Chapter 27

1.4K 69 3
                                    

"Ladies and Gentleman, this Masquarade Night is for the charity. For scholarships, street childrens and different charities. This event is a gathereing of different wealthy people, celebrities, business man... but this is not just about the glitz and glamour because this event will launch a campaign that aims to help. We need funds to give help and if you have donations and such..." Nakatitig at nakikinig lamang ako sa nagsasalitang emcee sa stage at prenteng nakaupo sa table na naka-assign sa amin kasama ang mga magulang ko.

Pero kahit nakikinig ay hindi ko na naintindihan ang buong sinabi.

"...enjoy the party." Ang huling sabi ng emcee at ngumiti.

Hindi ko na pinansin ang iba pang pahabol na sinabi ng emcee dahil inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng malaking hotel na ito.

May chandelier sa pinakagitna, at kahit gabi sa labas ay maliwanag naman ang loob.

Halos kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ako sanay sa ganitong ambiance na lugar.

Busy sa pakikipag-usap ang pamilya ko at paminsan-minsan ay tinatanong at nasasali ako sa usapan nila.

Pinagdaop ko ang aking mga kamay sa ibabaw ng lamesa at napatingin sa gawi nila Ream. Busy din sila habang nag-uusap-usap at halos mapugto ang aking hininga dahil napatingin din siya sa gawi ko kaya agad akong umiwas ng tingin. Mabuti na lang talaga at nakamaskara kami.

Umalis sa table namin ang magulang ko kasama ang tito ko na nag hatid sa akin sa lugar na ito para maibigay ang donations ng pamilya namin.

Tahimik lamang akong nakaupo at may ibang lalaki na nagyaya sa akin ng sayaw ngunit tinatanggihan ko.

"Ahm, thank you but I am sorry to decline your offer..." sabi ko sa huling nagyaya sa aking lalaki, napansin kong isa itong sikat na modelo na nakita ko sa isang news na napanood ko last time.

Napainom na lang ako ng juice na nasa table para sa akin. Yeah juice lang yung binigay sa akin ni dad, bawal daw ako uminom ng kahit na anong liquor, and as if naman na iinom ako ng alak ang pait kaya ng amoy no'n!

"Pwede ko bang maisayaw ang pinakamagandang babae sa gabing ito?" Napaigtad ako sa aking prenteng pagkakaupo ng may boses na naman ang nagyaya sa akin para isayaw ako, ngunit ngayon ay mas bumilis ang kabog ng puso ko dahil kilalang-kilala ko ang boses na ito.

"Oh! Hi! Who are you?" Kahit kinakabahan ay nagawa ko paring ngumisi sa kanya. Hindi dapat ako magpahalata.

Habang nakatingin siya sa akin ay patago kong tinanggal yung bracelet na ibinigay niya sa akin. Baka malaman niyang ako si Trixy!

Nilagay ko ang bracelet sa purse na dala-dala ko.

"Xyxy..." Natigilan ako nang muli niyang banggitin ang tawag niya sa akin noong mga bata kami.

"You don't know me? I'm your kuya Ream, but drop that kuya, it's Ream. Ream Mercedes."

Napalunok ako habang magkatitigan kaming dalawa. 'Yan na naman yung tsokolate niyang mga mata na nanghihipnotismo.

"Ream." bulong ko sa sarili ko.

"Yes, would you mind to have a dance with me?" At may maliit na ngiti ang naglalaro sa kanyang labi.

Huminga ako ng malalim. Napakagwapo niya talaga. He's almost perfect. Kung hindi lang siya suplado!

I bit my lower lip but in a seductive way.

"Sure." Nakita kong nanlaki ang mata niya.

"Really? I saw men went devastated when you rejected their offer to dance. I thought you will reject me too." Mas lalong nag humirintado ang puso ko sa ngisi niya. Sht! Bihira lang makita na ganito si Ream!

I Saw the Future OnceOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz