Chapter 37

1.1K 62 4
                                    

Hindi na muna namin inisip yung kay Clinton. At mga sarili muna namin ang aming inuna.

Huminto kami sa isang drive thru at kumain dahil nagutom na rin kami. Because we didn't eat for nine years? How's that?

Ah! I forgot, mga scientist nga pala ang kumuha sa amin, dinaan siguro sa mga nakakabit sa katawan namin yung pansamantalang pagkain para hindi kami mamatay sa gutom.

Hindi ko alam kung paanong nagawan ng paraan nila Ream ang makakuha ng pera nila nang hindi na t-track ng mga kalaban, but it doesn't matter basta ligtas kami ngayon ay ayos na sa akin 'yon.

Kasalukuyan kaming nasa isang simpleng hotel para mag palipas ng gabi at makapag ayos ng mga sarili.

Two rooms lang ang kinuha namin pero may three bed kada isang room. At tatlo silang mga lalaki sa kabila at tatlo naman kaming mga babae dito sa kinauukupuhan naming kwarto.

Tahimik lamang akong nakaupo rito sa may kama at nakayuko.

Katatapos lamang maligo ni Celestine at si Francine naman ang kalalabas lang ng comfort room dahil naligo rin, at ako naman ang sunod.

"Pahiram akong blower, Celestine." Narinig ko pang sabi ni Francine bago ako makapasok sa CR.

Pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako roon at napapikit.

Huminga ako ng malalim. Simula kaninang umaga ay hindi na ako nagawang tapunan ng tingin ni Francine. Ayos pa kay Celestine kasi nakakausap ko pa siya lalo na kapag importante ang pag uusapan.

Nag simula ko nang ilublob ang aking sarili sa bath tub at nagbabad sa tubig na may bula.

Nag linis at nag ayos na ako ng aking sarili. Halos abutin ako ng dalawang oras bago lumabas ng CR. Nakabihis na akong lumabas dahil doon na rin ako nag bihis sa loob.

May mga spare clothes na rin kami dahil dumaan kami kanina sa isang mall para bumili ng mga pangangailangan nang makakuha sila ng pera.

Nakita kong nagtatawanan at masaya sina Celestine at Francine, at biglang natahimik nang makalapit ako sa kanila.

Tahimik kong kinuha ang blower na nakalapag sa ibabaw ng lamesa para patuyuin ang aking buhok.

Doon ako pumunta sa may sala dahil alam kong hindi sila komportable na nasa kwarto ako.

Habang narito sa sala ay rinig ko ang usapan nila.

"Tabi ako sayo matulog ah?" si Francine.

"Ano ka ba naman Francine, may mga kama naman tayo." Narinig kong natatawang sagot ni Celestine.

"Ihh! Kahit na, gusto kong tumabi sayo."

"Naku! Hindi ka pa rin nagbabago. Hello! Twenty six years old na kaya tayo!"

"Ihh! Anong kinalaman no'n sa pagtabi ko sayo sa pagtulog?"

Natawa ako sa aking isip dahil sa inaasta nilang dalawa kahit hindi ko sila makita. Alam kong nakanguso na ngayon si Francine at si Celestine naman ay nakakunot ang noo dahil sa kakulitan ng kaibigan niya pero nakangiti pa rin.

"Oh, sige-sige. Wala naman akong magagawa sayo e."

"Yey!"

"Hoy! Bat mo ba ako niyayakap?"

"Gusto ko bakit? Angal ka?"

Narinig ko ang malakas na pag buntong hininga ni Celestine dahil sa medyo spoiled at makulit na si Francine.

Hindi ko na napigilan at hindi na lang pala ako sa aking isip natawa, kundi natawa na pala talaga ako ng totoo.

Narinig kong parang nanahimik sa kabilang kwarto, kaya't napalabi ako. Siguro narinig nila ang pagbungisngis ko. Nag echo pa naman ang boses sa hotel room na ito.

I Saw the Future OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon