Kabanata XIX

32 2 0
                                    

Zild

Nagulat ang lahat nung dumating kami sa kampo at karga ko ang bangkay ni Luke at kasama namin ang kapatid nito sa aming pagbalik.

Napatakip ng bibig si pinunong Layla at agad itong lumapit sa amin pati si pinunong Gusion.

"Ano nangyare?" tanong ni pinunong Layla

"Binuwis nya ang kanyang buhay upang maligtas ako at mapatay nya si Zuthor" sagot nung kapatid ni Luke na si Mico

"Ibig sabihin ba nito, patay na si Zuthor?" tanong ni pinunong Layla

Hindi na kami nakasagot dahil sa sobrang lungkot. Parang wala na din kaming lakas ng loob magsaya kahit napatay na ni Luke ang itim na panginoon.

Nakita kong nagsiluhuran ang mga nasa paligid. Maging si pinunong Gusion at Layla ay nakaluhod habang karga-karga ko ang bangkay ni Luke.

***
Pumunta kami kay Esmeralda upang ibalita sa kanya ang nangyare. Kasama namin si Mico na sya namang ikinagulat nito.

"Patay na si Luke" sabi ko ng masamang balita.

"Hindi maaring mamatay si Luke dahil mayroon pa syang mahalagang papel sa propesiya" sagot naman ni Esmeralda

"Patay na sya, Esmeralda" sagot ko at pinakita ko sa kanya ang kanyang kapatid.

"Ang panganay na anak ni Alucard" nakilala nya agad ito.

"Esmeralda, diba ang sabi mo noon sa propesiya. Ang pinakamatandang anak ng pinakamalakas na assasin ang magiging dahilan ng pagkaligtas ng mundo, ibig ba sabihin nito na si Mico ang tinutukoy ng propesiya?" tanong ni Ana

"Hindi ko masagot ang iyong katanungan, paumanhin Ana" sagot naman nito

"Anong ibig mong sabihin? Ikaw ang mata, nakikita mo ang hinaharap" tanong ko naman sa kanya.

"Hindi ko alam. Ang nakita ko sa propesiya ay hindi malinaw sa akin kung si Luke o sya" sagot naman nito. Maaring maypagkalito kay Esmeralda dahil halos magkasing kamukha nga si Luke at si Mico

"Matagal na itong plinano, bago man ang unang digmaan" sagot ni Mico

Nakatingin lang kami sa kanya nung nagsalita na sya.

"Isang kilalang demon hunter ang aking ama, kaya sya ang itinuturing na pinakamalakas na bayani dahil sa marami syang napatay na mga itim na mahikero at mga halimaw na sinamo ng mga demonyo" panimula nito.

"Sa mga panahong iyon, napatay ng aking ama at ina ang isang itim na babae, pati ang anak na dinadala nito"

Nakatahimik lang kami at nakikinig. Hindi ko pa naririnig ang kwentong ito sa nakaraan.

"Kaya ang kapatid nya, na akala nilang mabuting mahikero, kasama ang kanyang asawa ay naghiganti sa aking ama at ina. Nagkaroon ng isang aksidente noon. At pinalabas nilang namatay ako, ngunit ang totoo ay pinagpalit nila ako sa bangkay ng isang mortal" pagpapatuloy nito.

Nakatingin ito kay Esmeralda at nagpatuloy sa kanyang mga sinasabi.

"Ang iyong nakikita sa iyong pangitain ay kino-kontrol ng isa pang itim na mahikero, isang maliit na lalaking may isang mata (Cyclops) ang pinaglalaruan ang iyong nakikita sa iyong balintataw" dagdag nito.

"Dahil ang lahat ng ito ay inaayon sa kanyang itim na plano. Maging ang pagdukot sa akin, at si Luke"

"Teka lang, anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Ang unang digmaan noon ay isang palabas lamang. Sinadya ni Zuthor na matalo sya, kasama ang aking ama at ilang mga bayani. Ngunit ang totoo, si Zuthor ay buhay dahil sya ay may itim na kapangyarihan, sa tulong ng enkantasyon ng mga itim na mahikero" sagot nito

Mobile Legends: ApocalypseWhere stories live. Discover now