MFIAG 50-- Together again

9.6K 174 6
                                    

MFIAG 50-- Together again

*Shey's Pov*

"Bye Shey,"

"Bye Jam, take care."

"Ofcourse my dear.."

At umalis na si Jam, ang kaibigan ko rito sa Germany. Sya ang naging bestfriend ko dito, filipino rin sya. Pero mas gusto nya daw mag english kasi nandito sya, sanay na din kasi.

Pumasok nanga ako sa loob ng dorm kung saan ako nakatira. Sa dorm nato ay mapa-babae o lalake ay pwedi. Hindi ganun ka conservative dito, pagdating sa mga ganayan. Alam na din naman kasi nilang college students na ang nandidito at alam na ang tama sa mali.

Hay salamat makapagpahinga narin ako.

Its been 3months since nung umalis ako ng Pilipinas, at unti unting nakakapag adjust na rin ako.

Madalas din naman akong binibisita nila Mama, nalaman ko rin na nagakaproblema pala ang company namin.

Pero unti unti na itong bumabangon ngayon.. nagtatanong nga ako eh kasi parang ang dali lang nakabawi unlike sa iba or usual. Pero nag cha-chang topic agad sila. 

Ewan pero okay nadin yun, naayos na nga eh.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama, dapat sa dorm nato dalawa kami pero mag isa lang ako. Malaki din ang kwartong to.

Bale pag pasok mo sa bahay ay sala agad, at sa bandang kaliwa ay kusina. Tapos sa kanan naman ay may pintuan yun na yung kwarto, at sa kwartong to ay nandito na ang dalawang kama.

At dapat nga dalawa kami rito pero, yung kasabay ko ay parang wala naman. Oo wala hindi siguro tumuloy.

Para ngang apartment to eh, hindi dorm. Oo nga mas magandang tawaging apartment to mas bagay.

Inilibot ko ang tinginko rito sa loob ng kwartong to, malaki laki naman. At napatigil ang tingin ko sa kamang ilang hakbang lang mula sakin.

Bat parang may taong nakahiga?

Hindi baka multo?

Teka--

Humihinga. Oo humihinga.

Likod yata tong nakikita ko.. nakatalikod sya sa banda ko at bigla syang gumalaw.

Kaya napabalikwas ako at dali daling binalot ng kumot ang sarili ko. 

Tao? Tao! Oo nga! Pero di ko makita kung sino.

Pero alam kong lalaki to.

Gumagalaw sya dahan dahan.. at biglang dinilat ang mga mata nya at tumngin sakin.

"Aaah--" Sisigaw sana ako pero.. hindi ako nagkakamali.. alam ko kung sino to..

"Hahahahahahahaha"

Tuamawa sya ng malakas. At imbis na matulala ako ay nagbago ang expression ko.. ano bang pinagtatawanan nya?

Napansin ko naman ang posisyon ko ngayon.

Pinipilit kong isiksik ang sarili ko sa pader at pinagkakasya ang sarili ko sa kumot na medyo nakatupi, ang kanang kamay ko naman ay may hawak na doll shoes yung sout ko kanina.

Dali dali ko namang inayos ang sarili ko at lumingon sakanya na hanggang ngayon ay nagpipigil parin ng tawa.

Tinapos ko naman sakanya ang hawak kong doll shoes kaya napa'aray' sya.

"Che buti nga sayo Calvin Kerwin Sanjones!! Ugh."

Tumayo ako at inayos ang sarili ko at ang kama ko.

My Fiancee is A GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon