Chapter 1

4.6K 214 70
                                    

"You're my only hope, our hope."

Halos mawalan at maubusan ako ng hininga nang pagmulat ko ulit ng aking mga mata. Nilibot ko ang aking paningin at nandito na ulit ako sa lugar sa kung saan ko napulot yung chips.

Napatingin ako sa chips na hawak- hawak ko pa rin.

Ano ang nangyari? What was that? I saw the future? Am I imagining things? 

Hindi ko alam kung ano na yung paniniwalaan ko. Humihingi sila ng tulong sa akin, totoo ba 'yon? Hahanapin ko ba sila? Ano ang dapat kong gawin?

Tumayo ako sa aking pagkakaupo at pinagpagan ang aking uniform.

Pinagmasdan kong muli ang chips na hawak ko, agad ko 'yong tinago sa bag ko.

Nagsimula muli akong maglakad para makauwi na sa apartment ko.

Nang makauwi na ako sa aking apartment ay tinapon ko sa kung saan ang bag ko at agad na humiga sa aking kama.

Ramdam ko yung pagod, yung pagsakit ng paa ko, at alam kong hindi ito dahil sa paglalakad ko galing sa school pauwi dito, at isa ang hinala ko, ito ay kundi dahil sa nangyaring kakaiba kanina, tumakbo ako no'n kaya siguro sumakit yung paa ko.

Ang sakit din ng buong katawan ko, pero pinilit ko yung sarili ko na bumangon para makagawa nang mga school works, maglinis ng buo kong apartment at kumain para makapagpahinga na ulit ako.

Pagkatapos kong magawa ang lahat ng gagawin ko ay muli na akong humiga sa aking kama.

Napabuntong hininga ako. Komplikado na ang buhay ko, mas naging komplikado pa nang magpakilala yung mga lalaki sa akin na galing sa future at humihingi ng tulong.

But scratch that! Hindi naman 'yon totoo.

Napailing na lamang ako.

Habang nakahiga at nakatulala kanina pa ay hindi ko mapigilan na mapatingin sa picture frame ng mga magulang ko na nakalagay sa gilid ng kaliwang pader ng kwarto ko. Parehas silang mga isa sa sikat na scientist sa buong bansa, hanggang ngayon.

Ako lang ang mag-isa simula pa nang bata pa ako, lahat ay natutunan kong mag-isa. Naging independent na ako sa murang edad.

Palipat-lipat ng school tuwing matatapos ang isang taon ng aking pag-aaral at hindi ko alam ang dahilan.

Pero bakit nga ba ako naging ganito? Nagpapanggap na mahirap.

Sa pang mayaman at sikat na paaralan ako nag-aaral na nagpapanggap na scholar kahit hindi naman. Nakatira sa isang simpleng apartment na mag-isa na never pang dinalaw ng aking mga magulang. Tumatawag sila at kinakamusta ako, pero bihara lamang. At hindi ko alam ang kanilang dahilan.

Ang sinabi lamang nila ay ito ang makakabuti sa akin, para ito sa kapakanan ko. Mahal na mahal ko ang magulang ko at mahal din nila ako, at sobra na akong nagungulila sa kanila.

Alam kong may malalim na dahilan kung bakit nila ito ginagawa sa akin, at gusto ko 'yon malaman.

Hanggang sa nakatulog na lang ako sa dami ng aking iniisip.

***

Days passed, simula nang mangyari ang insidente na 'yon sa akin. Siguro guni-guni ko lamang ang nangyari o baka namalikmata lamang ako nang araw na iyon, dahil sa medyo stress na rin ako.

Nakaayos na ako ng sarili para makapasok na ako sa bago kong school.

Sumasakay lang ako ng tricycle kapag pagpasok, at bababa sa medyo malapit sa aming paaralan at maglalakad.

Medyo maaga ako ngayon kaya hindi ko na kailangan tumakbo para sa unang klase.

Simpleng mag-aaral lamang ako rito, walang kaibigan, wala rin namang kaaway at mas gusto ko na 'yon.

