MFIAG 40-- Something Wrong..

7.4K 165 0
                                    

MFIAG 40-- Something Wrong..

*Kyle's Pov*

"Dude di ka naman mahilig sa babae eh, akin nalang yan."

Habang binubulong nya yan ay ramdam kong nakangisi sya. Lokong Khems na yun! Yan lang naman ang dahilan eh kaya ko nilapitan si Crisha at sinabing girlfirend ko sya, mukhang na ilang ata sya eh. 

Pero binawi ko naman yun! Oo binawi ko yun. 

[Flashback]

Inakbayan ko si Crisha pagtapos kong sabihin na girlfriend ko sya at tumalikod kami sa direksyon ni Khems,

"Ayos dude!"

Pagsigaw nyan ni Khems ay dun ko lang na process ng utak ko na pinaglololoko lang pala ako nung isang yun.

Di ko na lang pinansin si Khems at dinala ko nalang sa kung saan si Crisha.

Habang naglalakad kami ay hindi sya nag sasalita o kung ako man. Tama na siguro ito dito, wala ng masyadong tao.

Tumigil ako sa paglalakad at hinawakan sya sa magkabilang balikat at pinaharap sakin,

"Okay, that was just nothing. Basta wag mo nalang isipin yun okay?"

Para namang nag salubong yung kilay nya bago nya ako sinagot.

"Teka nga,"

Nilayo nya ang sarili nya sakin habang tinutulak ako.

"Sino bang nagsabi sayo na sineryoso ko yun ha? Psh. Excuse me lang may lakad pa ako."

Palaban talaga tong babaeng to -_- Umalis naman sya at parang may lakad nga talaga sya kasi nagmamadali talaga sya.

[End of Flashback]

Ngayong araw naman ay di ko pa sya nakikita.. (Kahapon kasi nangyari yun)

Habang naglalakad naman ako sa hallway kasi papunta na ako sa next subject ko ay nakasalubong ko Shey na naglalakad na parang ang lalim lalim ng iniisip..

Halos makabunggo nya na ako at di nya pa siguro ako mapapansin kong di ako nag salita.. ang lalim nga talaga ng iniisip nito.

"Shey!"

"Ah?! Ha? May sinasabi ka? Bakit?"

Wala nga sa sarili to.

"Wala wala, may problema ba ha? Wala ka sa sarili mo eh."

Pagsabi ko nun ay ngumiti sya, pero di nya ako maloloko alam kong fake yun.

"Ha-ha-ha wala no ano ka ba. Una na ako ha? Sge ba ma late ka din sa klase mo."

Nagpeke pa sya ng tawa, ginulo ko nalang ang buhok nya parang ayaw nya rin talagang sabihin eh. Alam ko namang may problema to..

"Sge mag ingat ka Shey."

Ngumit naman sya bago umalis.

"Ikaw din Kyle bye bye."

--

*Shey's Pov*

Niyong mga nakaraang araw ay parang may mali talaga kay Kerwin. Late na syang umuuwi minsan nakinom pa sya. Tas pag kinakausap ko sasabihin nyang wala lang pag pinilit ko naman magagalita sya..

Di na nga kami nag tatabi eh, nakakapikon rin kase :|

Kagaya ngayon mag a-alas dyes na ng gabi at wala parin sya. 

Hays ano bang nangyayari sayo Kerwin? Wala pa din naman akong nasasabihan sa mga nangyayari ito samin ni Kerwin. Kahit nga kanina na nagtanong sakin si Kyle ay nag papanggap nalang ako na wala lang.

Maya maya lang ay bumukas ang pinto, si Kerwin na nga ito. Tumayo lang naman ako sa may hagdan at pinagmasdan syang pumasok ng bahay..

Tumingin naman sya sakin sandali at umiwas agad ng tingin..

Hays bat ba ganito ako?! Parang ngayon wala lang ako sa kanya ah? Pero di ko parin sya iniiwanan :( 

Tumalikod na lang at pinahiran ang luhang tumulo sa pisngi ko. Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko, kung noon magkatabi kami ngayon wala na hindi na..

--

*Khems' Pov*

(Ang scene n ito ay nangyari bago pa makauwi si Kerwin sa bahay nila ni Shey)

Tinawag kami ni Kerwin, kaming apat at pinapunta kami rito sa hideout sabay sabay naman kaming dumating apat at pagdating namin ay nandito na sya, at gabi na rin nga mga alas syete pa naman.

May mga beer na din at nakainom na sya ng dalawa.

"Yow Boss! Anong meon?"

Yana agad ang salubong ni Jero pero wala paring response si Kerwin at tiningnan lang kami sandali at patuloy parin sa pag inom..

Nagkitinginan naman kaming apat na parang bang nag uusap ang mga mata namin at sabay sabay na nag kibit balikat.

Ano nga kayang problema nito?

--

Akala ko tinawag nya kami kase balak nyang sabihin samin ang problema nya pero wala, nga nga. Boung magdamag lang kaming nag iinoman at konti lang ang nainom naming apat sya naman ay madami dami na at parang lasing ng talaga..

"Boss tama na to, gabi na baka nag aalala na sayo si Shey."

Napatingin naman sya sakin bigla at biglang tumayo at kinuha ang bag nya. Hindi sya nag sasalita sobrang tahimik lang nya..

"Brent."

Sa wakas bumuka na din ang bibig nya. Pero yun ang ang sinabi nya tinawag nya lang si Brent sinenyasan naman namin si Brent na sumabay kay Boss paglabas..

Nung makalabas na silang dalawa at kami nalang ni Jero at Kyle di ay niligpit nalang namin ang mga kalat.

"Parang ang weird ni Boss."

Panimulang sabi ni Jero.

"Si Shey din."

Yan lang sinabi ni Kyle pero parang may meaning ang sinabi nyang yun.

"Ha?"

At sabay pa talaga kami ni Jero sa 'Ha' namin -_-

"Kanina kasi, nakasulubong ko siya at parang ang lalim ng iniisip nya. Wala sya sarili at ganon din si Kerwin, may problema nga ang dalawan yan."

Napatango tango nalang ako sa sinabi ni Kyle,

"Wag naman sana ang iniisip ko."

Yan lang ang sabi ni Jero at parang pareho ang tumatakbo sa isip namin wag naman din sana yung iniisip ko, sana.

--

My Fiancee is A GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon