CHAPTER 72- School Fest! [Day 2: Take 5]

Start from the beginning
                                    

At tila ba parang binasa bigla ng nagsasalita sa unahan ang mga salitang nag-uumapaw sa loob ko...

Hihintayin kita

Nang sanlibong gabi

Sa hardin ng ating

Tagpua't pangarap.

...sumakto nang sobra sa nararamdaman ko ang mga salitang binibigkas nang malakas sa unahan.

Titingin sa buwan,

Kahit walang buwan,

Kahit na madilim,

Kahit na madilim.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Pagkatapos manood ng Spoken Poetry, naglibot-libot kaming dalawa sa mga booth. Marami ring unique at interesting na pakulo ang Acting Department! Pinaka-interesting na booth for me 'yung "We challenge you to cry" booth, kung saan all you need to do is to manage to cry habang may pinapapanood sila sa'yong nakakatawang video! Sadly though, kahit iyakin ako, 'di ko nagawang makapanalo ng prize. Kahit kasi mababaw luha ko, mababaw din kaligayahan ko. Sobrang bilis ako mapatawa ng silly videos. 

Si Hell, allergic ata talaga siya sa festivals kaya parang wala ni isang booth na nakitaan ko na nag-spark ng joy sa mukha niya. Pero ang nakakatuwa, kahit gano'n, never ko siyang narinig na mag-complain o magmura. Sunod lang siya nang sunod kung sa'n ko gusto magpunta.

Nang mapagod na ako sa kalalakad, inaya ko si Hell na maupo na doon sa open-field kung saan gaganapin mamaya 'yung main event. Which is an open-field cinema.

Marami nang couples and group of friends ang nakaupo sa kani-kanilang latag doon sa field kahit na tatlong oras pa ang hihintayin bago 'yung showing ng movie.

Uupo na lang sana ako basta doon sa damuhan since wala kaming dalang panlatag ni Hell, pero pinigilan niya 'ko.

Hinubad niya ang suot na coat, nilatag 'yun sa damuhan 'saka ako pinaupo.

'Di ko napigilang tingnan siya nang may halong gulat at amazement. Ang cliche na no'ng move, pero dahil si Hell 'yung gumawa, sobrang lakas lang no'ng effect.

"What?" tanong niya.

"Anong what?"

"Why are you looking at me like you've just witnessed some sort of miracle?"

"Ah baka kasi parang milagro talaga 'tong nakikita ko?" ginusto ko 'yang sabihin, pero ngumiti na lang ako at sinabing, "Wala naman."

We talked, and talked some more hanggang sa magsimula na 'yung main event.

Nang malaman kong live action ng 'The Garden of Words' ni Makoto Shinkai ang ipapalabas sa harap namin, all set na talaga ang mga mata kong tumutok sa screen, pero bigla na lang hinawakan ni Hell ang kamay ko.

Kikiligin na dapat ako, pero napansin kong nanginginig ang mga kamay niya. Kakaiba rin ang higpit ng kapit niya. Parang hawak ng isang taong nagmamakaawang 'wag siyang bitawan dahil nilalamon siya nang sobrang takot.

Worried, agad ko siyang nilingon. Ibubuka ko na dapat ang bibig pero naunahan niya akong magsalita.

"The story I'm about to tell you has an unhappy ending," sabi niya, copying the opening line of the first movie the two of us watched earlier. "It concludes with everyone becoming miserable."

Nang sabihin niya 'to, noon ko lang naintindihan kung bakit gano'n na lang kahigpit ang kapit niya.

No wonder his hand is trembling. Balak na pala kasi niya akong dalhin do'n.

He's finally...

He's finally taking me there.

To his past...

To...

"Mikaela, are you really sure... you still want to watch it with me?"

...'that day'.

His  very own never-to-heal precious wound... 

he's finally 

showing it to me.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Yam-Yam's Note:

OMG! Finally! Achievement unlocked! After so many years, nakapag-update na ulit ako! LOL Hindi rin ako makapaniwalang nasa part na tayo ng story kung saan dama ko na 'yung ending! T*ng ina finally! Akala ko 'di na ako makakarating dito hahaha!

I won't promise a consistent time for my updates, pero I'm promising a once a week update for WLI from now on. AND THIS IS NOT A DRILL. HINDI RIN ITO SCAM. Bahala kayo kung maniniwala kayo o hindi. Up to you. ahaha!

No chill na 'yung sunod na chapters (p'wera sa back stories) kaya please prepare your hearts. Downpour of feels ahead lol

I feel its kinda inappropriate to feature a poem here, so I'll just feature a new poem on the next update, okay?

See you next week!

~Yam

WHAT LOVE ISWhere stories live. Discover now