Chapter 40

1.2K 59 5
                                    

Nagtaka ako dahil malawak na field itong binabaaan ng sasakyan namin. Pero bago kami makarating dito ay dumaan kami sa isang makipot at puro mga puno at halaman lang ang makikita.

May ganito pa lang lugar dito? Akala ko puro puno lang ang loob nito kaya nga walang taong nagtatangkang pumasok dito dahil medyo creepy na sa lugar na ito pero mayroon palang ganitong kalawak na green field, yeah ganoon ang tinawag ko dahil puro halaman lang ang nakikita ko rito.

Malapit lang ito sa bahay namin kaya't nagtataka ako bakit may ganito rito? At saan yung sinasabi ni tiyo Naldo na dadalhin niya kami sa isa pang lagusan patungo sa secret underground ni Dad? Wala akong nakikitang kahit na ano rito?

Isa-isa na ring naglabasan ang mga kaibigan ko kasama si tiyo Naldo at yung Doctor na kasama namin.
"We're not joking around here! Where's the fcking secret underground here?! Malala na ang kondisyon ni Celestine!" malakas na bulyaw ni Steel habang buhat sa kanyang bisig si Celestine na wala ng malay.

Lahat kami ay nataranta. Lahat din kami ay nagtaka katulad ni Steel, dahil tama siya. Nasaan nga ba kami dadaan papunta sa secret underground?

Mas lalo akong nagtaka ng ngumiti si tiyo Naldo kaya't sinundan na lang namin siya.

"Nick, Ream, and son," tawag atensyon ni Tiyo Naldo sa tatlo at agad na nag silapit ang tatlo sa kanya na kanina pa nagtataka.

"Sakyan n'yo ang mga sasakyang dala natin. Walang dapat makaalam na narito tayo kahit ang mga sasakyan ay hindi natin pwedeng iwanan dito. May garahe ang secret underground ng mga Montilla. Steel and the doctor, sumakay ulit kayo sa sasakyan." Kahit nagtataka ay sinunod nilang lahat ang sinabi niya.

"And Xyrene, follow me." Sumunod rin ako sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niyang niluhod ang kanang paa niya at parang may kinakapa sa sahig. Nakita kong pinagpagan niya ang puro mga buhanging sahig at may nakita akong sementong pa square.

"Ano po ito?" May maliit akong nakita na red dot sa pinakagitna ng sementong square.

"Just tap your palm para makapasok na tayo sa secret underground." Sinunod ko ulit ang utos niya dahil siya lang ang nakakaalam dito.
Pagka-tap ko ng aking palad sa may red dot ay naramdaman ko ang pag yanig at galaw ng lupa at humati ito sa gitna.

Woah! Is this the other passage of the secret underground? I can't believe my parents na makakagawa ng ganito.

Kahut gusto ko pa humanga sa nasaksihan ay sumakay ako sa isang sasakyan at ganoon din si tiyo Naldo. Naging maayos ang pagkababa namin at muling nagsara ang kaninang nakabukang lupa.

Tiyo Naldo explained why. Ito pala yung garahe ng secret underground dahil dito pinapasok nila mom and dad ang sasakyan nila dahil hindi naman nila ito mapapasok sa main passage ang mga sasakyan na nasa kwarto nila.

Agad kaming nagsikilos pababa. May inopen pa ulit akong pintuan at ang palad ka ulit ang password. Halos lahat kami ay gustong mamangha sa nakikita. Kahit ako na nakapunta na rito nang isang beses, pero hindi ko naman ito nilibot kaya hindi ko alam na ganito pala ito kalawak.

Kumilos ang Doctor at sinabi ko sa kanya ang lugar kung saan may nakita ako na mga kagamitan pang hospital. Siguro ay dito lang din nila mom and dad ginagamot ang mga sarili nila.

Lahat kami ay naghintay sa labas ng kwartong pinasukan nang doctor na kasama namin dito.

Ilang oras kaming nakaupo sa labas ng kwarto, at saka lamang lumabas ang Doctor na tinatanggal ang surgical mask pagkatapos mag hugas at malinisan ang duguang surgical gloves.

"Doc," ani ni Steel. At halos lahat kami ay napatayo at nag-abang sa sasabihin ng Doctor.

"She's okay, now. Natanggal na ang bala sa kanyang katawan." Lahat kami ay napahinga ng maluwag. Thank God!

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now