Naninikip ang dibdib ko sa isiping, maaring hindi na kami kumpleto kung babalik man kami. No, I will never accept it. Kung ako man ang mawawala, sisiguraduhin ko na makakabalik ang lahat ng mga kasama ko... kahit hindi na ako, kahit sila na lang ang maligtas.

Naramdaman ko ang pag akbay sa akin ni Ream at niyakap ako gamit ang kanang kamay niya.

"Shh, you are thinking too much again. We will do everything. We will go back here, complete."

Hindi na ako nagsalita at hinilig ko na lang ang sarili sa kanya, habang ang aking isipan ay bumubulong na, sana nga.

Nakaidlip na sana ako ngunit nagising ulit ang diwa ko dahil sa sigaw ni Francine.

"Oh my! Can you turn to right? Steel?!" Lahat kami ay napalingon sa kanya. Kahit si Steel na siyang nagmamaneho na ngayon ay binagalan ang pagtakbo ng sasakyan.

"But we're heading on the left," pag sabat ni Nick na nasa shotgun seat na.

"Remember amusement park? Can we go there? Just this once? Please?" She did the puppy eyes.

Lahat ay napabuntong hininga.

"But we are running out of time, Francine," ani Ream na katabi ko.

"But we can go there, wala namang specific time na binigay si Marco. We will just guard ourselves when we go to the amusement park, and hindi natin natapos ang pagpunta natin noon dahil nga sa nangyari diba?" pag papaliwanag ko at pumapanig kay Francine.

"Please? Just this once... I am not sure if I'll live after this, so this is my wish..."

Lahat ay natahimik sa sinabi ni Francine.

We need to take a break, kahit isang beses lang. Masyado ng maraming  nangyari.

And I will tell a painful truth, our lives will not have assurance once we go there.

Sumang-ayon din si Celestine, Clinton at Steel.

"I love you na talaga, Trixy!" huling sabi ni Francine nang papunta na kami sa amusement park kahit ayaw nila Nick and Ream. Until now, they are the kill joy in the group.

Tinanggal namin ang mga nakakabit sa katawan namin na kakatakutan ng ibang taong makakakita... lalo na at karamihan ay mga bata ang pupuntahan naming lugar.

I removed my holster on my legs and put it on my bag.

Sobrang ingay na ni Francine at pati na rin si Steel na nagmamaneho.

Hanggang sa nakita na namin ang entrance ng amusement park.

Steel park our van on the side, at sabay-sabay kaming lumabas.

May mga tao na napatingin na agad sa gawi namin. We have four handsome boys and my two bestfriend girl who has the beauty. Hindi na ako magtataka kung mapapatingin sila sa gawi namin, but we didn't mind it. We are just here to enjoy for once.

Bumili si Francine ng seven tickets para sa aming lahat, for entrance.

Nagbalik sa akin lahat noong mga nag-aaral pa kami. Pero may dumagdag sa amin, kasama na namin si Clinton ngayon.

Pagkapasok ay napagpasyahan muna naming kumain bago sumakay sa mga rides.

Napangiti na lamang ako nang may makita ako at naalala.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at pinuntahan ang ale. Tapos naman na ako kumain.

"Magkano po?" tanong ko.

"50 pesos lang ineng." Ngumiti ako sa kanya at naglabas ng 500 na buo sa wallet ko.

"Apat pong demon headband and three angel headband— I don't know how to call it," nahihiya kong sabi kaya tinuro ko ang gusto kong bilhin.

I Saw the Future OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon