Chapter 24

1.4K 73 5
                                    

Late ako sa class ko pagkatapos ng lunch at nakita ako ni ma'am Santos, pinagalitan niya pa ako pero nang malaman niya ang reason kung bakit ako late which is yung nangyari kaninang laban, pinagbigyan niya ako at nag patake-home na lang sa akin.

Pag kapasok ko sa classroom ay agad akong umupo sa upuan ko. Nakita kong gising si Nolan kaya nginitian ko lang siya nang magtama ang paningin namin.

Wala pa yung next teacher namin kaya nakatulala lang ako.

Namula ulit yung pisngi ko dahil sa ginawa ni Ream kanina sa tuwing naalala ko. Argh! Marami akong tanong pero hindi ko na nagawa dahil nag walk out kaagad ako, sobrang nakakahiya talaga. Sa susunod na lang ako magtatanong, pero paano kung hindi ulit siya pumasok? Kailangan ko siyang makausap mamayang uwian.

Napabuntong hininga na lang ako at pilit inalis sa isipan ang nangyari kanina.

Mukhang mal-late ata yung teacher namin ngayon dahil nag announce yung class president namin na late daw ng thirty minutes yung teacher namin.

Pumangalumbaba na lang ako sa desk ko.

"Trixy?" Napaigtad ako nang nagsalita si Nolan, nasa likod kami at kaming dalawa lang ang nandito pero may espasyo yung chairs namin, nasa pinakagilid kasi si Nolan para matulog pero ngayon ay tumabi siya ng upo sa akin since wala namang nakaupo roon.

Himala! Dapat kasi natutulog siya kasi may free time oh.

"Hmm?"

"Anong nangyari kanina? Nang lunch?" Napatingin ako kay Nolan, kitang-kita ko ang kuryusidad sa mga mata niya.

Bago ito ah?

"Ahm, wala naman. May sumugod na mga lalaking nakaitim sa likod ng school at hinahanap si Ream at nagpakita si Ream doon kaya napalaban ng 'di oras," ani ko.

Nakita ko pang parang may malalim na iniisip si Nolan, nakakunot pa ang kanyang noo.

I heard him tsk.

"Bakit?" tanong ko kasi nakakapanibago siya ngayon mukhang may malalim talaga siyang iniisip pero nang mapansin niyang nagtataka ako ay ngumiti siya.

"Ah wala! Naiinis lang ako sa mga lalaking nakaitim na 'yon. Napahamak ka ba?" Umiling ako sa tanong niya.

"Hindi naman, nandoon naman si Ream para iligtas ako." Tama na ang si Ream lang ang nakakaalam na kaya kong makipaglaban pati na rin si Clinton.

"Good. Sige doon na ako sa p'westo ko. Salamat sa pagsagot." He smiled, pero kahit nagtataka ako, tumango na lamang ako sa kanya.

Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko pa ang talas ng titig niya pero yumuko na siya sa desk niya para siguro matulog ulit na siyang ginagawa niya.

Nagtataka talaga ako sa kinikilos niya, ano kayang mayroon doon?

"Good afternoon class, sorry I'm fifteen minutes late mabuti at nakahabol pa ako. So our lesson for today..."

Sabi ay thirty minutes siyang late pero fifteen minutes lang pala. Wala pa naman akong ganang makinig ngayon.

Nakinig na lang ako sa mga class ko ngayong araw at kapag may quiz ay nakakasagot naman ako dahil nagrereview ako pagdating ko. Hindi ko pa rin pwedeng pabayaan ang pag-aaral ko.

"That's all for today, class dismiss!" Pagkasabi no'n ng last Teacher namin ay agad na akong nag ligpit ng gamit ko.

"Nagmamadali?" Napalingon ako kay Nolan na nakaupo pa pero bumalik ang pansin ko sa pag-aayos ng aking gamit bago sumagot.

"Yeah."

"Why?" Napalingon na ako ng tuluyan sa kanya ng maayos ko na ang gamit ko at maisukbit sa likod ang bag ko.

I Saw the Future OnceOnde histórias criam vida. Descubra agora