18

412 15 0
                                    



JAM POV







Andito pala ngayon si Dad at Kuya sa apartment ko,pagka uwi ko dito ay nadatnan ko na sila dito.Tinanong lang naman nila ako kong okay lang ako,o kong nasaktan ba ako?Sinagot ko naman sila na hindi,kaya ngayon ay sabay-sabay na kaming naghahapunan.







"sa Saturday mag training ka ulit"sabi ni Dad.







"pero whole day po yung practice namin sa basketball Dad"sabi ko.







"then every Sunday"Dad.







"opo Dad"sagot ko.







Pagkatapos naming maghapunan ay umalis din agad sila,ako naman ay naligo muna saka ginawa ko na yung mga assignment ko pagkatapos ay natulog na ako,maaga pa yung pasok ko bukas.







Morning🌞







7 am yung umpisa ng klase ko ngayon,kaya hindi na ako nakapag breakfast,pinabaonan nalang ako ni yaya Rina ng sandwich at strawberry milkshake na siya mismo yung gumawa,ginagawa talaga ako ni yaya na elementary student😔







"yaya naman eh,ayan ka nanaman,hindi na po ako baby"sabi ko kay yaya sabay pout,alam niyo ba kong ano yung ginawa niya?nilagay lang naman po niya sa isang lunch box yung sandwich ko na si dora yung tatak.tsk tsk tsk,nginitian lang niya ako.







"eh sino ba gusto mo?si barbie ba oh si minnie mouse?para mapalitan ko mamaya,para bukas iba naman yung lalagyan mo"sabi pa ni yaya Rina,nakita ko namang tumawa si Ate Sabel kaya mas lalo akong napalabi.







"sige po,okay na po ito,salamat po,aalis na po ako"sabi ko nalang sabay paalam sa kanila.







"young lady,gusto niyo bang itapon ko yang lunch box?"tanong sa akin ni Kuya Danilo.Umiling naman ako.







"wag na po Kuya,baka pag nalaman ni Yaya Rina na ipinatapon ko po ito ay baka magtampo po iyon sa akin"sabi ko,tumango naman siya.







SPU









Patakbo akong pumunta sa classroom namin,at pag pasok ko ay,si Kimmy agad yung hinanap ng mata ko,at nakita ko naman siyang nakadukdok sa mesa niya.







I poke her on her head,agad naman itong nag angat ng mukha niya sabay ngiti sa akin.Pero mukhang malungkot din yung ngiti niya,bakit kaya?







"good morning kambal"bati niya sa akin.







"good morning din,hindi ka ba masyado nakatulog sa bahay niyo?antok ka pa ah?"tanong ko.







"ilang oras lang yung tinulog ko,ang dami nating assignment eh,sumasakit nga ulo ko ngayon"reklamo niya.







"hindi ka nakapag breakfast no?"tanong ko ulit,umiling naman siya. "buti nalang pala madaming sandwich yung ipinabaon sa akin ni Yaya,hindi din kasi ako nakapag breakfast kasi baka ma late nanaman ako at ma detention ulit"sabi ko at biglang lumiwanag ang mukha nito,sabay ngiti sa akin ng malapad.







"talaga?wow!ang swerte ko naman sayo kambal"sabi niya,kaya nilabas ko na yung lunch box na pinadala sa akin ni Yaya,hindi ko siya narinig na tumawa dahil meron akong lunch box na dora.







SUGAR PINK ACADEMY(complete)Where stories live. Discover now