BACK STORY- A

274K 5.3K 527
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is when what you say is actually the opposite of what you really think.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Behind every person is a story...

Behind every action is a story...

Behind every story is another story not yet told...

Ever wonder kung bakit at kung ano'ng nakain ng jerk na si Ace at bigla nalang n'yang binigyan sila Mika ng music sheet containing his own-made melody? Well then... here's the story behind it.

BACK STORY: ACE & SHIELD

Noong mga panahong sinugod ni Rocket si Ace dahil sa hindi pagsabi sa kanila nito na original song na pala dapat ang iperform...

"I thought you were a jerk, but I guess I'm wrong. You... aren't human at all. You're a monster." Matapos sabihin yan ni Rocket kay Ace at magwalk out sa kwarto nang umiiyak dahil sa sama ng loob... Seconds after umalis ni Mika para sundan si Rocket, sumunod na rin sa kaniya sila Ash at Ivan, pero naiwan si Shield sa loob noong kwarto.

Nakahiga na muli si Ace nang mapansin niyang hindi umaalis sa kwarto si Shield. It annoyed him kaya...

"Ano pang ginagawa mo dito? Gusto mo rin akong sigawan? Gusto mo kong--" Natigil si Ace sa pagsasalita nang may ihagis si Shield na papel sa kanya. Tiningnan n'ya kung ano iyon.

"Sinabi ko nang hindi ako interesadong magperform kasama n'yo, bakit mo binibigay 'to sak--"

"Kahit na lagi mo s'yang inaaway, kahit ilang beses mong sinabing wala kang balak magperform kasama ang mga katulad namin, at kahit wala kang pakialam sa amin, binigyan ka parin ni Rocket ng part dun sa song na icocover dapat namin. Wala ka mang pakialam sa mga tao sa paligid mo, may mga taong may pakialam sa'yo. I just want you to know that," sabi ni Shield tapos lumabas na ito sa kwarto.

Naiwan dun si Ace na nakatulala dahil kinausap s'ya nito. Nagsalita ang babaeng hindi palaimik, hindi n'ya inasahan yun. Tiningnan ni Ace 'yung papel na hinagis sa kanya ni Shield at nabasa n'ya ngang may label ng pangalan n'ya ang ilang parts ng lyrics na nakasulat doon sa papel. Pagkatapos n'yang makita yun, seconds after,  tinapon n'ya 'yong papel at humiga na muli.

"Sino bang may sabi sa kanyang isama n'ya pa ako dun? Tss," ani Ace sa sarili, pero hindi n'ya malaman kung bakit ang bigat bigla ng pakiramdam n'ya.

Noong gabing yun, pinilit ni Ace matulog pero hindi n'ya magawa. Sa tuwing pipikit s'ya, naaalala n'ya ang mukha ni Rocket noong nagwalk-out ito, umiiyak sa sama ng loob dahil sa ginawa n'ya.

"Ugh!" 

Pagkatapos ng ilang oras na pagpapaling-paling sa kama, napagdesisyunan n'yang bumangon. Bitbit ang gitara, papel at lapis, lumabas si Ace ng kwarto at pumunta sa veranda ng apartment nila.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Kinabukasan, nadatnan ni Ace ang mga kasama sa apartment na tuwang-tuwa dahil sa steak na dala-dala ni Mika. Ininit nila 'yon sa microwave oven at pinaghati-hatian. Amoy na amoy 'yung steak at talaga namang nakakapaglaway iyon. Nang pumasok si Ace doon sa kitchen para kumuha ng mainit na tubig na ilalagay sa instant cup noodles n'ya, ramdam parin ang tensyon sa kanilang dalawa ni Rocket. Hindi sila nagtitinginang dalawa. Imbis na kumain sa kitchen kasama ang mga kasama sa apartment, lumabas si Ace at kinain ang almusal n'ya mag-isa sa veranda.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon