Chapter 22

1.4K 83 8
                                    

Ito na ang pangatlong linggo na hindi nagpapakita sina Ream, Nick at Steel.

Nag focus ako sa studies ko. Nagsasabay pa rin kami nila Francine at Celestine mag lunch break, minsan naman hindi kami nagkakasabay dahil sa sobrang dami na ng ginagawa. Si Nolan naman pinapasabay namin minsan pag nag l-lunch, puro na lang kasi tulog, naging kaibigan na rin siya nila Francine at Celestine.

Si Clinton naman ay patuloy na ginugulo ako. I don't understand him, may mga pinapaalala siya sa akin na hindi ko maintindihan. He's just like my parents, he wants me to be away from all the things that can harm me, but I don't understand them.

And now he's pestering me again. This past few weeks, I always felt irritated, maybe because of my nightmares? Paulit-ulit pero natatakot pa rin ako sa tuwing nagigising ako sa panaginip na 'yon.

"Ano ba, Clinton! Hindi na nakakatuwa." He just smirked at me.

"Deal." Muli na naman akong napabuntong hininga. Sa tuwing ginugulo niya ako yung word lang na 'yon ang ginagamit niya sa akin.

Deal.

Kainis! Bakit ko ba kasi pinatulan yung pakikipaglaban sa kanya? I'm irrational. Hindi ko man lang naisip na mas may kakayahan siya kaysa sa akin pero tinuloy ko pa rin. So I need to face the consequences of my stupidity.

"What now?" I asked bored.

"Can we talk?"

"We're talking, now."

He smiled. And I know it's a fake one. Matagal ko rin siyang nakasama kaya kilala ko siya. Alam ko kung totoo o peke ang ngiti niya.

"Don't smile at me like that. It's irratating me."

He smiled again pero malungkot na ang ngiting pinakita niya.

"I want to talk to you like the old days. Hindi ngayon na palagi mo akong sinisinghalan."

Nawala ang emosyon sa aking mukha.

"Hindi na mababalik ang dati. It's your fault, by the way," I flatly uttered.

"And I'm sorry. Let's talk."

Hindi ko napansin na nakaupo na kami sa isang bench dito sa labas ng cafeteria. Walang class ngayong araw dahil may meeting ang mga teacher.

Kanina ay kasama ko sina Francine at Celestine ngunit nag hiwa-hiwalay din kami dahil may importante rin silang gagawin, pero mamayang uwian ay magkikita-kita ulit kami.

Narinig kong tumikhim si Clinton kaya napatingin ako sa kanya.

"So what do you want to talk about? Why? Sasabihin mo na ba ang mga sikreto na nalalaman mo tungkol sa akin... na hindi ko alam?" Nakita ko siyang napayuko dahil siguro sa mga tanong ko.

"Sorry." Tamimtim ko lang siyang tinitigan.

"Why?"

"It's for your own safety, Xy—" I instantly cut him off.

"Don't you ever called me on that name." Nakita ko siyang tumango.

"Ano pala ang gusto mong pag-usapan?" Kailangan ko na din siyang kausapin dahil hindi niya ako titigilan kung hindi kami makakapag-usap.

"Can we go back? We used to be so closed." Iniling ko ang aking ulo.

"Ilang beses ko bang uulitin? Hindi na mangyayari yung gusto mo. Sinira mo ang tiwala ko. Yeah right, pwede tayong maging magkaibigan pero hindi na maiibabalik ang dati. And you know what? I realize something." I saw the sadness in his eyes while looking at me but he removes it immediately.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now