MFIAG 46- RETREAT 2

6.7K 158 7
                                    

MFIAG 46— RETREAT 2

*Shey’s Pov*

Nandito na ako ngayon san aka assign na room sakin. Magkaiba din ng room ang boys at girls. Sa kwarto naming ito ay tatlong kama kaya may kasama pa akong dalawa at wala pa sila. Mukhang ako pa kasi ang nandito eh.

Malinis naman  rito, at halatang bago lang nilinisan kasi may bakas pa ng map.

*Yawwn*

Maaga pa naman at sabi pwedi daw munang mapahinga at mamayang alas dose na lalabas para makapag tanghalian..

Siguro nga matutulog muna ako..

--

Nagising na ako at hindi pa naman tanghalian kaya mabuti pa sigurong mag lakad lakad muna ako.. ang dali ko namang natulog medyo bitin pa nga ako pero hindi na din naman ako makatulog pa ulit..

Ang lugar pala na to kung saan kami nag re-retreat ay parang private resort. Pero ang lawak ng lugar nya at ang lamig ng simoy ng hangin kasi sa dagat.

San nga ba ako pupunta? Wala namang masyadong estudyanteng naglalalabas eh, siguro nagpapahngi, iilan lang kasi ang nandidito.

“Mahal mo pa ba sya?”

Teka? Sino yung nagsalita? Boses lalaki.. ayaw ko namang makinig sakanila pero yung sunod na boses na narinig ko ay hindi talaga ako nagkakamali..

“Oo naman, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya.”

Kerwin?

“Tsk pag-ibig nga naman..”

Alam ko! Ako yung tinutukoy nya! Oo alam ko ako yun! Pero bat hindi ako makalapit? Parang nilalayo sya sakin.. teka! Yung mga paa ko!

Kerwin!!

Bakit ayaw gumalaw ng mga paa ko! Gusto ko syang lapitan at sabihin mahal ko din sya pero..

“KERWIIIIIIN!!”

Bigla akong napabangon sa hinihigaan ko at pawis na pawis.

Panaginip?! Panaginip lang pala..

Pero alam ko sign yun. Sign yun na dapat hindi ako susuko.

*Tok tok tok*

“Lunch time.”

Yun lang ang sinabi nung kumatok na teacher at umalis na.

Napalingon naman ako sa dalawang kama na nasa right side ko. Meron nap ala yung mga ka roommate ko. Kasi nan ditto na yung mga bagahe nila. Pero sino nga kaya sila?

--

“Okay this is the game number one and you have to find the members of your group, 10 members every group okay?”

“Miss!”

May nagtaas naman na kamay na isang estudyanteng babae.

“Halo halo po ba o kailangan girls to gi—“

“Yes! Girls to girls boys to boys.” Putol nung teacher sa tanong nya.

Nag simula ng mag hanap ang mga tao sa paligid ko kaya yun nadin ang ginawa ko.

“Ah—pwedi ba ako sa group nyo?”

Napalingon naman sila sakin. At yung isang babae ay bigla namang tumaas ang kilay.

“Ha? No way,”

Tumalikod nalang ako at ayoko ng pakinggan pa ang pagtataray nya, tsk. Siguro kung ako lang yung Shey na palaban hindi siguro ako tatalikod at aalis nalang baka binanatan ko rin. Pero nagbago na ako eh.

Lumapit nalang ako sa isang pang kumpol nagrupo ng mga babae

“May available pa bas a group nyo? Pwe—“

“No.” Hays! Bat ba ang taray nila sakin? Ah alam ko na, yung mga prince nanaman  nila KUNO.

Argh! Ano bang alam nila? Akala ba nila niloiko ko si Kerwin at pinalit ko si Kyle. Oo alam kong yun ang issue nila, at wow lang ang big  deal sa kanila ah pati ba naman ditto pe-personalin nila -_-

Eto last na talaga tong grupo na to, parang mag-sa-start na talaga yung game eh.

Napansin ko namang sa grupong to ay na si Relly at Crisha. Mukhang close sila ah? Alam kong pasasalihin ako rito ni Relly. Nako naman no kahit hindi nya ako pinapansin alam kong kaibigan parin turing nya sakin.

“Pwedi ba akong sumali sa group nyo?”

Lumingon silang lahat pati narin sina Crisha at Relly..

“No in a million ways, okay? So you better go.” Pagmamaldita sakin nung isang babae.

Pero di muna ako umalis at tiningnan ko muna si Relly ng ‘Pasalihi-ko-please-look’

“Hindi na talaga pwedi eh.”

Nabigla naman ako sa sagot nya.

Hindi wag kang nega Shey! Baka late ka lang at sampu lang talaga sila. Pero binilang ko sila at 9 lang sila eh. Ah hindi hindi, baka umalis lang saglit..

Tumalikod nalang ako at narinig ko pa ang sigaw nung babaeng nag maldita sakin..

“Kulang pa kami ng isa guys sinong wala pang grupo jan?”

“Ako!” Presenta nung isang babae

“Come here girl.”

Kahit nakatalikod ako ay naririnig ko ang usapan nila kaya napahinto ako.

“Akala ko ka group nyo si Shey.” Sabi nung bagong ka group nila.

“No way, ayoko ng bitch sa group na to.” Hindi ko naman maiwasang mapalingon.. at ang una kong nakita ay ang pares ng mata ni Relly, pero agad naman syang umiwas. Hindi, walang meaning yun. Baka naman ayaw lang nung maldita sakin..

Tumalikod nalang ako at nag lakad na.  Maghahanap nanaman sana ako pero nagsalita na yung teacher.

“Okay girls nandun na sa field ang boys and lahat ba settled na? Sinong walng ka group?”

Tumaas naman akong ng kamay at ako lang ang nakataas. So ako lang pala ang walang group.

“Ms Dela Fuente will be our referee. Our first game is volley ball. You are all in all 4 groups. So group A vs group C and Group B vs group D. Lets go girls.”

Dalawang net ang nandito so sabay na mag lalaro at iba ang referee dun sa isang net. Ako naman ay ditto sa group A & C.

Nagsimula na yung laro at, hindi namana ako marunong nito eh. Hindi ako marunong mag referee ng volleyball. Paglingon ko naman sa team C ay ito pala yung group na unang tumanggi sakin. At yung babaeng maldita pa yung may hawak ng bola..

At sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayang..

..

Yung bola...

Bigla nalang akong napahiga sa sahig at andaming pumalibot sakin.

Nanlalabo na ang tingin ko at parang gumagalaw ang paligid..

Napahawak naman ako sa ilong ko at.. dugo? Dugo!

Biglang nandilim yung mga mata ko at...

--

Cut!! Yan po muna J Hihi

My Fiancee is A GANGSTERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora