Kabanata XV

27 3 2
                                    

Luke

"Naguguluhan na ako" sabi ko sa aking sarili. Paiba-iba ang sinasabi nila tungkol sa propesiya.

"Kahit ako ay naguguluhan" sabi ni pinunong Gusion

"Buong akala ko din ay patay na ang naunang anak nila Alucard at Miya" sabi nung babaeng may dilaw na buhok.

"Bakit hindi sinabi sa akin to ng aking ina?" tanong ko

"Matagal na ito, Luke. Nagkaron ng unang anak si Miya kay Alucard. Sya ang kauna-unahang naging anak ng isang kagaya namin. Ngunit nagkaron ng isang aksidente noon, at ang nasabing sanggol ay namatay" sagot ni pinunong Gusion

"Labis ang pagdadalamhati ng iyong ina, na muntik na nyang talikuran ang pagiging bayani. Kaya nagkaroon ng batas noon, isang batas na napagkasundaan na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng ano mang pagtatalik sa pagitan ng mga kagaya namin, sa kapwa nila bayani o kahit sa isang mortal. Upang hindi nila maiwanan o kalimutan ang kanilang mga tungkulin" paliwanag pa nito.

"Eh bakit---" magtatanong pa sana ko kaso nagsalita na ulit sya

"Kahit mayroong ganong batas, ilan pa din sa mga bayaning ito ang nagkaron ng anak, ang ilan sa kanilang uri, ang iba naman ay sa mga mortal. Sapagkat noon ay magkasamang namumuhay ang mga kagaya namin at ang ilang mortal. Kabilang ang iyong ina at ama, itinago ang mga sanggol ng maalamat na bayani sa mata ng iba upang mapangalagaan ito" pagpapatuloy nito

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi ko na nakilala ang aking ama at ina noong lumalaki ako.

"Kung ikaw ay nagtatanong sa iyong edad, may ginawang enkantasyon ang iyong ina upang maging mabagal ang pagtanda mo hanggang sumapit ang iyong tamang gulang" paliwanag naman nung babae.

"Pinunong Layla, pinunong Gusion, may natanggap kaming ulat mula sa mga nagbabantay sa labas. Nakita daw nila ang isang mahiwagang ibon na paikot-ikot sa ating kampo" bilang may pumasok na lalaki at may inulat ito sa amin.

"Ang ibon ni Pharsa, natunton nila tayo" sabi ni pinunong Layla

Pakiramdam ko ay kahit saang lugar kami magtago ay matutunton at matutunton nila kami. Parang kaming mga hayop na pinagtatabuyan at hinahanap para patayin.

"Kailangan nating maghanda" sabi ni pinunong Gusion

"Wala na tayong oras. Kulang ang ating pwersa para labanan sila" sabi naman ni pinunong Layla

"Hindi ibig sabihin na kulang ang ating tao, ay susuko na lang tayo" buong tapang kong sabi.

Napangiti lang si Zild at Ana.

"Kailangan nating itakas ang mga bata, at ang kanilang mga ina. Clint, ikaw ang mamuno sa kanila. May daan sa likuran ng kampong ito. Ang labas nito ay sa isang kagubatan malapit sa dalampasigan. Dun ay magtago kayo" utos ni pinunong Gusion

"Tutulong ako" sabi naman nung lalaki

"Tulungan mo sila" sagot naman ni pinunong Gusion at tumango lang ito. Agad-agad naman itong sinunod nung lalaki.

"Luke, handa ka na ba?" tanong nya sakin.

"Handa na" sagot ko

Naghanda na kami para sa pagsugod ulit ng mga kampon ni Zuthor. Kasalukuyan pa kaming naghahanda ng biglang yumanig ang lupa. Nagpapaulan ng malalaking bato ang mga ito.

Lumabas kami sa may taas na bahagi ng kampo. At nakita namin na nakahanda na ang mga alagad ni Zuthor. Mayroon silang dalawang dambuhalang mala-pagong na halimaw at mga halimaw na mukhang bato.

Sa gitna nila ay nandon ang aking kapatid at iba na ang itsura nito hindi kagaya ng una ko itong nakita. Sa tingin ko ay hindi na sya ang kapatid ko kungdi si Zuthor na sumanib na dito.

Mobile Legends: ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon