Pero kapag nasa paligid ito...parang hindi niya kilala ang sarili?

"Okay..." tipid na sabi nito.

Walang imik na kinuha niya ang damit nito pero dahil hindi pa tuyo ang mga iyon ay naghanap siya ng pwedeng maisuot nito, napangiwi siya nung nakita niya ang pinakamalaki na niyang damit at short.

Pakiramdam niya, hindi iyon magkakasya dito.

Ang laki ng katawan nito.

Ngayon lang siya nakakita ng isang lalaking napakalapad ng balikat, at ang laki ng katawan talaga at mukhang alaga sa ehersisyo.

Napakamatipuno... sabi niya sa sarili at namula siya sa takbo ng iniisip.

Paano ba naman hindi niya maiisip at masasabi na matipuno ito, eh totoo namang ang ganda ng katawan nito, nayakap na niya ito nung may lagnat ito, at masasabi niyang kahit na matitigas ang kalamnan nito ay masarap sa pakiramdam na mayakap ito.

Namumulang ipinilig niya ang ulo para maalis ang lahat ng mga bagay na naiisip niya.

"Hindi pa kasi tuyo damit mo, gamitin mo muna 'to" pormal niyang sabi at pilit na kinakalma ang mabilis na pintig ng puso niya.

"Thank you" tipid ding sagot nito at nanlaki ang mga mata niya nung tumambad ulit sa mga mata niya ang matipunong katawan nito.

Nung nakayakap siya dito ay hindi niya maiintindihan ang sarili dahil parang gusto niyang ipaglakbay ang mga kamay sa katawan nito.

Napasinghap siya at agad na tumalikod at baka kung makita na naman niya ang nasa pagitan ng hita nito

"I'm done" narinig niyang sabi nito kaya humarap siya at muntik na siyang mapatili nung nakita niya ang itsura nito.

Sobrang hapit dito ang suot nitong damit kaya hakab na hakab ang magandang katawan nito, at napalunok siya nung bumaba ang mga mata niya sa suot nito sa pang ibaba, at kitang kita niya ang matipunong mga hita nito...at ang hugis ng nasa pagitan ng hita nito... at dahil kumupas ang suot nitong short ay manipis iyon.

Agad siyang tumalikod.

Dahil kapag hindi siya tumalikod ay makikita na naman niya ang 'bagay' na 'yon.

"A-ano, g-ganito...Huwag na m-muna tayong pumunta sa--" lumunok siya dahil parang pinangangapusan siya ng hininga sa nakita, at alam niyang sobrang pula ng leeg niya at ramdam niya ang pamumula ng buong mukha at pag iinit ng tenga niya.

"Come again?" narinig niyang tanong nito.

"G-ganito...sa susunod na araw na lang tayong pumunta, p-patuyuin na muna natin 'yong damit mo at makikita iyong putoto--" kinagat niya ang labi para pigilan ang bibig.

Muntik na akong madulas!

"S-sige maiwan muna kita magluluto lang ako" sabi niya at hindi na niya inantay ang sasabihin nito at parang siyang hinahabol ng sampung demonyo sa ginawa niyang pag alis.

Ang lakas lakas ng tibok ng puso niya nung nakarating siya sa likod.

Hindi niya alam kung bakit pero simula nung nakilala niya ang lalaki ay hindi niya alam kung bakit nagkakaganito siya.

Parang kakaiba?

Parang hindi niya kilala ang sarili sa mga naiisip niya.

---

Jazz's POV:

He doesn't understand why but he felt relieved when she postponed it.

It felt like something inside him was not ready to apart--

He froze.

What is wrong with him to be honest?

Perfect Imperfections : JazzUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum