Chapter Six

142K 2.4K 101
                                    

ISANG mahabang ungol ang namutawi sa kanyang mga labi ng maramdaman ang isang madiing pagpisil nito sa likod niya. Nakahiga siya sa ibabaw ng kanyang sariling kama, paano ba naman kasi nakatulog siya sa isang compromising position sa couch ni Reigan kagabi kaya heto pakiramdam niya ay nadislocate ang mga muscles niya sa katawan. At hindi siya makatayo at makagalaw feeling nga niya ay nagbuhat siya ng isang daang sako ng semento kagabi.

Dahil sa pagod ay hindi niya namalayan na late na pala kaya tinawagan siya nito at sinabi niya dito na hindi maganda ang pakiramdam niya. Hindi pa man siya nakakabangon ay nakarating na ito sa kanyang quarters at ni hindi man lang nagpaalam na pumasok at pinahiga siya at minasahe ang kanyang likod.

"Sir huwag na po." Mahinang usal niya dahil masakit na masarap ang ginagawa nito sa katawan niya. "Baka mabinat po kayo."

"I'm fine now Yvonne hindi na ako nilalagnat." Muli nitong pinisil ang kanyang sore muscles na muntik na niyang ikinaiyak mabuti nalang at naisubsob niya ang mukha sa unan niya.

"Aray naman." Reklamo niya. hindi ito tumigil hangga't hindi naiibsan ang sakit sa likod niya. Mukhang kailangan na niyang tanggapin ang katotohanan na tumatanda na talaga siya. Masakit sa bangs.

"You okay now?"

"Sa tingin ko marami ng pasa sa likod ko." She sobbed.

"Let me see." Akmang lalapitan siya nito para tingnan ang likod niya ng pigilan niya na ito, kung gusto nitong tingnan iyon for sure kailangan nitong itaas ang suot niyang t-shirt wala siya siyang suot na bra.

"It's okay." Pigil niya. "Bumalik ka na sa office Sir Reigan aakyat na rin ako doon mag-aayos lang ako."

"You can call a day off." Anito pagak siyang tumawa sa sinabi nito.

"Iyong leave nga ang hirap mong ibigay sa akin tapos sasabihan mo akong magday off?" aniya dito.

"About that Yvonne pwede mo ng hindi ituloy iyong usapan natin I'll grant you your leave." Tinitigan niya ito.

She dismissed him. "Hindi ko inaatrasan ang bagay na nasimulan ko na Sir. I already made my promise na tutulungan ko kayo ni Sir Rooke but I'll accept that granted leave. So kahit hindi maging successful ang pagpapaalis k okay Sharmaine ay ibibigay mo pa rin ang leave ko?"

Tumango ito. "Yes, you can have your leave of absence next week." Ngumiti siya dito. Weird. Nagkasakit lang ito ay umayos na ang ugaling kanal ng boss niya, well, hindi naman talaga masama ang ugali nito. He is just playful at sa kasamaang palad nagkataon lang na siya ang napagtuunan nito ng katuwaan nito sa buhay.

"Thank you." She smiles in return hindi nito alam kung anong saya niya dahil sa sinabi nito sa kanya. "I need to go kailangan ko pang asikasuhin ang mga schedules mo na nasira kahapon." She said.

"Sabay na tayo."

"O-I think that is not a good idea." Kumunot ang noo nito at nanulis ang nguso nito. "Itigil mo na nga ang pagpapacute mo para kang sira."

"You found me cute?" tumaas ang kilay niya dahil biglang namula ang makinis nitong pisngi.

"Ahm, no comment."

"So you found me cute?" natawa siya sa inaakto nito para kasi itong bata na first time na nasabihan ng papuri. So, cute indeed.

"Hindi ka cute." Tuluyan na siyang natawa sa hitsura nito, who'd have thought na may ganoong side pala ito. "Dahil gwapo ka po Sir."

Marked Series 6: Deal With The Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now