MFIAG 43-- Eavesdrop

7.2K 166 12
                                    

MFIAG 43-- Eavesdrop

Shey's Pov


Minsan sa buhay mo akala mo pa easy easy lang. Gusto mo saya nalang lahat. Pero minsan sa sobrang kasiyahan.. Unti unti ding nagbabago ang nasa paligid mo, ang mga nakapalibot sayo. Hindi mo ito namamalayan kasi sobra sobra ang iyong kasiyahan na nadadanasan. Hindi mo namamalayang binabawi na pala ang kasiyahan mo, ang nagpapasaya sayo.

Its been 2 weeks since the accident happened. Hanggang ngayon ay wala paring malay si Kerwin. Pero di ko din alam. 3 days akong na confine nun, dahil yun sa pag colapse ko nung na aksidente si Kerwin. Wala rin akong gana kumain kaya nag kakasakit na ako.

Nung mga araw na yun naman ay gustong gusto kong pumunta sa room ni Kerwin at dalawin sya pero.. pero.. ni humarap sa pinto ng room nito ay pinagbabawalan ako.

Hindi ko alam pero, parang may mali. Hindi ko alam pero sadyang tinutulak nila ako palayo kay Kerwin pati na rin ang mga magulang ko at mga magulang nya.

Ngayon naman ay ika anim na araw ko ng hindi pumapasok. Ewan pero bigla nalang akong nawalan ng gana sa lahat. Gusto kong magpatuloy pero parang may bumubulong na itigil na to. Gusto ko pang tumayo at harapin ang lahat pero sa tuwing sinusubukan ko ay nawawalan na ako ng gana.

*Tok tok tok*

"Bukas yan."

Pag sabi ko nun ay narinig kong bumukas at sumarado ulit ang pinto. Naramadaman ko din ang paglubog ng kutson ng kama ko at may humaplos rin sa mga buhok ko.

Kasalukuyan akong nakahiga ng nakatalikod kaya di ko sya makita pero alam ko namang si Mama to. Nung mangyari ang aksidente ay umuwi agad sila rito sa Pilipinas kinabukasan. Ang tagal rin nilang nawala. Isa yun sa pinakamatagal nilang business trip. Mga halos isang buwan rin kasi yun.

"Anak, kumain ka naman. Mag-alala ka naman sa sarili mo, nak. Hindi ka na pumapasok. Bukas, pumasok ka na okay? 6 days ka na ding absent."

Napaharap naman ako sa kanya at nakikita ko sa mga mata nya ang sobrang pag aalala.

"Ma.."

"Sssshhh. Tama na yang pag iyak mo. Tingnan mo nga na ngangayayat ka na oh. Anak, naman nag aalala na kaming lahat sa yo."

Nag simula nanaman akong umiyak.. si Mama naman ay pinupunasan ang bawat luhang pumapatak sa pisngi ko.

Halo halo ang mga nararamdaman ko. Inis, pagtataka, takot at pangamba.

Inis kasi, pati mga magulang ko nadadamay sa kalungkutan ko. Pati sila naiistorbo na,

Pagtataka rin kasi, parang wala lang sakanila na wala na kami ni Kerwin. Parang alam na nila, di man sila nag tanong o kung ano man.

Takot at pangamba kasi.. baka iwan nalng talaga ako ni Kerwin sa ere. Baka mamaya malaman ko na ako lang pala ang ganito at sya ay masaya sa bagong fiance nya.

Kahit kasi ganito na ang nangyari.. umaasa parin ako na, babalikan ako ni Kerwin. At alam kong posible yun kasi, mahal nya ako.

Masyado na ba akong desperada? Ewan, bahala na oo nga siguro sa pananaw ng iba desperada na ako.. Psh nakakatawa! Parang kailan lang, si Cressia Yannie Villa Fuente ay isang simpleng babaeng NBSB at di nanawala sa love love, except sa pagmamahal ng isang pamilya.

Pero ngayon, umiiyak dahil sa tinatawag nilang 'love'.

"Anak? Sige nat tumayo ka na. Kumain ka, hihintayin ka namin sa baba."

Pagkatapos sabihin ni Mama yun ay hinalikan nya ako sa noo, at tumayo na at lumabas ng kwarto ko. Tumayo na rin naman ako ako para maligo na at, tama si Mama dapat kumain na talaga ako.

**

Kyle's Pov


Two na din ang nakalipas simula nung engagement party ni Kerwin.. sa iba. At sa sobrang liit ng mundo ay si Crisha pa talaga.

Tss. 

"Dude? Halika na, sabay na tayong pumasok psh mukhang tulala ka nanaman ah?"

Bakit ba lang nanbg iistorbo tong si Khems -_-

"Kung gusto mong sumabay, sumabay ka. Wag kang ngang tanong ng tanong."

Hindi naman sya sumagot kaya tumalikod na ako at lumabas. Kinuha ko naman ko naman ang kotse ko sa garahe at nag tumigil muna ako sandali kasi, sasakay tong isang to -_-

Masyado kasing concern sa kotse kaya kahit ang gulong nito ay ayaw ma lagyan ng alikabok. Lahat naman yata ng kotse na lalagyan ng alikabok ang gulong -_- Di talaga nag iisip to. Pero wala akong oras makipag asaran sa kanya dahil wala ako sa mood.

"Dude yung si Crisha ba ay girlfriend mo?"

Sa sobranf pagkagulat ko sa tanong nya at nahinto ko ng biglaan ang kotse sa gitna ng daan.

*Screeeeeeeeeeeeeeeeeeetch*

*Piiiiiiiiiiiiiiiiiiip*

Argh sht.

Buti nalang walang masyadong kotse na kasunod namin, isa nga lang yun yung bumusena.

"Ano ba yan! Wala ka nga sa sarili mo, pati yung tanong lang na yun di mo pa masagot ng 'oo o hindi' tas isasagasa mo pa tong kotse. Ayoko pang mamatay dude! Madaming iiyak na chik."

Pinaandar ko nalang ang sasakyan kaysa naman makinig ako sa walang pakundangang speech nitong isang to.

Wala nga talaga ako sa sarili. Sht argh ewan.

--

Binaba ko na sa front gate si Khems at didiretsu naman ako sa parking lot para ipark tong kotse.

Habang bumababa naman ako ay may nahagilap akong dalawang imahe, at nakuha nito ang atensyon ko. Kaya pumasok ako ulit at tiningnan ang dalawang taong nag lalakad. Tinted naman to kaya di ako mahuhuling nakatingin sa kanila.

Isang lalaki at isang babae.

Si Kerwin 

at

Crisha.

Great just great. Para naman akong tangang sinusuntok ang upuan sa shutgun seat ng kotse to. Bkit nga ba ako nag rereact ng ganito? Psh. Para akong tanga.

Teka. Si Kerwin? Akala ko unconcious pa sya ngayon? Sa bagay sa loob ng dalawang linggo ay tinago sya sa amin ng magulang nya. Kaya wala kaming balita sa kanya..

Lumabas na silang dalawa rito sa parking lot. Di ko alam pero nahuhuli ko nalang ang sarili kong sinusundan sila.

Parang di naman nila namamalayang sinusundan ko sila kasi nag uusap sila dalawa. At malayo layo rin ang distansya ko sa kanila kaya di ko marinig ang pinag- uusapan nila.

Medyo binilisan ko ang mga hakbang ko without making any noise...

"Kyle!"

Sa sobrang gulat ko nag may tumawag sa pangalan ko ay mabilis akong nakatago poste. At maraming salamat sa posting to!

Nilingon ko naman ang tumawag sa kin at sina Kerwin. Napatigil din pala sila sa paglalakad at nilingon si Jero.

Oo si Jero ang tumawag sakin. Dahan dahn naman akong lumingon sa pwesto ni Jero at sinenyasan sya ng 'pretend-that-your-just-wrong' mukhang na gets nya naman ito.

"Ah sorry. Akala ko si. Master Kerwin..." Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ni Jero.

Kasi iisa lang ang tumatakbo sa isip ko.

Konti nga lang ang napakinggan ko pero, mukhang ngayon ang dami ko ng alam.

--

A/N: HEY! GUYS SORRY KONTI LANG! HIHI PERO BALIK NA PO AKO SA PAGIGING ACTIVE KO RITO! WUUUUUUUUUUT. 3WKS DIN AKONG DI NAKAPAG-UD! SENSYA NA HIHI. #CAPSLOCKPARAINTENSE

My Fiancee is A GANGSTERWhere stories live. Discover now