MFIAG 37-- Crisha.

7.9K 177 2
                                    

MFIAG 37-- Crisha.

*Kyle's Pov*

"Oh? Ano musta ang date nyo? Ganda ng chic dude no?"

Pagpasok- na pagpasok ko pa talaga rito sa bahay yan agad ang sinalubong sakin ng aking pinakamamahal na kambal -_-

Pina-alala pa talaga sakin ang babae na yun. Tss.

"Tumahik ka nga!"

Nilagpasan ko sya at naglakad na patungong sofa.

"Wuuush! Naiinlove na kambal ko!"

Putek na to! Bakla ata to eh.

"Maiinlove? Huh? Dun sa babaeng masungit nayun? Na akala mo kung sino? Huh? Di no! ASA! "

Bigla na mang nag iba ang ekspresyon nya parang may gumuhit na question mark sa noo nya.

"Masungit si Ella? Di ah, mabait yun no. Oo mahilig yun mag make up pero di masungit yun."

Kanina parang bakla ngayon parang bata kapatid ko ba talaga to? Di nga? Tss. Ano daw? Di masungit? -_- At nag me-make up? Anong pinagsasabi nito? Eh yung masungit na parang tomboy na yun ni bahin ng lipstick wala, oo napansin ko kanina yun.

"Teka lang, schoolmate ba natin yang Ella?"

Curious na tanong ko sakanya.

"Ha? Hindi, bakit?"

Napasabunot nalang ako sa sarili ko.

Argh! Mali pala yung nilapitan ko -_-

--

*Shey's Pov*

"Ito iba nanaman,  di muna masasagot to promise!"

Sabi ko kay Calvin nandito kami sa canteen ngayon, hinihintay pa namin sina Khems, ang kambal at si Jero nalang ang wala pa dito. Nandito na kami ni Calvin at si Relly at Brent. Ngayon ko lang realise partner partner pala kami -_-

"Okay."

Sagot nya naman.

"Pag hinalo ang surf powder, tide powder, ariel powder, bubula o hindi?"

"Hindi."

Sagot agad nya.

"Bakit?"

Taas kilay naman na tanong ko, akala mo ha makakatakas ka.

"Wala pa namang tubig so its useless."

Ang daya bat nya alam? Bat ang talino ng isang to? -_-

"Ang daya mo naman eh! Siguro narinig mo na tong pala-isipan na to no?"

"Me? A cheater? Ofcourse not. San ko naman maririnig yan? ha?"

Tama nga naman, eh hindi naman mahilig sa mga ganito eh. Pero dapat lang na mahilig sya pag ako na no! Ibang usapan na,

"O sige! Kung matalino ka, dapat pagdating ng exam ikaw ang mag top 1 sa school."

"What's the consequence?"

Bago pa nya matanong may naisip na ako!

"Pag nag top 1 ka, I'll grant anything you'll wish. Kung hindi naman its your turn to grant my wish."

Taas noo kung sabi. Huh! Andaming matatalino sa school na to no, akala nya ha.

"Deal." Sabi nya sabay lahad ng kamay nya.

"Deal." Tapos nag shakehands kami.

Pagtapos naman naming mag shakehands ay inakyan nya ako bigla.

"Ang tagal nila, baka gutom na tong babaeng to."

 Sabi nya bigla. 

"Sorry medyo na late kami,"

Biglang dumating sina Jero at Khems. Pero teka asan na si Kyle?

Hindi pa ako nakapagtanong bigla nalang may natalisod sa may kanan ni Khems.

"Bro! Kaylan ka pa naging lampa? Aish hinay hinay ka nga."

"Ogag."

Yun lang ang sagot ni Kyle. Muntikan na syang matumba kanina. Buti na nga lang at nandun si Khems. Ngayon na mang naka-upona sya ay parang may tina-taguan sya. Problema nito? Kasi naman po, may hawak syang libro at nakaharang o hinaharang nya sa mukha nya -_- tapos pa silip silip sya sa mga tao rito sa canteen -_- Ewan.

*Kyle's Pov*

Simula nung malaman kong ako nga pala talaga ang mali. Para na akong tangang akong may pinagtataguan. School mate lang namin ang babae na yun. Baka makita ako nun -_- 

Teka? Eh ano naman kung makita nya ako? Huh, swerte nga sya napag kamalan ko sya. Kanina pa ako nag mumukhang tanga kakatakip nitong librong to sa mukha ko. Andam ko ng nabagga na tao. Psh. Dahil lang sa babae na yun -_-

Binaba ko na ang libro pero sht wrong move. 

Pagbaba ko kasi sa libro. Nakita ko sya. Oo sya, mag isa lang. At parang kami lang ata dalawa ang tao sa parteng ito ng paaralan -_- Nice. Magaling.

"Oo na, mali ko na yung kahapon. Oh ano? Tatawa ka na? Sige na, tumawa ka na tatanggapin ko."

Hindi ako nakatngin sa kanya habang sinasabi yan. Kaya napalingon ako agad kasi wala akong naringi na tawa.

She's just staring at me, emotoinlessly.

"Oh ano na? Tititigan mo lang ba ako? Psh. Oo na sorry na sa nangyari kahapon. Sige una na ako."

Sabi ko at tumalikod na.

"Crisha! Hahaha dito ka lang pala. Di ka na makakawala ngayon. Tandaan mo ikaw ang bayad ng utang ng pamilya mo sa pamilya ko. Kaya wag ka ng tumakas!"

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Wag mo kong hawakan! Ano ba!!"

Napalingon ako bigla sa narinig ko at nakita ko na may isang lalake na pwersahang hini-hila yung babaeng nakasagotan ko kahapon.

"Bitawan mo raw sya."

"Ano ban--"

Aalma pa sana ang lalaki pero nagsalita na ako agad.

"Bitaw."

Yung lang ang sinabi ko at biglang namutla yung lalake pagkakita nyang ako yung nagsasalita. Hindi pa kasi sya nakatingin sakin kanina,

"K-Kyle? Pa-pasensya na boss. Pasalamat ka may nag tanggol sa kundi--"

Sinasabihan nya ang babe na may pag babanta sa boses.

"Kundi ano? Tss. Pag lumapit ka pa ulit sa kanya, alam mo na. Kilala mo naman siguro kong sino ako."

Mas lalong namutla yung lalake. Bakla ata to eh -_- Umatras sya nagsimula ng magtatakbo.

Tumalikod na ako at magsisimula na sanang maglakad pero napatigil ako kasi nagsalita sya bigla.

"Sa-salamat, Kyle."

Bat parang nanghihina sya? Kanina ko pa napapansin, kada tatalikod ako ay may raso na para naman humarap ulit ako -_- Tumalikod ako para makaharap sa kanya pero nagmadalu din agad akong tumakbo patungo sa kanya dahil parang nahihilo sya at matutumba na.

--

"Okay na sya, wala lang talagang laman ang tyan nya kaya sya nahimatay."

Nandito ako sa hospital ngayon at kausap ang doctor. Wala pala syang kain kaya sya nahimatay. Oo nahimatay sya bigla kanina kaya ganon.

Pero hapo na nung magyari yun ibig-sabihin wala pa talaga syang kain simula kaninang umaga? Napa-iling nalang ako sa naiisip ko.

"Okay po, salamat Doc."

Pagkasabi ko nun ay tumalikod na yung Doctor ako naman ay lalabas muna sa hospital na to at bibilhan ko ng pagkain ang babaeng yun, teka ano nga ba ang pangalan nya?

Ah oo,

Crisha.

--

Yan po muna :D

My Fiancee is A GANGSTERWhere stories live. Discover now