Extra #1: The Mob

143K 2.3K 102
                                    

Extra #1: The Mob

            KANINA pa siya tahimik na nagmamasid sa mga lovers na nasa loob ng Royale, hindi niya alam kung maiinggit siya o matutuwa. Pinili niya anng dalawa, naiinggit siya dahil masaya ang mga taong nasa paligid niya. Masaya din naman siya pero nalulungkot pa rin siya dahil hindi naman niya kasama ang kasintahan niya.

            Nasa Singapore kasi si Reigan ngayon and even if she wants him to stay alam niyang hindi pwede dahil nasa Singapore nakabase ang business nito. Medyo okay na ang relasyon ni Yzzy at ni Reigan, alam niyang medyo ilag pa rin ang kapatid niya sa nobyo but Reigan managed to break the wall around her sister.

            “Naiinggit ka yata diyan?” biro ni Nao na kadarating lang.

            “Oo nga eh I missed him.”

            “Arte nito as if naman hindi kayo nagtatawagan gabi-gabi at nag-e-skype.” Nagpout siya habang nakatingin sa kaibigan.

            “Iba pa rin iyong nasa harap mo in flesh.”

            Nao rolled her eyes at her, “Magpabuntis ka nalang kasi tapos ay pikutin mong pakasal.”

            Mas lalong sumama ang timpla niya. “As if naman no hanggang kiss lang kami ni Reigan at hindi na lumampas pa doon. Feeling ko nga ang pangit-pangit ko kasi hindi naman siya nagtetake advantage.”

            Muntik ng masamid sa iniinom ang kaibigan niya at tinaasan siya ng kilay. “Baliw of course hindi mag-aadvantage iyon.”

            “Bakit naman? Pangit ba ako? Kailangan ko na bang magdiet?”

            “Gaga! Iyong boyfriend mo siya iyong one of a kind boyfriend.”

            “What do you mean?”

            Nao look at the ceiling dreamily. “Siya iyong boyfriend na gusto mong iharap sa parents mo, siya din iyong lalaking gentleman. Hindi siya nag-go beyond the boundary because she respects you gaga ka ba. Pasalamat ka nga at may ganyan kang boyfriend iyong iba nga diyan iba ang gustong makuha and once makuha na nagfaflylaloo na. Dapat maging thankful ka.”

            “Sabagay,” nanahimik uli siya. “But I really missed him.”

Marked Series 6: Deal With The Devil (COMPLETED)Where stories live. Discover now