Masaktan lang ako.

Para siyang asong nauulol sa tuwing naririnig at nakikita niya akong nagmamakaawa sa kanya. Pero ang pinaka hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin sa'kin ay ang gabing hindi lang pagkatao ko ang sinira niya. Kung hindi pati na rin ang pagkababae ko. Literal na pagkababae ko.

Flashback

Hindi ako gumalaw nang marinig ang paglangitngit ng pinto. Palatandaang nandiyan na ang mga demonyo. Nanatili akong nakatitig sa pulang kisame habang walang pinagbago sa posisyon ko sa loob ng mga panahong hindi ko alam kung gaano na katagal na panananatili sa impyernong 'to.

Nakadipa at nakabukakang nakatali sa kama habang walang saplot. Buti na lang pinapaliguan ako ni Dylan kaya medyo maaliwalas sa pakiramdam. Yun nga lang, pinapaliguan niya ako sa kama ding kinahihigaan ko. Matutuyo iyon sa likod ko mismo. Papalitan lang iyon kapag oras na ng pagpapaligaya niya sa sarili niya gamit ang katawan ko habang nakapiring ako.

"Babe! How are you? You miss me?" tanong niya habang nakatunghay sa'kin suot ang mapaglaro at nakakasuka niyang ngisi.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kisame at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Wala akong ginawa kundi ang mahiga pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Mentally and physically. Hindi ko nga rin maramdaman ang katawan ko. Pakiramdam ko patay na ako. Puso ko na lang ang bumubuhay sa'kin dahil pilit pa rin itong nanatiling tumitibok. Para siyang makina sa hospital. Pilit binubuhay ang isang taong dapat naman na talagang mamatay.

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay at nangunot ang kaniyang noo na palatandaang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Kung noong una ay manginginig ako sa takot kapag ginagawa niya 'yon dahil alam kong may gagawin na naman syang hindi maganda, ngayon naman ay wala na akong pakialam. Sanay na sanay na akong masaktan.

"You look at me when I am talking to you sweetie. And you have to answer me if I'm asking you," tiim bagang niyang saad. Anger is threatening to break lose.

Binalingan ko siya pero wala akong naibigay na ibang reaksyon kundi ang blangkong ekspresyon ng mukha at ang tingnan siya ng walang amor sa mata.

He smirked.

"Tumatapang. Aren't we?" nanunuya niyang tanong.

Hindi ako sumagot at nanatiling blangko ang ekspresyon habang nakatitig sa kanya. Why am I staring at him again? I don't even know. I cannot track my body's movements anymore. Pagod ako. Nakakapagod gumawa ng kahit ano. Kahit pagbuka ng bibig ay nakakapagod. Kung pwede lang hindi huminga ay ginawa ko na rin dahil sa sobrang pagod.

Napabaling sa kaliwang bahagi ang mukha ko habang may matinis na tunog akong naririnig matapos niya akong sampalin ng ubod lakas sa kanang pisngi. Hindi pa siya nakuntento dahil sinampal niya rin ako sa kaliwang pisngi na dahilan kung bakit ako napabaling sa kanang bahagi. May matinis na tunog muli akong narinig dahil sa lakas ng kanyang pagkakasampal. Mag-asawang sampal na galing sa kanya na halos ikatanggal ng ulo ko.

Hiding The Mafia's SonWhere stories live. Discover now