MFIAG 44-- Everything has changed

7.2K 163 11
                                    

MFIAG 44-- Everything has changed

*Shey's Pov*


Pumasok ako sa school ngayon ng walang gana. Wala namang nag bago except sa mga titig sakin ng mga tao sa school na to.

Tsk alam na yata nila ang tungkol sa nangyari, na hindi na kami ni Kerwin. 

Parinig rito parinig roon. Yan ang seneryong nakakasalabong ko habang naglalakad patungo sa first sub ko.

Kesyo, buti nga daw sakin at hindi na kami ni Kerwin. O kaya naman ay dahil daw sakin kaya naaksidente si Kerwin.

Hays. Ako nalang ba lagi ang may mali? 

Hanggang sa nakarating na ako sa room ay may mga nagpaparinig parin sakin. Buti nalang at dumating agad ang prof namin.

Habang nag ka-klase ang prof namin ay hindi ako nakikinig. Lutang nanaman kasi ang utak ko. 

Kumusta naman kaya ngayon si Kerwin? Gusto ko syang puntahan sa kanila pero naiisip ko na hindi parin ako papapasukin sa kanila.

Gusto ko mang tanungin ang mga magulang nya kung bat parang ayaw na nila sakin ay di ko magawa kasi iniiwasan talaga nila ako..

"So class, this coming weekend we will have a retreat in baguio okay? Is that clear?"

"Yes Maam" Sagot ng mga ka-klase kong excited na excited sa ina-nnounce ni Maam.

"Okay, bye class."

Lumabas na si Maam at lumabas na din ako. Ayoko ko ng makarinig  pa ng mga pagpaparinig ng mga blockmates ko.

May 30mins break pa ako ngayong araw na to bago ang next subject ko..

San ba magandang tumambay? Teka? Nandito na kaya sa school si Kerwin? Ayos na kaya sya? O unconcious parin?

Im dying to know his situation.

Kerwin.. babalik ka diba?

Hindi ko alam kung san ako dinadala ng mga paa ko, nahuli ko nalang ang sarili kong nandito sa garden ng school...

Pero parang di ako komportable dito.. ang dami naming mga moments sa lugar na to.. nung araw na sinabi nya sa ibang estudyante na fiance nya ako kasi grabe na ang pang bu-bully ni Nathalia (Chapter 10 -something- Announcement).. 

Tumayo ako at umalis nalang sa lugar na yun.. mas mabuti pang sa canteen nalang ako. Subukan ko namang kumain at lumimot muna sa lahat.

Pero bat parang kung kailan gusto ko sa mga oras na ito ay lumimot muna jan ko pa nakita ang pangyayaring ayokong makita..

Nakatayo lang ako rito sa gitna ng canteen habang nakatingin sa kanila..

Parang nung mga nakaraang araw lang kami pa yung naka-upo dun..

Wala naman masyadong nag bago, oo nag tatawanan parin habang kumakain pero yun nga lang yung bagong fiance na nya ang kasama at hindi ako.

Tatalikod na sana ako pero biglang..

*Splaaaaash"

Nabuhusan ako ng isang napakalamig na tubig. Halos manigas ako sa sobrang lamig.

"Ah sorry ha, my fault. Excuse me,"

Maarteng sabi nung babae na hindi ko nakita kasi nakayuko lang ako. Tss alam ko namang sinadya yun.

Tumingin naman ako saglit sa table nila Kerwin pero sana di ko nalang ginawa, parang wala lang sa kanila kasi patuloy parin sila sa pagtatawanan.

Pagharap ko kasi sa kanila ay nakatingin sila sa deriksyon ko pero binawi agad nila at nag usap usap tas nag tatawanan si Kerwin naman parang wala lang sakanya..

Pati ba naman si Relly? Bestfriend ko? Sobra sobra na talaga ang pagtataka ko sa mga nangyayari.

Lumabas na ako sa canteen at dali daling naglakad pero biglang may humarang sakin at pinatungan ng jacket ang mga braso ko.

At ang gumawa nito ay si.. 

"Kyle?"

Di ko napansin na hindi pala sya kasama nila Kerwin kanina.

Ngumiti lang sya ng bahagya at kinagulat ko naman ang susunod nyang ginawa. Bigla nya kasi akong binuhat.. yung buhat na bagong kasal,

"Ano ba Kyle, ibaba mo na ako. Okay lang ako, nabuhusan lang ako pero makakalakad pa naman ako." Sabi ko sakanya naiilang kasi ako dahil na aagaw na namin ang atensyon ng mga tao sa paligid..  pati atensyon nila Kerwin.

Hindi naman sya sumagot at naglakad nalang papalayo sa lugar na yun. Teka? San nya ba ako dadalhin?

Magtatanong na sana ako pero napansin ko papasok kami sa gym, sa locker ng gym.

Walang tao rito,

Dahan dahan nya naman akong inupo sa isang upuan at umalis sya bigla.

"Oy Kyle! Wag mo kong iwan dito no!"

Pasigaw na sabi ko sakanya pero maya maya lang ay bumalik naman sya at may dalang damit. Damit pambabae? Ha? Eh si Kyle ang kilala kong di mahilig sa babae pano sya nagkaroon nito? Di kaya..

"Wag kang mag isip ng kung anu-ano, matagal na yang nandito sa locker.. kasi ah basta. Isuot mo nalang baka matuyuan ka pa jan magkasakit ka pa. At alam kong di kapa kumakain kaya sabay na tayo. Sige na magbihis ka na."

Okay sabi nya eh. Tumayo nalang ako at tumungo sa CR para mag bihis.

**

Ang bilis ng oras. At ngayon ay papauwi na ako. Nandito ako ngayon sa parking lot kasi susunduin ako ng family driver namin.

Habang naghihintay ako ay may babaeng nalalakad papunta sa deriksyon ko.

At hindi ako nagkakamali sya ang bagong fiance ni Kerwin.

Nung dadaan na sya ay umiwas ako kasi na iilang ako pero sa sobrang bilis ng pangyayari ay may dadaan na kotse at dahil nasa daan kami ay bigla itong bumusena ng malakas.

*Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep*


At  naitulak ko si- fiance ni Kerwin. Kasi kung hindi ko ginawa yun maaring isa saamin ang masasagasaan..

Pareho kami napaupo sa sahig, sa magkabilang dulo at tumigil naman ang kotse tas lumabas ang isang babae.

"Naku pasensya na talaga ha. Nasaktan ba kayo? Teka." Lumapit sya dun sa fiance ni Kerwin at tinulungan itong tumayo. At sakin naman sya lumapit at tinulungan rin akong tumayo.

May kinuha naman sya sa wallet nya at calling card ito.

"Sorry talaga tawagan nyo lang ako ha pag nasaktan kayo, I mean tawagan nyo lang ako. May emergency akong pupuntahan. Sorry sorry. Sige ha."

Binigyan nya kami ng calling card at dali dali pumasok sa kotse nya at humarorot na.

Pag alis naman nung babae ay biglang tumahimik ang palibot, naisipan ko namang tanungin ang pangalan nya..

"Ah--"

"Crisha! Are you okay? Bigla ka nalang umalis, akala ko naman ano ng nangyari sayo. Teka ano nga bang nangyari sayo?"

"Ah kasi muntikan akong masagasaan kanina at buti nalang tinulungan nya ako."

Sabay turo sakin ni Crisha -yun ang tinawag ni Kerwin sa kanya eh- Oo si  Kerwin ang biglang dumating.

Lumingon naman sakin si Kerwin at nagpasalamat.

"Thank you."

Pagsabi nya nun ay nagpaalam na rin ako at tumalikod.

Masyadong nakakailang na mag sama sama kaming tatlo dun at eksakto namang dumating ang kotseng hinihintay ko kaya nakaalis na ako agad.

Alam ko namang alam nya na nasaktan din ako pero mas concern pa sya dun. Sabagay, ano nga ba naman ako diba?

Napangiti nalang ako ng mapait sa sarili ko.. nagbago na nga ang lahat.

-- 

My Fiancee is A GANGSTERWhere stories live. Discover now