Nag isang buwan na rin ako sa school na ito, simula nung magpasukan.

Naglalakad lang ako sa hallway ng school namin nang may marinig akong mga tilian ng mga babae.

"OMG! Ang gwapo talaga nila!"

"Waaah! Ngayon lang ulit sila pumasok. Ang tagal nilang hindi nagpakita."

"Baby, Ream akin ka na lang!"

"Steel, Miss na kita!"

"Nick! Mas lalo kang gumagwapo!"

Ang dami ko pang narinig na nagsisigawan. Hindi ko na sana papansinin pero narinig ko ang mga familiar na pangalan na iyon.

Bakit ngayon ko lang narinig sa school na ito ang pangalan nila, simula nang mag transfer ako rito.

Nakipagsiksikan ako sa mga kababaihan para makalapit sa tatlong lalaki para makita sila.

Halos malaglag ang aking panga nang mamukhaan ko ang kanilang mga mukha.

Matured na ang kanilang mga mukha at ang katawan nang makita ko sila sa future, pero ngayon mga teenage boy ang aking nakikita, kaedad ko nga sila rito.

Sila nga! So it's true. The future I saw were all true!

Coincidence ba ito? Dito rin pala sila nag-aaral.

"Ream," salita ko pero hindi niya 'yon pinansin. Napabuntong hininga ako dahil doon, paano nga niya ako mapapansin, marami ring tumatawag sa pangalan niya.

"REAM MERCEDES!" malakas na sigaw ko at gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa ngayon nang tumahimik ang kapwa ko estudyante at tumingin silang lahat sa akin, kasama na silang tatlo.

Mga nakakunot ang noo ng mga babaeng nasa paligid ko na nagtataka sa kinilos ko.

Tumawa yung Steel, at tinapik yung balikat ni Ream. "Tol, grabe yung mga fangirls mo. Gagawin lahat mapansin lang sila."

What the? I'm not a fangirl of him!

Bumalik ulit sa ingay, at tilian ang mga babae.

Inismiran lang ni Ream si Steel.

Tumingin siya sa gawi ko at halos malagutan ako ng hininga nang magtama ang mga mata namin ni Ream, kinabahan ako sa tingin niya. Sobrang cold.

Tumalikod na si Ream, na sinundan ni Nick at Steel. Naiwan akong mag-isa sa pwesto dahil sumunod rin yung mga tao sa kanila.

Napakunot na lang yung noo ko. Hindi nila ako kilala? Napailing na lang ako bigla.

Scientist sila at gumawa sila ng chips para may isang tao na makapunta sa future sa maikling oras, at ako yung nakapunta. Alam kong imposible sa iba kung iisipin, pero para sa akin pwede 'yon mangyari, isa ring scientist ang mga magulang ko at alam kong nakakagawa sila ng mga bagay na hindi kayang gawin ng isang ordinaryong tao katulad ko.

Ngayon ko napagtanto na totoo lahat ng nangyari sa akin nang isang araw. Humihingi sila ng tulong sa akin gamit ang ginawa nilang chips, dahil may hindi maganda ang mangyayari sa future at ako lamang ang nakakaalam no'n sa ngayon.

Sa nakita ko noong isang araw, alam kong kailangan nila akong lahat at nakapagpasya na ako.

Napatingin ako sa dinaanang paalis nila Ream, Nick at Steel.

Hindi nila ako kilala. Sikat sila sa paaralang ito, at hindi sapat na sabihin ko lang ang buong pangalan nila. Hindi rin nila ako pinapansin, dahil nasanay na sila sa mga kababaihan na ganoon ang ginagawa sa kanila.

Mahirap ang makalapit sa kanila, pero isa lamang ang naiisip ko na paraan.

Isa sa kanila. Si Ream Mercedes, dahil ikaw ang unang humingi sa akin ng tulong.

...You need to fall in love with me.

--

HartleyRoses

I Saw the Future OnceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt