenzo"

**

Naglakad lang kami nina ate at mama dito, hmmmm... nakakapanibago dito sa probinsya yung feeling na makakalimutan mo lahat ng problema mo, tsaka magkakaroon ka dito ng peace of mind.

Habang naglalakad kami ni mama, may nadatnan akong Souvenir shop. May shop din pala dito pero hindi gaano kadami yung tao

"Ma, pasok muna tayo don ohh baka may makita tayong magandang souvenir" sabi ko kay mama.

Pagpasok namin ng shop napamangha ako tuloy sa mga nakita ko. May isang banda dito na pwede kang magpagawa ng accessories lahat CUSTOMIZE.

"An ganda dito sis, mabuti at nakita mo.. mama dito nalang kaya tayo bumili ng pasalubong andito na ang lahat ohh tas malapit lang sa bahay natin."

"Oo alam ko, sige na pumili na kayo ng kung anong gusto niyo"

Dumeretso ako sa bandang may CUSTOMIZED ACCESSORIES. "Uhmm.. Ms, ano pong magandang ibigay para sa kaibigan?"

Napatingin siya sakin at tinitigan ako, ano to? Manghuhula? Pakihula nga kung kelan kami magkakajowa ni kenzo.

"Hmm... customized bracelet yung bagay sainyo ng bestfriend mo"

Nagsimula na siya sa paggawa ng bracelet para saming dalawa ni kenzo, yung kulay na pinagawa ko ay black dahil paboritong kulay namin yung dalawa. Nilagyan niya ng pendant na babae yung isang bracelet at yung isa naman ay lalake.

"Ms. Bibili muna ako ng ibang pasalubong babalik lang po ako dito" tumango lang siya at nagpatuloy sa paggawa ng bracelet.

Pumunta ako sa FOOD/SNACKS, naalala kong mahilig kumain nun si kenzo may bulate yun sa tyan haha. Binilhan ko siya ng mga chichirya at syempre yung paborito niyang CHOCOLATES. Yum yum!

Binayaran na ito ni mama. "Lets go, magpahinga na tayo dahil bukas na yung kasal ng tita niyo"

"Ayy ma, teka lang" mabuti at diko nalimutan yung bracelet. Pagbalik ko ay natapos na ito ng babae. Binayaran ko na siya at siya mismo nagsuot sakin ng bracelet pero yung may pendant na lalake.

"Di po ba yung babae ang dapat kong suotin?"

"Para iyon sa bestfriend mo, para hindi ka niya malilimutan sapagkat yung simbolo mo ay nasa kamay niya lang"

Ang galing naman ni ate, sana marami silang branch na pagtatayuan sayang naman yung hugot at effort niya sa kung hindi man lang to makikita ng ibang tao.

"Ang sweet naman ng ate nayun.. sana nagpagawa nadin ako ng bracelet kundi promise ring para hindi na kami maghihiwalay ni james haay. Kaso si mama mukhang nagmamadali talaga"

"Hindi naman lahat ng taong binigyan mo ng promise ring ay mag sstay sayo forever.. yung iba nga kahit naabot na sa WEDDING ring maghihiwalay lang naman din" hindi na sumagot si ate at sumunod na kami kay mama.

Pagdating namin sa bahay, nandun na si tita angela kasama ang isang babae na pamilyar sakin.

"Margaret! Zeah! Ang laki laki niya na ahh dalagang dalaga ohh' nagmana talaga ang kagandahan sa tita hahaha" niyakap namin si tita angela (ang ikakasal)

"Hi beshy!!! Miss you si muchh hoy nakikilala mo pa ba ako??" Lumapit sakin yung babae. Tinitigan ko lang yung mukha niya para ibalik yung mga alaala na kung saan at kailan ko siya nakilala

"Cassie!?" Oo siya si cassie! Yung first friend ko dito sa probinsya, noong bata pa ako ay bumisita kami dito ni mama sa probinsya.. Si cassie yung anak ni manang esther na kapitbahay lang ni tita angela.

"Hay! Mabuti at natandaan mo na ako! Grabe ang laki ng pinagbago mo beshy,.. masyado ka na atang maputi eto ako morena padin pero still pretty haha"

Pumunta kami sa bakuran nila tita angela, may swing don kaya umupo muna kami ni cassie para makapag-usap.

"Kamusta kana dun sa maynila? May jowa ka na?" Tanong niya, hanggang dito din pala sa probinsya yung tanong na yon nohh

"Sana nga meron, eh ikaw?"

"Sana nga din meron haha, kaya nga kita hinanap baka may irereto ka sakin na taga maynila"

Ako pa talaga? Ako na nga yung nangingilangannng jowa ako patong magbibigay hayss.

Nakalimutan kong tumawag kay kenzo kaya kinuha ko yung phone ko para tawagan siya. Mabuti at may signal dito.

"Excuse me lang ha" sabi ko kay cassie. Tumango lang siya at nilaro laro yung mga aso dito sa bakuran.

Ringg....

[bespren! Miss youuu!!]

Grabe naman to sumigaw! Kamusta ka na dyan? Kasama mo ba si james?

[tulog pa ata yon, namimiss na niya siguro si ate marga.. sya nga pala yung pasalubong ko ha wag mong kalimutan]

Wow-- sige yung pasalubong nalang ang iuuwi ko dyan ha tas dito nalang ako sa probinsya maninirahan

[joke lang! Eto naman ohh... ano na? May irereto ka ba dyan sakin? Naghihintay na ako dito ohh single padin for sure pagbalik mo may makikilala kang lalake]

May ipapakilala ako sayo haha, kaibigan ko dito sa probinsya.. gusto mo bang makausap?

[t-talaga? Sige...haha]

(Agad kong tinawag si cassie, at ni loud speaker ko para marinig ko yung usapan nila)

Hello?

[uhmm.. Hi? I'm Kenzo Buenaventura, how about you?]

Uh... Cassie... Arizala hehe uhmm.. ilang taon kana?

[17 years old. Eh ikaw?]

Ahh pareho lang pala tayo, sana magkikita tayo noh?

[oo nga.. baka ikaw na yung 'the one ko haha, sumama ka nalang kaya kela zeah sa pag-uwi dito sa maynila. Para naman mas makilala pa kita]

Ha? Ohh sige ba.. bye!

End call.

"OMG! Zeah thank you haaa! Teka, sino ba yun?" Halatang masaya talaga si cassie.

"Ah si kenzo, yung childhood boy bestfriend ko" sabi ko habang pinipilit na ngumiti.

Bakit ko ba pinipilit? Diba dapat maging masaya ako dahil sa wakas may nakilala nang babae si kenzo? Pero bakit ganun, parang ayae ko na ata....

BOY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon