MFIAG 41-- The enggagement

7.4K 178 10
                                    

MFIAG 41-- The enggagement

*Shey's Pov*

Kagaya ng mga nakaraang araw paggising ko wala na sya sa kwarto nya. Weekend ngayon ang ginagawa namin pag ganito ay nag ma-mall o kung pumupunta saan saan pero ngayon hays.

Di ko na talaga maintindiha. Nakakawalang gana na ding kausapin sya di naman kase sumasagot pero di patin ako mawawalan ng pag asa kaya ko to. 

Habang bumababa ako sa hagdan para mag umagahan na din ay nakita ko si Manang na may dinadala box na malaki at nilalagay nya ito sa may mesa. Ang laki  ng box na yan ah?

"Manang kanino po yan? Bat ang laki po?"

Di ko maiwasang matanong ng nasa may likod na nya ako.

"Ay Ms anjan ka na pala, may nag pa dala po eh para daw sayo at ito po may card din."

Inabot nya naman sakin ang card at tinanggap ko naman ito kahit na guguluhan pa ako. Ang ganda ng envelope na to, hmm? Anong laman nito?

Pagbukas ko sa maliit na envelop ay nabasa ko agad ang "Engagement Party" tapos nakalagay ang oras at date tsaka ang location kung saan ang venue pero ang pangalan ng e-e-enggage ay wala. Ano to lokohan?

"Naku Ms bakit naman walang pangalan yan?"

Nagulat naman ako kasi biglang nag salita sa likod ko si Manang na nakikibasa din pala.

"Ay sorry po Ms, hihi pero suhesyon lang po ha baka ikaw po yan at si Sir!"

Masiglang masiglang sabi ni Manang sakin.

"Ha pano mo naman nasabi?"

Medyo nag isip isp naman sya bago nag salita ulit.

"Diba po kasi, palaging busy si Sir ngayon pansin ko po yun. Malay mo po ito pala ang ginagawa nya susupresahin ka pala nya."

Napa isip isip naman ako dun.. so inaaway away nya rin ako? Para dito para masurprise ako?

"Nako! Bat ko naman sinabi sayo Ms baka di ka na masurprise."

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni manang at niyakap ko nalang sya.

"Hays manang! Ang saya ko ngayon. Lutuan nyo po ako ng masarap na pagkain para sa almusal."

Nilutuan nga ako Manang at wala ang saya lang. Ngayong araw rin pala ang enggagement kasi nakalagay yun dito sa invitation. Ngayon gabi alas syete :))))

--

"Ms ang ganda nyo naman! Nako Ms ay may sundo ho pala kayo! Sana naman sama ako, ay hihi pero okay na ako rito Ms. Ihatid ko na kayo sa labas."

Natatawa naman ako kay Manang kanina kasi may dumating na bakla at sinabing may nag padaka daw sa kanaya rito at mi-nake up nya ako. Di ko nga makikila ang sarili ko eh nung makita ko salamin.

Hays. Nakakaexcite na nakakakaba, habang hinahahatid ako sa labas ni Manang na may nakita na ako isang napakagandang sasakya na nakaparada sa harap ng gate namin. Tapos may lalaking nakatayo sa labas ng pintuan ng kotse.

"Good evening Ms,"

Bati nung lalaki at binuksan yung pinto sa likod. Bago naman ako pumasok ay ngumiti muna ako at nagpa-alam kay Manang. Ang saya ng gabing to :))

Habang nasa byahe kami ay napansin kong kaming dalawa lang pala ni Kuya ang nandito sa kotse. Medyo mga nasa 30 na ang edad ni Kuya.

"Amm kuya sino po nagpadala sa inyo para sunduin ako?"

Tanong ko kay kuya. At pagtapos ay tiningnan ako ni Kuya sa may rear mirror at ngumiti..

"Andito na po tayo Ms."

Hindi nya sinagot ang tanong ko sa halip yuna ng sinabi nya. Napalingon naman ako sa labas at..

Wooow! Ang ganda kitang kita dito sa labas ang ang mga naggagandahang ilaw at ang laki ng lugar nato..

Hindi konamalayan na binuksan na pala ni Kuya ang pinto.

"Ah thank you po."

Sabi ko kay Kuya na ngumiti lang..

Nung papapasok na ako ay pinakita ko lang kay kuyang guard ang invitation at pinapasok nya naman ako. Teka bakit walang sumusundo o uma-assist sakin?

Lumingon lingon naman ako at may mga table pa na walang nakaupo kaya umupo muna ako sa isa sa mga dun. Baka naman su-supresahin nya ako na parang..

Imagination*

Habang nakaupo ako sa isa sa mga table ay biglang may magsasalita sa harap at  maya maya ay may nakatotuk na spot light sakin.

Tapos mag- s-speech si Kerwin sa harap mag so-sorry sya dahil inaway away nya pa ako dahil yun sa supresa na ito para may thrill

End

Baka nga ganon. Yieeee kinikilig namana ko habang naiisip yun..

"Good Evening ladies and Gentlemen."

Biglang may nag salita sa harap at napatingin naman ako dun tumahimik naman lahat ng tao at nakatingin lang dun sa nag s-speech.

Napansin ko ang bi-big time ng mga bisita sa enggagement namin ni Kerwin >////<

Ito na mag uumpisa na..

"Tonight is the big night for Sanjones Family,  Because the one and only Calvin Kerwin Sanjones is now enggage."

Nagpalakpakan naman ang mga tao.

"And yeah so who's the lucky girl? Hmm,"

Ano na ano na? May spot light na ba? Palingon lingon naman ako sa likod para naman pag may spot light na ay di nila iisiping alam ko na ang surpresa nila.

Pero nung lumingon ako sa likod ay biglang nag black out ang lahat. May mga taong napasigaw naman pero maya maya ay napalingon ulit ako sa stage kasi biglang may ilaw na napakaganda at parang may bumaba na upuan at may nakaupong parang prensesa..

Ano to?!

At pag katapos ay kasabay lang na bumaba ang isang parang elevator  ay basta galing sa taas.. at si Kerwin ang sakay dun..

Natulala ako sa lahat ng nakikita ko..

At nung makababa na sila sa flooring ng stage ay lumapit si Kerwin sa babae at parang nang aalok ng sayaw. Ngumita naman ang babae at inabot ang kamay nya kay Kerwin.

Ano ba talaga to? Kasama ba to sa pakulo? Pero hindi eh. Bat naman ganito? Napaiyak nalang ako sa mga nakikita ko.

Bigla nalang may nag play na kanta at nagsasayaw sila slow dance ang sinasayaw nila. Ang sweet. Dapat ako yan eh. Dapat ako yang kasayaw ni Kerwin eh dapat ako.

Nagpalakpakan ang mga tao kasi tapos na pala silang magsayaw..

Nagsalita nanaman yung MC walang na akong marinig tanging hikbi ko nalang hindi naman ako napapansin nga mga tao kase nakatutok sila sa sila stage habang ina-announce na sya ang maswerteng bababeng papakasalan ni Kerwin.

Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari ngayon. Tanging nakikita nalang na mga mata ko ay si Kerwin na nandun sa harap. 

Ang unfair naman ako yung nakasama nya ng matagal eh bat iba. Teka ako nga lang ba o baka naman mas nauna sya..

Gusto ko nang mag walkout ang sakit na. Tatalikod na sana ako pero nakita ko ang mata ni Kerwin na napatingin sa kin. Para namang naawa sya.

Nakakainsulto lang. Bat pa nga ba nila ako pinapunta dito? Para masaktan? Ha? Ang sasama nila.

Gusto ko nang umalis magpakalayo kahit saan wag lang dito..

Tumakbo nalang ako sa labas ayoko ko dito. Tama na siguro to ayoko ko na. 

--

My Fiancee is A GANGSTERNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