CHAPTER 21- OPPOSITE

246K 5.2K 920
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

What is Love?

Love is the way he laughs <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 21- OPPOSITE

HELL's POV

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan... tayo'y maglaro sa dilim-diliman. Pagkabilang kong sampu, nakatago na kayo... Isa... dalawa... tatlo..."

Habang nagbibilang ng malakas yung bodyguard na taya sa laro namin, agad-agad akong nagtatakbo para humanap ng magandang pagtataguan sa loob ng mansyon namin.

Nagtago ako sa isang guest room. Pumasok ako sa loob noong isang cabinet doon.

Ang init sa loob noong cabinet pero tiniis ko. Hinding-hindi ko hahayaang maging taya ako, dahil bukod sa ang baduy nung kinakanta pag ikaw ang taya, it's so not cool also.

Mga ilang minuto rin siguro akong nakayupyop sa loob noong cabinet nang mapansin ko ang paggalaw ng doorknob habang nakasilip ako dun sa malilit na gaps ng cabinet. Dahan-dahang bumukas yung pinto. Ang lakas ng kabog ng puso ko, akala ko mahahanap na ako nung bodyguard, buti na lang at hindi s'ya ang nakita kong pumasok ng pinto. Ang daddy ko lang pala. 

Lalabas sana ako para gulatin s'ya pero napatigil ako nang mapansin kong hindi lang pala ang daddy ko ang pumasok ng kwarto... may higit-higit s'yang babae sa isang kamay. I felt happy and got excited (though it's not cool), dahil akala ko nakauwi narin si mom sa wakas mula sa conference n'ya sa Paris... pero noong tumapat silang dalawa sa kinalalagyan ko... nang makita ko ng malapitan ang mukha noong babaeng kasama ng daddy ko... para akong naging yelo bigla. 

Ang lamig ng katawan ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Natulala lang ako dun sa loob ng cabinet... natulala lang ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit yung secretary n'ya ang kasama ng daddy ko sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit hinahalikan ng daddy ko ang secretary n'ya. Hindi ko alam kung bakit hinuhubaran ng daddy ko ang secretary n'ya sa kama. 

Gusto kong lumabas mula sa pinagtataguan ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magtanong. Pero wala akong nagawa kahit isa doon. Nanahimik lang ako sa kinaroroonan ko at nanood. Nanood lang ako... nanood lang ako habang... habang... habang...

.

.

.

"Hell! Hell gumising ka! Binabangungot ka na naman! Hell!" 

Napabangon ako bigla at nakita si Vincent sa harapan ko. Hinahabol ko ang hininga ko habang nakatingin sa kanya. Pawis na pawis din ako kahit ang lakas nong aircon.

"Okay ka lang ba? What was it about this time?" tanong n'ya, tonong alalang-alala, para na naman s'yang magulang kung umasta. Binebaby na naman ako nitong Vincent na to, this is not cool.

"Magshoshower lang ako," sabi ko sa kanya at nagtuloy na lang papuntang cr.

Habang nababasa ng tubig ng shower ang katawan ko, doon lang ako nagsimulang kumalma.

Damn, when will these nightmares stop? 

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

MIKA's POV

One week na ang nakalipas matapos yung performance battle namin with C.R.Y. Nakauwi narin ako at nakabisita sa bahay noong weekend, nagkaroon kami ng late celebration doon para sa birthday ng mga kuya ko. Nakita ko narin ulit ang mga close friends kong sila Yani, Amae, Aimee, at Xaine, namiss ko talaga silang lahat. Ang dami ko ngang kwento pag-uwi ko doon. Halos kulang ang maghapon para maikwento ko lahat ng nangyari sa akin. Too bad, isang araw lang ako pwedeng magstay sa labas, nabitin talaga ako actually. One month na naman ang hihintayin ko para makita muli sila.

WHAT LOVE ISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon